CHAPTER FOURTEEN

1003 Words
Mikaella's P.O.V. Nakahiga lang ako ngayon sa kama dito sa school clinic habang hinihintay si kuya Mike na sunduin ako. Nakatingin lang ako sa puting kisame at nanatiling tahimik. Nakaupo sa tabi ko si Kael at binabantayan ako nito. Wala si Nurse Lia ngayon dito dahil dinala nila si Nathan sa Hospital kasama ang mga magulang nito. Pinatawagan din si Kuya Mike na sunduin ako dahil walang magbabantay sa akin dito sa school clinic. "Hindi kana sana muna pumasok kung masama ang pakiramdam mo," sabi ni Kael sa akin. Napatingin ako sa kan'ya sa gilid at nakita kong may hawak itong libro. Nagbabasa s'ya. Oras ng klase na din kasi ngayon. "You can leave me now. Papunta naman na si kuya. You can't missed the class," mahina kong sabi sa kan'ya. S'ya ang top 1 sa klase namin. Alam kong hindi n'ya gugustuhin na umabsent sa isang klase dahil may pinapatili s'yang grade at complete attendance. "It's fine, Mika. Tinatamad rin naman ako pumasok ngayon." Binaba nito sa side table ang librong binabasa n'ya at tumingin sa akin. "Besides, excused din naman ako sa klase dahil pinapabantay ka sa akin ni Ms. Dannica," sabi pa nito at ngumiti. Hindi na ako sumagot at binalik ko na lang ang tingin sa puting kisame. Pakiramdam ko ay sabagal lang ako sa kan'ya. Ayoko ng ganitong pakiramdam pero ayoko naman s'yang kulitin. "So... About those killers wearing clown masks." Napatingin ako sa kan'ya nang magsalita s'ya tungkol dito. "Anong sinabi n'ya sa'yo tungkol sa kanila?" Tanong n'ya habang seryoso ang mukha. Napakagat ako sa labi ko at nag-iwas ng tingin. Dapat ko bang sabihin sa kan'ya o hindi? "You can tell me everything, Mika," sabi nito at napatingin ako sa forearm ko nang hawakan n'ya ito. "Nakita ko na rin sila." Tinignan ko s'ya at nakita ko sa mga mata n'ya na hindi s'ya nagsisinungaling. "Why should I believe you?" Tanong ko sa kan'ya. "Why should I trust you, Kael?" Naalala ko ang sinabi sa akin ni Loui. Na iba si Kael. Na lahat ng estudyante dito ay may maskara na suot at hindi ako dapat magtiwala agad. Nakita kong napakunot ang noo n'ya dahil sa tanong ko. "It's fine if you don't want to tell me," sabi n'ya at binitawan na ako tapos ay sumandal sa upuan n'ya. "But remember, you can always tell me everything. I'm willing to listen." Nakatingin lang ako sa kan'ya habang seryoso lang ang mukha n'ya. Kung nakita n'ya na ang mga killers na 'yon, pwede ko namang sabihin 'to sa kan'ya, di'ba? "Nathan saw the killers killed her girlfriend Infront of him," mahina kong sabi at yumuko. Hindi sumagot si Kael at kinain ng katahimikan ang paligid namin. Pasimple ko s'yang tinignan at nakita kong nakatulala lang ito na para bang malalim ang iniisip. "May alam kaba tungkol sa mga killers na 'yon?" Tanong ko sa kan'ya. Napatingin s'ya sa akin dahil sa tanong ko. "Kilala mo ba kung sino sila?" Sunod ko pang tanong. "Why do you want to know?" Seryoso n'yang tanong. Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko kayang sabihin sa kan'ya na may kutob ako na sila ang pumasok sa bahay namin at pinatay sina Mommy at Daddy. Ayokong ikwento ang pamgyayaring ito sa iba. "I saw them one time," mahina kong sabi habang nakatingin lang kay Kael. "Nagpunta sila sa forest and i followed them. I saw them killed a girl. She's a student here at Willton's Academy." "Did they saw you?" Agad n'yang tanong at napatayo ito sa upuan n'ya. "They almost caught me," mahina kong sagot. Naalala ko ang takot na naramdaman ko non. Naalala ko kung gano ako kabilis tumakbo dahil hinahabol nila ako at nakasalalay dito ang buhay ko. Naalala ko kung pano nila pinatay ang babeng walang kalaban laban. "Tell me Kael." Tinignan ko s'ya at umayos ako ng upo. "What's with MoonBridge Town? What's with Willton's Academy?" "Mika." Agad kaming napatingin sa pintuan dito sa school clinic nang bumukas iyon at pumasok sa loob si kuya. Agad s'yang lumapit sa akin nang makita n'ya ako. "Mika! What happened?" Naguguluhan nitong tanong. Napatingin s'ya kay Kael at mukhang nagtataka ito kung bakit nandito ang isang ito. "I'm Kael Serfin," Pakilala ni Kael sa kan'yang sarili. "I'm Mikaella's classmate. Inutusan ako ng homeroom teacher namin na bantayan s'ya habang hinihintay ka." "Oh," sagot ni kuya dito at nilahad ang kamay n'ya. "I'm Mike Evergreen. Mikaella's older brother," pakilala ni kuya kay Kael. "Thank you for staying here with Mika." "It's nothing, Mr. Mike Evergreen," magalang na sagot ni Kael kay kuya. "Mika," tawag sa akin ni kuya. Umupo s'ya sa gilid ng kama at agad na hinawakan ang noo ko. Nakita kong napangiwi ito at umiling. "Bakit hindi ka nagsabi kaninang umaga sa bahay na masama ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin habang seryoso ang mukha. "Tignan mo, hindi ka agad nakainom ng gamot kaya mas lumala." Inalis n'ya na ang kamay n'ya sa noo ko. "Let's go home. Nag-order ako ng favorite mong food and soup. Mamaya lang ay dadating na iyon sa bahay. Kailangan mo rin uminom ng gamot." Napabuntong hininga na lang ako at sinunof s'ya. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama at ngayon ko lang nakitang nasa ilalim pala ng upuan ni Kael ang bag ko. "Thank you again for staying with my sister, Mr. Kael Serfin," ulit na sabi ni kuya Mike. Tumayo naman na ako at kahit papano ay nabawasan ang sakit ng ulo na nararamdaman ko at ang pagkahilo. Siguro ay medyo tumatalab na sa akin ang gamot na binigay ni Kael kanina. Kinuha ko na ang bag sa ilalim ng upuan ni Kael kanina at sinuot ito. Tunayo na ako at humarap kami ni kuya Mike kay Kael. "You're welcome, Ms. And Mrs. Evergreen," sabi nito sa amin. Hindi na nagsalita si kuya Mike at hinila na ako nito papalabas ng school clinic. Bago makalabas ay agad akong lumingon kay Kael. Nakita kong nakaupo ito sa kama at seryoso ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD