CHAPTER ELEVEN

1194 Words
Mikaella's P.O.V. Nang mapatingin s'ya sa akin ay nakita kong napakunot ang noo n'ya. Mukhang hindi n'ya rin inaasahan na ako ang makakatabi n'ya dito ngayon. Hindi s'ya nagsalita at nag-iwas ito ng tingin. Napayuko naman ako at napatingin lang sa palda ko. Biglang nag-flashback sa akin ang gabing nagpunta ako sa forest at sinundan ang mga lalaking naka clown mask. Naalala ko rin ang mukha ng babae doon. Ang boses n'ya na takot na takot at humihingi ng tulong. Ang mukha n'yang puro sugat at nawawalan na ng pag-asa. Lahat iyon ay bumalik sa alaala ko hanggang sa maalala ko rin ang pagbaril sa kan'yang noo. Dilat na dilat ang mata n'ya at nakatulala na lang ito matapos non. Naiyukom ko ang palad ko ng mahigpit at napapikit. Parang bumalik ang takot na nararamdaman ko ng gabing iyon. Bumalik ang kaba at sobrang takot. Hindi ko nagawang sabihin sa mga police ang nakita ko. Hindi ko nagawang ikwento sa kanila ang nasaksihan ko. "Kung ano man ang nakita mo noong gabing 'yon," rinig kong sabi nito at huminto saglit. Napalingon ako sa kan'ya at nakita kong deretso lang ang tingin nito. Seryoso lang din ang mukha n'ya. "Don't tell anyone. Keep your mouth shut for your own safety," sabi nito nang hindi sa akin tumitingin at tumayo na. Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. "Wait," mahina kong tawag sa kan'ya at tumayo. Napalingon s'ya sa akin at kita ko ang mukha nito. May band aid s'ya sa kaliwang pisngi at may sugat ito sa bandang ilong. Mukha s'yang napaaway. "What do you mean?" Tanong ko sa kan'ya. "Don't do something that will trigger them. They know you, Mikaella. They know that it's you who saw them killed Fiona. Your life is in danger," seryoso nitong sabi at agad nang naglakad papalayo. Mas lalong napakunot ang noo ko habang nakatingin sa likuran n'ya. Sinuot n'ya ang itim na hood ng hoodie n'ya at parang may hinahanap ito sa paligid. "Pano n'ya nalaman ang pangalan ko?" Mahina kong tanong sa sarili at napaupo sa bench. Hindi n'ya naman ako tinanong nung gabing 'yon di'ba? At lalong hindi ko ipapamigay lang sa kung sino ang pangalan ko. Kilala n'ya rin ang babaeng pinatay. Si Fiona. Sabi sa akin ni Kuya Mike ay isang estudyante ang babaeng 'yon sa Willton's Academy. Agad akong napatingala nang maramdaman na may pumapatak na tubig sa aking mukha at kamay. Nakita kong umaambon kahit medyo maliwanag pa. Maaga pa kaya naman hindi pa nakakalubog ang araw. Napatingin ako sa mga tao na nagtatakbuhan sa paligid at mas lalong lumakas ang ulan kaya naman napatayo na ako. Huhubarin ko sana ang school blazer ko pero hindi ko na lang ito tinuloy. Hinayaan ko na lang na mabasa ako. Maliligo at magpapalit na lang ako ng damit mamayang pagkauwi. Alam kong papagalitan ako ni Kuya pero wala naman na s'yang magagawa. Nagsimula na akong maglakad habang patuloy lang sa pagbagsak ang ulan. Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas. Napatingin din ako sa langit at nakita kong medyo dumidilim na rin. Nagsisimula nang magtago ang araw sa ulap at maya-maya lang ay lulubog na ito dahil maggagabi na rin. Pagkaalis ko sa park ay nakita ko ang mga iilang kotse na dumadaan sa kalsada. Konti lang ito at halos wala na nga akong makitang kotse. Wala na ring taxi na dumadaan kaya napabuntong hininga na lang ako. Wala na akong ibang choice ngayon kung hindi ang maglakad. Sana lang ay hindi ako maligaw. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar dito sa MoonBridge Town. Habang naglalakad at napatingin ako sa mga punong nadadaanan ko. Hinahangin ang mga dahon at sanga nito. Mas lalong lumalakas din ang hangin kaya naman napayakap ako sa sarili ko at nagsimula na ring maramdaman ko ang lamig. Habang naglalakad ay napatingin na lang ako sa paahan ko. Wala nang dumadaan na mga sasakyan dito. Wala na rin akong ibang marinig kung hindi ang pagbagsak ng ulan sa lupa at ang malakas na hangin. Habang naglalakad ay natigilan ako saglit at napatingin sa mga puno sa gilid na dinadaanan ko. "Help!" Agad akong tumakbo nang marinig ko ang sigaw ni Fiona. Ang lakas nito at nage-echo ito. "Tulungan n'yo ako!" Tinakip ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang tainga ko at mas binilisan ko ang takbo. Hindi ko magawang tumimgin sa mga puno sa gilid dahil alam kong makikita ko s'ya roon kasama ang mga lalaking nakasuot ng clown mask na pinatay s'ya. "Parang awa n'yo na! Tulong!" Kinilabutan ako nang marinig ko ang nagmamakaawang boses nito. Napalunok ako at napatingin lang sa sapatos ko habang tumatakbo. Mas lalong lumalakas ang ulan at hangin. "Help me! Please! Somebody!" Napakagat ako sa labi ko at patuloy na tumatakbo. Nagsimula na akong makaramdam ng guilt. Guilt dahil hindi ko man lang s'ya sinubukang tulungan. Guilt dahil nanahimik din ako at hindi ko sinabi sa mga police ang nasaksihan ko. Agad akong napahinto nang makitang may nakatayo sa harap ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang sapatos ng isang babae. Unti-unti kong inangat ang tingin ko at mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Pagkatingin ko sa kan'yang mukha ay agad kong nakita ang butas sa noo nito at napatili ako. Napapikit ako dahil sa takot at agad na tumakbo papalayo. "No.." mahina kong sabi sa sarili. What's happening to me? She's already dead! Bakit ko sya nakita? Habang tumatakbo ay lumingon ako at nakitang wala na s'ya doon. Agad akong napahinto dahil dito at bigla kong narinig ang malakas na preno. Napatingin ako sa harapan ko at nanlaki ang mata nang makitang may kotse na papalapit sa akin. Bago pa ito tumama nang tuluyan ay nakapreno na ito at bumisina ng malakas. Gusto kong mapapikit dahil sa nangyari. Gusto kong mapapikit sa takot pero mas pinatili kong dilat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko. Biglang bumukas ang pinto sa passenger's seat at may lumabas na lalaki doon. Binuksan n'ya ang hawak na payong at lumapit sa akin. Pagkaharap n'ya ay nakita ko ang dark brown nitong buhok na nakagilid. Sakto lang ang tangkad nito at nakasuot s'ya ng school uniform ng Willton's Academy. "Miss! Are you okay?" Nag-aalala nitong tanong. Hindi ako agad makasagot dahil sa takot at kaba na naramdaman ko. Biglang bumukas rin ang pinto sa driver's seat at nagbukas iyon ng itim na payong. Lumapit ito sa tabi nitong lalaki at nakita ko ang mukha nito. Mas matangkad ito kaysa sa kasama n'ya. Itim na itim ang buhok n'ya at ang mga maya. Seryoso lang din ang mukha nito. "What happened? Bakit may pakalat kalat na babae sa kalsada?" Iritadong tanong ng nag-drive. "Miss?" Kumaway sa mukha ko ang dark brown ang kulay ng buhok kaya naman agad akong napabalik sa sarili ko. "I'm Earl Seven," pakilalala n'ya sa sarili habang nakangiti at nilahad ang kamay. Hindi ako nagsalita at tinignan ko lang ang kamay n'ya. Napaubo naman s'ya dahil dito. "He's Chase Javier." Pakilala nito sa kasama n'ya. "And you are?" "Mika. Mikaella Evergreen," mahina kong sabi at agad na tumunog ang malakas na kulog at kumidlat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD