Two

2128 Words
Alas syete pa lamang ng gabi kaya't naisipan kong manatili nalang muna sa aking terrace at doon, pinatong ko ang aking baba sa aking nakakuyom na palad at tiningala ang gabi. Ang sakit ng ulo ko. Hapon na nang magising ako. Buti nalang at walang pasok dahil weekend. Kahit naman may papasok, hindi ko naman pipilitin ang sarili ko na pumasok sa eskwela dahil talagang masakit ang ulo ko. Ganito pala ang pakiramdam ng may hang-over. Hindi na ako uulit na pakialaman ang mga inumin ni Papa. Hindi pala kaya ng sikmura ko ang mga ganoon. My phone beeped. Hindi ko na kailangang hulaan pa, I know this is Vince. Kanina pa ako nakakatanggap ng mga mensahe niya but I won't budge to read one by one. Masyado pang wala sa katinuan ang isip ko para makipag sagutan sa kaniya. Alam ko namang mauuwi rin kami sa ganoon. Napakunot ang noo ko nang makita ang pigura ng tao sa harap ng aming malaking gate. Kita ko mula rito sa aking kinatatayuan. Nang makita ko ang dala-dala nitong skateboard ay awtomatiko akong nagmartsa palabas ng aming bahay. "Ako na," sabi ko sa aming katulong nang akmang lalabas din siya nang tumunog ang aming doorbell. Binuksan ko ang aming gate. Ngunit maliit na siwang lamang na sapat lang para masilip namin ang isa't-isa. "Ano'ng kailangan mo?" Pabalang kong bungad. I don't really feel good seeing this kid. I don't hate him, I just don't like him. There's a big difference. "Si- " 'Di pa man niya natutuloy ang sasabihin ay inunahan ko na siya."Wala rito." Akmang pagsasarhan ko siya nang iharang naman niya ang kaniyang kamay sa hamba ng pinto. Nataranta ako at agad kong tinamoal ang kamay niya. "Gago ka ba'ng bata ka? Paano kung naiipit ka?" "Si Justin?" "Wala nga! Natutulog na!" "Ang aga pa, a?" Sinulyapan niya ang kaniyang relo. Pansin kong mamahalin ito at uso sa mga kaedad ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang suot... Maporma siyang binata. Laging nakaayos ang buhok at may hikaw sa kabilang tainga. Kung tutuusin ay sapat na ang kaniyang itim na relong palamuti sa kaniyang katawan. Pero iba ang dalang awra niya sa hikaw niya ring itim. Katulad ng kapatid ko, paniguradong habulin din ito ng mga babaeng kaedad lang rin nila. Mga kabataan kasi ngayon, basta swabe ka raw manamit at astig pomorma sa babae at tipong badboy, pasado ka na sa standards nila. Lalo na kung guwapo pa. Mga Oppa daw, tangina. Iyon iyong tawag no'ng baklang Dora sa youtube. "Bakit ba? Saan mo nanaman ba dadalhin ang kapatid ko?" Inangat niya ang kaniyang dalang board. "Kasali kami sa SKB Camp," "Paki ko?" "Nagtanong ka." His thick brows shot up. "Well..." humalukipkip ako upang pagtakpan ang pagkapahiya. Nahihirapan akong pagmalditahan siya. Imbes na siya kasi ay ako ang nai-intimidate sa kaniya. Kung makatingin kasi siya ay parang nakikipag-usap lamang siya sa kaedad niya. Hindi siya nag-iiwas ng tingin kahit na masama ang timpla ko sa kaniya. "Baka mapano ang kapatid ko. Lagot ako kina Mama," Nagkibit-balikat siya. "Edi bantayan mo. Hindi naman matataas ang mga ramp. Ba't ka ba nag-aalala?" "Kasi, ako ang ate. Okay? Responsibilidad- " Tinaas niya ang kaniyang hintuturo. Awtomatikong napatigil ako sa pagsasalita kahit na malayo naman iyon sa aking bibig. Nilagay niya ang kaniyang cellpne sa kaniyang tainga. Gustuhin ko mang magsalita pa, ay hindi naman iyon pupwede. May katawag siya at kailangang rumespeto naman ako kahit pa'no. "Gago ka," iyon lang ang sinabi niya sa kausap at pagkatapos ay binabaan niya nalang ito ng hindi man lang nagpaalam. "Sino iyon?" Usisa ko. Tuluyan ko nang niluwagan ang bukas ng aming gate at sinundan siya. Akamng aalis na kasi ito. "Nando'n na pala siya. Nauna pa sa akin." Suminghap ako. Papanong nakatakas iyon? Nauto nanaman ba si Kulot? Ang batang iyon talaga, ang laking sakit sa ulo. "Aalis ka na?" "Isn't it obvious?" Naitikom ko ang aking bibig ngunit sumunod parin ako sa kanya. "May dala kang sasakyan? Like bike, motor... I'm sure you don't drive a car." "Wala." "Eh, ano'ng gagamitin mo papunta ro'n?" "Ito," nginuso niya ang kaniyang board. "Huh? E pa'no ako?" Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. Hindi ko inaasahan iyon kaya halos masubsob ang mukha ko sa mukha niya. Buti nalang ay maagap akong nakabalanse. Kahit mabilis lang na malapitan sa mukha iyon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganito kalakas na pagtambol ng aking dibdib. Ngunit siya'y mukhang wala namang paki kahit halos muntikan nang maglapat ang aming mga labi. "Sasama ka?" Malamig niyang tanong Napakurap-kurap ako at sunod-sunod na tumango. "Hindi pwede," sabi niya't binagsak ang kaniyang board sa lupa at pumatong ang isa niyang paa roon. Mukhang handa nang umalis. Tumapak rin ako roon para hindi iyon umandar. Nakakunot-noo niya aking binalingan."Hindi ka pwede doon. Wa'g kang mapilit..." "Kakasabi mo lang na bantayan ko." "Wala akong extrang damit," aniya habang nakatingin sa suot ko. Nang mapansin niyang alam kong doon siya nakatingin ay agad siyang nag-iwas ng tingin. What's the problem? Short shorts and sando? Bawala ba iyon doon? Hindi naman party iyon, e. 'Tsaka walang pakialamanan ng suot basta may pera pambili ng ticket okay na 'to! "Sasama sabi ako. Ako na ang magbabayad sa cab," "May pera ako," aniya. Napangiti ako. "So sasama nga ako?" "Sabi ko lang may pera ako." "Suuus..." Dinampot ko ang kaniyang skateboard. Muntikan pa siyang matumba. "What the hell?" "Ako ang magdadala nito tapos sasakay tayo'ng taxi. Ako ang magbabayad, baka kasi sabihin mo pabigat ako," "I said, I can pay for you." Inagaw niya ang kaniyang board sa akin. Nagmartsa siya ngunit hinabol ko parin siya. Who would have been thought, a kid like him has big strodes like this. Kumaway siya sa parating na taxi. Siya ang nagbukas ng pinto para sa akin. Matagumpay akong ngumiti nang maupo na rin siya sa aking tabi. Akala ko pa naman ay makikipag matigasan pa ang isang ito. Nang makarating kami sa lugar na iyon na siyang dadaluhan daw nilang kompetisyon ay doon ko lang napansin na ako lang ata ang naiiba ang suot dito. Halos lahat kasi sila ay pormado. E, ako... nakatsenelas lang, walang make-up at feeling ko nga bangag pa ako. Sana pala ay nag bihis na muna ako o hindi nalang ako sumama. Panay ang hawak ko sa strap ng aking sando habang nakabuntot lamang kay Clark. Naco-conscious tuloy ako sa mga nakatingin sa akin. Mukha pa namang mga richkid ang mga nandito. Baka sabihin poorita ako. Hay... porke ba? Nakasimangot akong bumaling kay Clark. Lumapit siya sa isang stall malapit sa entrance. Humugot ng pera at binigay doon sa nakabantay. Pinigil ko ang kaniyang kamay nang mapagtanto ang kaniyang gagawin. "Ako ang bibili ng ticket ko, ano ka ba..." Hindi niya ako pinansin. Tinanggap niya ang ticket na binigay noong lalaki at iyon ang binigay niya sa bouncer sa labas. Tinuro ako ni Clark. Senyas na akin iyong ticket na binigay niya. "Huwag mo akong bayaran," aniya nang makita niyang akmang huhugot ako ng pera sa aking bulsa. Natahimik nalang ako at muli siyang sinundan. Masyadong maraming tao. Walang upuan. Nakatayo lamang sila at nag kani-kaniya ng cheer at sigaw sa mga tipo nilang manlalaro. Sa sobrang mangha ko sa mga naroon sa mga matataas na ramp at kung ano-ano ang ikot na ginagawa ay hindi ko namalayang nawala na pala sa aking paningin si Clark. "Clark?" Nagpalinga-linga ako. Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Somehow, nakaramdam ako ng kaba ngunit nagpatuloy ako sa aking paglalakad. "Oh, s**t!" A hand grabbed my wrist. "Nandiyan ka lang pala- " "Saan ka ba nakatingin?" Kalmado pero madiin niyag tanong. "Sa mga ramp. Akala ko ba sabi mo hindi matataas? Kita mo, o!" Tinuro ko iyong mga stunts na ginagawa noong mga lalaki na nasa malalalim na slope, nanlalaki ang mga mata. "Kaya niyo iyon? Baka mapahamak kayo!" Lumamlam ang kaniyang pagtitig at unti-unting sumilay ang tipid na ngiti sa kaniyang labi. "Hindi iyan... tara..." Aniya at inakay ako sa baywang. Hinayaan ko nalang na naroon ang kaniyang kamay dahil baka mamaya mawala nanaman siya... o ako. May iilang kakilala siya na binabati siya habang tinatahak namin iyong sa may unahang puwesto. "Kapatid mo, o." Tinuro niya iyong binatang nasa mababang ramp. Hindi ko na kailangan pang obserbahan ng mabuti iyon dahil alam na alam ko ang tindig ng kapatid ko. "Una siya aa inyo?" Tanong ko. Umiling siya. "Si Xander." Tumango ako. "Ikaw?" "Mamaya pa," Hindi na ako nagtanong pa. Buti nalang at maingay ang mga tao dahil kung hindi at kung dalawa lamang kaming dalawang narito ay hindi na ako magtataka kung may dumaan mang uwak o kulisap sa pagitan namin. Tumingin na lamang ako sa kapatid ko. Magaling naman siya. iyon lang ang masasabi ko. May ilan rin ang humihiyaw sa pangalan niya. Si Diane naman ay tahimik lamang na nanunuod sa kaniya. "Pre!" Napalingon ako kay Clark nang bigla na lamang itong may tinawag. Lumapit iyong lalaking naka flannel polo. Sa ilalim noon ay isang puting v-neck shirt. Bumalik ulit ang tingin ko sa harap. Baka sabihin chismosa ako. "O, bakit?" "Pahiram nga niyan," Humalukipkip ako at nag hingang malalim. Are we going to stand here all through out the camp? Malamok kaya! Pasimpleng kamot na nga lang sa paa ang ginagawa ko,e. Kung bakit naman kasi naka-shorts pa ako. "Bakit?" Dinig kong tanong ng lalaking lumapit. Wala akong narinig na sagot ni Clark ngunit sunod na tawa lamang noong kaibigan niya ang narinig ko kaya naman ay kuryoso akong napalingon. Wala na iyong lalaki pero iyong flannel polo niya ay hawak na ngayon ni Clark. Nagkatinginan kami. Hindi ako nagtanong. Ano ang pakialam ko sa polo'ng iyan? Binasa niya ang kaniyang pang-ibabang labi at mukhang nag-aalangan sa gustong gawin. Napailing na lamang ako ngunit hindi ko inaasahan na lalapit siya ng husto sa akin. "Wear this. I can f*****g see your bumcheeks from here," madiin niyang sabi. Yumakap ang kaniyang braso sa aking baywang para itali iyong sleeves ng polo roon. Parang napigtas ang aking hininga habang ginagawa niya iyon. Ngayon... Pinagsisisihan ko na talagang nagsuot ako ng ganito kailing shorts. Hindi naman kasi dapat pero napre-pressure ako sa ganitong lapit niya. "Malamok," sabi ko. Mahina akong nagmura at halos mapasentido. Ang dapat kasing sasabihin ko ay lumayo na kako siya dahil hindi ako komportable. "Ang sabi ko, malamok. Tsaka nangangawit na rin ako. Gusto kong umupo. Aalis na muna siguro ako, maghahanap lang ng mauupuan." Sumulyap muna siya kay Xander na noo'y tatawa-tawa sa hindi ko malamang dahilan. Nagkibit balikat siya at hinawakan ang siko ko "Sige, tara." aniya. "Teka," Hindi ako nagpahila, "I mean, ako lang, okay?" "Hindi mo alam ang lugar na ito," Oo nga. May punto siya. Kanina nga noong mawala siya sa paningin ko kahit na halos ilang segundo lang iyon ay nataranta na agad ako. Hindi ako party girl o ano. Hindi ako sanay sa maraming tao. Kapag naman pumunta ako sa ganoong lugar ay mai-issue ang tatay ko. Tahimik lamang si Clark at mukhang nag-aantay sa sagot ko. Wala na rin akong nagawa at napa'Oo nalang. Kung kanina ay kung saan-saan dumadapo ang mga mata ko, ngayon naman ay focus na talaga ako sa dinadaanan namin. Taga hawi naman si Clark sa mga nakaharang. Ang bastos nga, e. Hindi ba tinuro ng kaniyang mga magulang ang mag-excuse man lang? Buti nga't walang nagrereklamo. "Dito nalang tayo," Naghila siya ng upuan sa karenderyang aming pinasukan. Maarte ba ako kung sasabihin kong kasalukuyang nakatakip ang aking kamay sa aking bibig? I mean, come on! Hindi ako sanay sa ganitong lugar! Karenderya? Does this mean kakain kami dito? Oh, well, sabi ko lang upuan lang naman ang gusto ko. Hindi ako kakain. "Babyahe pa tayo kung hahanap tayo ng restau, o... what do you want?" "Hindi. Ayos na dito." Inalis ko ang aking palad sa aking bibig ngunit pinigil ko ang paghinga. Nanliit ang mga mata ni Clark at pagkatapos ay mahinang natawa. "Breathe, Jehyla. Mas ikamamatay mo pa iyan kaysa ang langhapin ang lugar na ito." Nagtiim bagang ako but maintained my straight face kahit na alam ko namang namumula na ang mukha ko. Damn it! Napahiya nanaman ako.Talent niya siguro iyan. Ang ipahiya ako. "Maarte ka," Napa-angat ako ng tingin sa kaniya. How dare... he? "Hindi ako maarte." Umirap ako. "Kung gano'n, maupo ka na." "Bakit hindi ikaw ang mauna?" "Maarte ka nga," naiiling na sabi niya at siya na mismo ang umupo sa pinanghila niya. Pabagsak akong umupo sa upuan katabi ng kaniya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" "Ganiyan kasi ang mga pavirgin. Maaarte." He gave me a sideway glance. Mas lalong namula ang aking mukha. "E, bakit? Virgin naman talaga!" Nakita ko ang marahang pag-silay ng kaniyang ngisi. "Kaya nga hindi ko minamadali..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD