CHAPTER FORTY ONE

1061 Words
Mikaella's P.O.V. "Hey," rinig kong tawag sa akin ni Kael. Nakaupo kaming dalawa sa gilid ng pool habang nakasawsaw ang mga binti namin dito. Basa na rin naman na kami kaya pinabayaan ko na lang rin. Kanina ko pa hinahanap si Nathan dito pero hindi ko s'ya makita. Nasaan kaya s'ya? Anong ginagawa n'ya? Hindi kaya.. nakaalis na s'ya? "Mikaella." Nakita kong may kamay na kumaway sa mukha ko kaya naman napatingin ako kay Kael. . "Ah, bakit?" Tanong ko sa kan'ya at tinignan sila Cara at Chaz na nagpapasahan ng bola sa pool. "Is there something bothering you?" Tanong n'ya sa akin. "To be honest, kanina ko pa talaga napapansin. You can always tell me everything." Napahinga ako nang malalim at napakagat sa labi ko. Sobrang hirap dahil wala akong masabihan. Hindi ako pwede magsabi sa kanila nila Chaz. Hindi ako puwede magtiwala sa mga estudyante ng Willton's Academy. Kilala ako ng mga killers. Maaring pinapanood nila ang bawat kilos ko. Baka nga nanonood sila sa akin ngayon. Pwede rin namang nasa tabi ko lang sila at kinakaibigan ako para hindi ko sila pagdudahan. "It's nothing," sagot ko sa kan'ya at ngumiti. "Are you really really sure?" Paninigurado nito. "Yeah," sagot ko dito. Nang kukuhain ko sana ang bag ko ay bigla kong naalala na nahagis ko nga pala iyon. Hindi ko alan kung anong oras na at nandon ang phone ko. Baka may mga texts at missed calls na rin si kuya sa akin. Agad akong lumingon habang nakaupo at ginala ang paningin. Sinubukan kong hanapin ang bag ko pero masyadong maraming nakatayo rito at hindi ko makita ang sahig. Nasaan na ba 'yon? Habang hinahanap ko iyon gamit ang tingin ko ay agad akong natigilan nang makita si Nathan. Hindi na rin nito suot ang suit jacket n'ya. Nakaitim na longsleeve polo na lang ito at nakayupi din ang sleeves nito hanggang siko. Nakita kong may mga nakakausap s'ya sa mga bisita na babae ni Vivian na nadadaanan n'ya at parang nagmamadali na ito. Agad akong tumayo at hindi ko inalis ang tingin sa kan'ya. Kinuha ko ang sapatos ko sa gilid at sinuot ito. "Saan ka pupunta, Mika?" Tanong ni Kael sa akin. "I'll go home now. Susunduin na ako ni kuya. Giniginaw na rin ako," sabi ko sa kan'ya. Pagkatayo ko ay dito ko lang rin naramdaman ang lamig. Masyadong malamig at presko talaga ang hangin rito sa Moonbridge Town. Pakiramdam ko tuloy ay nasa loob ako ng freezer ngayon. "Wait," sabi ni Kael at tumayo ito. Nagpunta ito sa pinakamalapit na table at hinanap ko ng tingin si Nathan. Nakita kong napahinto na naman s'ya sa paglalakad dahil may tumawag sa kan'yang babaeng nakasuot ng swimsuit. Nakita kong hinawakan s'ya nito sa braso at nagtawanan ang dalawa. "You can use this." Inabot sa akin ni Kael ang itim na suit jacket n'ya. "I'm fine," pagtanggi ko rito pero kinuha n'ya ang kamay ko at binigay sa akin ang itim na suit jacket. Tinignan ko si Nathan at nakita kong papasok na ito ngayon sa main hall. Wala na akong oras kaya naman tinanggap ko na lang itong suit jacket ni Kael at tinignan s'ya. "Thank you, Mr. Serfin," sabi ko dito at naglakad na. Habang naglalakad ay sinuot ko na ang jacket. Napapatingin ang iba sa akin dahil halatang basa ako. Binilisan ko na lang ang paglalakad at pagkapasok ko sa main hall ay mas lumamig dahil bukas pa rin ang mga aircon dito. May mga iilang tao pa rito sa loob na nagke-kwentuhan. Hinanap ko si Nathan at napakunot ang noo ko nang makitang sa iba ito dumaan. Mabilis akong sumunod sa kan'ya at maingat ang bawat hakbang ko dahil nakasuot ako ng heels. Baka marinig n'ya ito. Pumasok sa loob ng pinto si Nathan. Tinignan ko kung saan ito papunta at nakita kong stairs ito. Dahan-dahan kong binuksan ang puting pinto at pumasok sa loob. Narinig ko ang footsteps n'ya sa itaas kaya naman nagsimula na akong umakyat. Habang umaakyat ay nararamdaman ko ang kaba at mabilis na pagtibok ng puso ko. Madiin ang pagkakahawak ko sa railings. Pagkadating sa 3rd floor ay lumabas na si Nathan. Nag-antay pa ako ng ilang minuto bago lumabas. Dahan-dahan kong binuksan ulit ang pinto at sumilip muna ako. Nakita ko ang mahaba at maaliwalas na hallway. Nakatalikod si Nathan at pumasok pa ito sa isang kwarto. Mabilis akong naglakad papunta doon. Kulay puti ang pintuan dito katulad sa hagdan at may sign ito na exit. Napakunot ang noo ko at binuksan ko ito. Agad na bumungad sa akin ang malakas na hangin at ang ibaba na puro halaman at puno. Tinignan ko ang hagdan na gawa sa bakal. Saan ito papunta? Tutuloy ba ako? Napakagat ako sa labi ko at diniinan ang hawak sa hagdan. Inalis ko ang tingin sa baba dahil nalulula ako dito. May parte sa akin na gusto ko na lang umalis rito at umuwi pero may parte rin sa akin na kailangan ko itong gawin. Kailangan kong makita kung sino ang mga killers na iyon. Agad kong kinapa ang bag ko para hanapin ang phone ko at tawagan ang police pero napasinghap na lang ako nang maalalang hindi ko pala iyon nahanap kanina. Napangiwi ako at napatingin na lang sa itaas. Umihip ulit ang malakas na hangin kaya mas lalong hinigpitan ko ang hawak sa hagdan. "Bahala na," mahina kong sabi sa sarili at nagsimula nang umakyat. Habang umaakyat ay mas bumibilis ang t***k ng puso ko. Sobrang lamig ng nararamdaman ko ngayon gawa ng basa ako at ng kaba. Parang bumibigat rin ang katawan ko kada hakbang ko. Natatakot akong tumingin sa baba dahil pakiramdam ko ay malalaglag ako. Huminga ako nang malalim at pinatiling kalmado ang sarili. Nang maakyat ko ito ay napakunot ang noo ko at nakitang nasa rooftop ako nitong resort. Madilim dito at walang gaanong ilaw. Mukhang inaayos pa ang rooftop. May mga pader dito na hindi pa tapos. Tumuntong na ako rito at kinalibutan. Nasaan sila? Nasaan na si Nathan? Nakarinig ako nang parang nag-uusap sa bandang dulo kaya naman marahan akong naglakad dito. Nanatiling alerto ako at tumitingin sa paligid ko dahil masyadong madilim. Nagtungo ako sa isang pader na putol. May kaonting liwanag sa kabilang side nito. Sa tingin ko ay nandidito sila. Dahan-dahan akong sumilip sa pader at nanlaki ang mata sa nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD