CHAPTER SEVENTY ONE

1046 Words
Mikaella's P.O.V. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Kross pagkabukas ko ng pinto. Sumimangot naman s'ya at binaba ang hawak na box ng cake at balloon. "Ganyan kana ba ngayon mag-welcome sa childhood bestfriend mo?" Tanong nito at pumasok sa loob. Agad ko namang sinara ang pinto at naglakad papalapit sa kan'ya. Nagtungo ito sa kitchen at binuksan ang box ng cake. Napatingin ako sa cake at nakitang strawberry cream ang flavor nito. "Naghanap pa ako ng bukas na cake shop para lang dito sa favorite cake mo," sabi pa nito at tinali ang isang balloon sa upuan. Napabuntong hininga na lang ako at tinignan s'ya. "Okay fine. I'm sorry. It's just that, nagtataka ako kasi nandito ka. Besides sobrang late na rin kasi," sabi ko rito. "Well, why not? Nabalitaan ko na nasa outing ang kuya mo and nalaman kong mag-isa ka. That's why I'm here. Para may makasama ka. Ayaw mo ba?" Tanong nito at sinara ang box ng cake. "Okay lang naman. Pwede naman akong umuwi kasama tong cake." "No," agad kong sabi rito. "Of course, i want you to be here." Nakita kong ngumiti ito at binuksan ulit ang cake. "that's the answer that I want to hear," sabi nito habang ngingiti-ngiti. "Shall we start eating the cake?" "Yes. We shall," sagot ko rito at nagtawanan kami. Nilabas namin ang isang maliit na cake sa box. Pinagmasdan ko ito at itsura pa lang nito at sobrang nakakatakam na. Puting puti ito na may mga fresh strawberries sa ibabaw na nakapabilog. May mga sliced strawberries rin ito sa loob ng cake. "Para san naman yung balloon?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa pulang lobo. "Oh, this?" Tanong n'ya at tumango ako. "Wala naman. Trip ko lang." Hindi ako nagsalita at sinamaan lang ang tingin sa kan'ya. "May extra balloon kasi ako kotse na hindi pa nagagamit. Nung nakita ko 'to naisip ko i-surprise ka kahit hindi ganun kaganda." Agad naman akong napangiti. Nakukutwa lang dahil dati pa talaga ay mahilig si Kross mag-surprise sa akin at mag-effort. "Thank you, Kross," sabi ko sa kan'ya. "You're welcome, Ms. Mikaella Evergreen." "Tigilan mo nga ako tawagin sa full name ko," reklamo ko sa kan'ya at kumuha ng dalawang tinidor. "Why?" Nakakunot noo n'yang tanong. "Because it's weird. I don't even like my name," mahina kong sabi. "But your name is beautiful, Mika." Napahinto ako saglit at napatingin sa kan'ya. Hindi s'ya kumibo o umimik. Nakatingin lang ito ng seryoso sa akin. Napaubo ako at inabot sa kan'ya ang isang fork na hawak ko. "I know. You don't have to mention it," sabi ko rito at binuhat ang cake. "let's watch movie habang kinakain to. Game?" Alok ko sa kan'ya. "Game!" Masaya nitong sabi at naglakad na kami papunta sa living area. Binuksan ko ang television at naghanap ng magandang movie. Nilapag ko naman ang cake sa harap namin at nagsimula nang manood habang kumakain. Bigla ko tuloy naalala last time na nag-cinema kami ni Kross. Hindi ko kinaya ang pinapanood namin non at hindi rin maganda ang pakiramdam ko. Dahil don ay parang nasira ang bonding namin. "Are you okay?" Napatingin ako kay Kross nang magsalita ito. Nakaupo ito sa tabi ko at nasa labi nito ang fork na hawak dahil kakasubo n'ya lang ng cake. "Yes," tipid kong sagot rito at sumubo rin ng cake. Agad kong nalasahan ang fresh strawberries at tulad ng dati ay hindi ako binibigo ng lasa nito. "Why do you look bothered?" Tanong pa ni Kross. "Let's just watch, Kross," sabi ko rito at nilakasan ang volume ng movie na pinapanood. "Okay then," sagot n'ya at kumuha ng cake. Nakatingin lang ako sa screen at sinusubukang mag-concentrate sa pinapanood namin. Makalipas ang mga limang minuto ay nagulat ako nang may ipahid si Kross sa kanang pisngi ko. Agad akong napahawak rito at nakitang icing ito ng cake. Napakunot ang noo ko at tinignan si Kross na nakangiti at natatawa. Sinamaan ko s'ya ng tingin at kumuha ako ng icing para pahiran rin ito sa pisngi pero agad na s'yang tumayo at lumayo sa akin. "Ang daya mo!" Asar kong sigaw rito habang nakatayo at masama ang tingin sa kan'ya. Hindi s'ya nagsalita at tumawa lang. Hindi pa ito nakuntento at dumila pa ito na parang bata na nang-aasar. Napabuntong hininga na lang ako at umupo. "Tigilan ko ako, Kross," mahina kong sabi sa kan'ya at tumingin na lang sa screen ng Television. "Galit ka?" Tanong n'ya at mabilis na umupo sa tabi ko. "Uy, sorry na Mika." Kinalabit ako nito sa braso at pisngi pero hindi ko ito pinansin. "Sorry Ms. Evergreen, please notice meee," sabi nito habang winawagayway ang braso ko. Tinignan ko ito ng masama kaya naman napatigil s'ya. Mabilis kong pinahid ang icing sa kabilang daliri ko sa mukha n'ya. Napapikit s'ya at pinunasan ang icing sa bandang mata. "Mikaa!" Reklamo nito sa akin. "We're even now," sabi ko rito at ngumiti. Sumimangot lang s'ya at pinunasan ng tissue ang icing sa mukha. "Pahinge din ako ng tissue," sabi ko rito at inabot ang kamay ko. "Ako na magpupunas," sabi n'ya at nang ilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin ay agad akong natigilan. Nakatingin lang ako sa mga mata n'ya habang pinupunasan n'ya ng tissue ang icing sa pisngi ko. "Okay na," sabi nito at tinapon sa gilid ang mga tissue. "Let's not waste the cake anymore, okay?" "Let's not waste food pero ikaw nauna," mahina kong sabi at umirap. "Okay okay fine. I just wanted to make you smile and laugh. That's all," sabi nito at umupo sa tabi ko. "Nood na tayo." "Okay," sagot ko. Habang nanonood ay napatingin ako sa phone ko. Wala na ulit message sa akin si kuya. Kamusta kaya s'ya don kasama mga katrabaho n'ya? Masaya Kaya s'ya? "Uhmn, Mika," tawag sa akin ni Kross kaya napatingin ako rito. "Hmm?" Tanong ko sa kan'ya. "Nakausap ko mga police and detective n'yo ni Mike. Wala paring lead kung sino ang pumasok sa bahay n'yo at pumatay sa parents n'yo," seryoso nitong sabi. Naiyukom ko ang palad ko at nag-iwas ng tingin. "It's fine." Kung hindi nila mahahanap ang sumira ng buhay namin ni kuya Mike, ako na lang. Ako ng hahanap sa kanila at pagbabayarin sa kasalanan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD