CHAPTER TWELVE

1414 Words
Mikaella's P.O.V. "What are you doing here all alone?" Tanong ng Earl sa akin at agad na lumapit para mapayungan ako. "Basang basa kana ng ulan. Naliligaw kaba?" Tanong pa nito ulit. Napayuko ako at napapikit na lang. Umihip ulit ang malakas na hangin at pakiramdam ko ay nasa loob ako ng freezer ngayon dahil sa sobrang lamig. "No," sagot ko at tinignan s'ya. "I'm just enjoying the rain and actually pauwi na ako." Palusot ko dito. "But you look scared earlier. Parang nakakita ka ng multo. Are you sure you're okay and hindi ka naliligaw?" Napalunok ako at huminga ng malalim. "We can send you to your home if you want. Delikado maglakad mag-isa especially you're alone," alok nito sa akin. Umatras ako at umiling. "No, I can go home by myself." Hindi ako puwedeng pumayag na lang na ihatid nila ako pauwi. Hindi ako puwedeng sumama na lang basta-basta sa kung sino. Hindi ko sila kilala at wala akong idea kung ano ang totoo nilang motibo sa pagtulong sa'kin. Mahirap na magtiwala sa mga tao dito sa MoonBridge town. Baka mamaya ay sila ang hinahanap ko. "Let's go, she said she can go home alone. She doesn't need our help," sabi ni Chase at pumasok na sa driver's seat. Tumingin sa akin si Earl at mukhang nagdadalawang isip ito. Mukha naman s'yang mabait pero hindi parin ako dapat magtiwala. "Uhmn, here." Kinuha nito ang kamay ko at inabot sa akin ang hawakan ng payong. "At least take the umbrella. Mukhang masama ang ulan ngayon, baka magkasakit ka lang," sabi nito. Agad kaming napatingin sa kotse nang marinig ng malakas na busina ni Chase doon. "Same lang naman tayo ng school nila Chase kaya mababalik mo rin 'yang payong sa akin," sabi nito at ngumiti. "Earl Seven!" Rinig kong sigaw ni Chase sa kotse at bumusina ito ulit. "Oo na! Eto na! Napakasungit mo naman!" Nakasimangot na sabi ni Earl sa kan'ya at nang tumingin ito sa akin ay ngumiti s'ya. "Una na kami. Take care, okay?" Hindi ako nagsalita at tumango lang. Naglakad na ito papunta sa pintuan ng passenger's seat at bago s'ya pumasok sa loob ay kumaway muna s'ya. Pagkapasok na pagkapasok n'ya ay agad na silang umalis. Napatingin ako sa itim nilang kotse at napabuntong hininga na lang. "Paano ako uuwi?" Mahina kong tanong. Hindi ko pa naman alam ang daan papuntang bahay. Napahigpit ang hawak ko sa payong na pinahiram sa akin ni Earl nang lumakas ang ulan. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at agad kong naalala ang babaeng nakita ko kanina. Lumingon lingon ako sa paligid at tinignan ko rin ang mga puno sa gilid. Wala na akong nakikita doon at wala na rin akong naririnig. Nagha-hallucinate ba ako? "Mika!" Agad akong napatingin sa pamilyar na kotse nang huminto ito sa gilid. Bumukas ang bintana at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni kuya. "Saan ka galing?" Tanong nito. "Bakit basang basa ka? Alam mo bang nag-aalaa ako sa'yo?" Hindi ako nagsalita at binuksan ko na lang ang pinto sa likod at umupo rito. Tiniklop ko na ang payong at agad kong naramdaman ang malamig na aircon dito sa kotse ni kuya. "Here," sabi nito at inabutan ako ng kulay cream na kumot. Agad kong binalot ang sarili ko dito at nagsimula nang mag-drive si Kuya. "You left your wallet and your phone. Hindi ka nagpaalam sa akin. I got worried, Mikaella," seryosong sabi ni Kuya at nag-U turn ito. Hindi ako sumagot at yumuko lang. "Hindi pa tayo pamilyar sa lugar na'to. Alam mo rin naman yung mga nababalita rito diba?" Hinayaan ko lang s'ya na pagalitan ako dahi deserved ko naman ito. "Please don't ever do this again. Ikaw na lang ang naiwan. Our Mom and Dad left us already. I can't afford to lose you. Promise me, Mika." Halatang halata ang pag-aalala sa boses n'ya. "I'll try," mahina kong sagot at sinandal ang ulo sa bintana tapos ay pinikit ang mata ko. ××× "Nathan is back?" Rinig kong sabi ng mga estudyanteng kasabayan ko papasok sa gate ng Willton's Academy. "Yes. Maaga nga s'ya pumasok. Nagpumilit s'yang pumasok kahit ayaw na muna s'yang pag-aralin ng parents n'ya," sabi pa ng kasama nito. Binilisan ko na lang ang paglalakad hanggang sa makapasok na ako sa building ng classroom ko. Hindi na ako dapat nakikinig sa mga usapan ng iba kahit nakaka-curious ito. "Hey! Mika!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at napasimangot na lang nang makita si Mr. President. "May quiz daw tayo mamaya sa Physical Education. Sinend ko 'yon sa group chat natin and I noticed na hindi ka nag-seen kaya baka hindi mo alam," sabi nito at sinabayan ako sa paglalakad. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito. Hindi ko nga pala na-check ang phone ko dahil pagkauwi namin ni kuya ay deretso akong natulog. Masama pa nga ang pakiramdam ko dahil sa pagligo ko sa ulan. "Thanks for reminding me," sabi ko sa kan'ya at pagkatungtong namin sa 2nd floor ay dumiretso na kami papunta sa classroom. Pagkapasok namin ay natigilan ang lahat saglit at bumalik na rin sa mga pinaggagawa nila. Akala nila siguro ay Professor na ang pumasok. Napatingin ako sa bandang dulo dahil napansin kong nakakandong ang isang babaeng mukhang taga ibang section sa classmate naming lalaki. Naghahalikan pa ang dalawang ito at napairap na lang ako dahil talagang sa classroom pa nila ito ginagawa. "Hey! Bawal 'yan," agad na saway ni Kael sa kanila. Napatingin ako saglit kay Loui na nakatingin sa akin at nag-iwas rin s'ya agad ng tingin. Bigla kong naalala ang sinabi n'ya sa akin. Na hindi ako dapat nag-transferred dito sa Willton's Academy at hindi kami dapat lumipat ni kuya dito sa Moonbridge Town. Umupo na lang ako ng tahimik sa pwesto ko at kinuha ang earphone ko. May 10 minutes pa bago magsimula ang klase. Nakinig na muna ako ng kanta at hiniga ang ulo ko sa lamesa. Pinikit ko ang mga mata ko at huming ng malalim. Pakiramdam ko ay inaantok ako at nahihilo. Nakalimutan kong uminom kanina ng gamot sa bahay dahil nakabantay si Kuya sa akin. Baka pagnakita n'yang uminom ako ng gamot ay dalhin n'ya na lang ako sa hospital. Masyadong big deal sa kan'ya tuwing nagkakasakit ako at hindi ko alam kung bakit. ××× Break time na at nandito ako ngayon sa classroom. Hindi ko alam kung may kasama ba ako dito dahil nakangudngud ang mukha ko sa table ko at nakapikit ang mata. Pagsinusubukan kong tumayo ay nahihilo lang ako at parang nasusuka. Pakiramdam ko ay mas lalong lumalala ang sakit ko. Kailangan ko na siguro talagang uminom ng gamot. "Mikaella Evergreen." Narinig kong may tumawag sa pangalan ko at hindi pamilyar ang boses nito. Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at nakita ang pamilyar na mukha. "So, why are you here alone?" Tanong nito sa akin at umupo sa table ng katabing chair ko. Napangiwi naman ako at napailing na lang. Anong ginagawa ng isang ito dito? Bakit nandito si Jaxe Dean? "It's none of your business. Gusto kong mapag-isa," sagot ko sa kan'ya. "This school is mine," sabi nito at tumayo habang nakangiti. Pumikit ako saglit at tumayo. "This school is not yours. It's your father's," madiin kong sabi at humarap dito. Hindi ko alam kung nasa dugo ba nila ang pagiging mayabang o s'ya lang ang mayabang sa kanila. Hindi naman proke't sa kanila ang school na ito ay puwede na n'ya ako guluhin. Isa pa, bakit ba s'ya nandito at ginugulo ako? "It will be mine, soon," sagot nito habang ngingiti-ngiti. "Fine. So what do you want?" Tanong ko sa kan'ya. kung nandito lang s'ya para guluhin ako dahil sa ginawa ko dati habang binu-bully n'ya si Loui kasama ang kaibigan n'ya ay sigurado akong may galit ito sa akin. "I want to stay here," sabi nito at umupo sa tabing upuan ko at pinatong ang dalawang paa sa lamesa. Gusto kong sipain ang isang ito pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sigurado akong maga-guidance ako at iyon ang gusto n'ya. Huminga ako ng malalim at humakbang palayo sa kan'ya. "Sure. This room is all yours now," mahina kong sabi at tumalikod na. Habang naglalakad palabas ay bigla kong naramdaman ang matinding hilo dahilan para matumba ako. Napahawak ako sa malamig na sahig at lumalabo ang paningin ko. Narinig ko ring napasigaw s'ya at lumapit sa akin. "Damn," bulong ko at tuluyan nang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD