One

2137 Words
I'm still young ngunit para bang sobra na ang hirap ko. Not financially, my father's a politician. My mother's a lawyer. We live a nice life. Iyon nga lang, dahil nasa politika si papa, napepressure ako bilang panganay. Kailangan ganito-ganiyan. Dapat mahinhin, mabait, palangiti at wala akong magawa kundi ang gawin ang lahat ng iyon. Dagdag sakit sa ulo rin itong tampuhan namin ni Vince. He won't answer my calls! Minsan ko na ngang lunukin ang pride ko, ngayon pa siya magmamatigas? Ako na nga ang humihingi ng tawad kahit hindi ko kasalanan, tapos ganiyan pa siya? Niyugyog ko ang aking paa, nang sa gano'n ay matanggal na itong aking sapatos nang hindi ko ginagamitan ng kamay. Masyado akong pagod para pagtuunan pang hubarin ang aking sapatos. "Ate!" Humahangos na lumapit sa akin si Justin. Kinse anyos na ito at mas nakababata sa akin. May mas nakababata pa akong kapatid, iyon ay si Sebastian at Jayvee. Si Sebastian ay ang aming bunso na tatlong taong gulang samantalang apat naman itong si Jayvee. Ako ang panganay, it sucks I must admit. Saway dito, saway doon kahit na may mga katulong naman. "Si Estian, umiiyak!" Napabuga ako ng hininga. Sabi na, e. "Ano ang gusto mong gawin ko, aber?" Binato ko siya ng throw pillow. "Ako nalang ba lagi? Nasaan si ate Melissa? O ikaw? Bakit hindi ikaw ang magpatahan sa kaniya?" Tatawa-tawa siya nang walang kahirap-hirap niyang inilagan iyong throw pillow na tinapon ko sa kanya. "Bakit? Ako ba ang ate? Sino sa ating dalawa ang may dede?" "So you want me to breastfeed him? He's f*****g three! Why would I do that?" "Sinabi ko ba'ng padede-in mo? Sabi ko lang may dede ka. Kung ano-ano ang iniisip mo." My cheeks heated. "Justin!" Nanakbo na ito bago pa man maabot ng itinapon ko muling throw pillow. Alam na alam niya talaga kung kailan ako be-bwesitin. Tila nagkaroon ako ng enerheyang tumayo at hinabol siya. Nakita kong nakapamaywang na siya sa harap ng aming bunsong si Sebastian. "'Wag ka na ngang umiyak! Hindi ako makagala dahil sa'yo, e." Humalukipkip ako. Bumaling siya kay Jayvee na ngayon ay tumutulong na rin na patahanin si Estian. "Oy, ikaw..." tinuro niya ito. "Bantayan mo 'to, ah? Balik ako. May gagawin lang ako sa labas." "Sir Justin, ang bilin ng iyong Mama't Papa ay huwag daw kayong lalabas," magalang na sabi ng aming katulong na si Kulot. Nandyan naman pala siya, bakit hindi niya magawang aluhin ang kapatid ko? "Justin!" Lumapit ako sa kanila. Pansin kong naka-gear up na ito. May helmet, may knee at elbow pads, at sa kaniyang kaliwang kamay ay may hawak na skateboard. "Saan ka pupunta?" "Diyan lang..." "Saan? Saan?" Dahil binebwesit niya talaga ako ay piningot ko siya sa tainga. "Saan, ha?" Ulit kong tanong. "Ate, diyan lang!" Hinawi niya ang kamay ko at mabilis na umiskapo. Tumakbo naman ito palabas ng bahay. "Aba't..." Napahilot na lamang ako sa aking sentido. Ang hirap talagang maging ate sa may malabatong ulo na kapatid. Ako pa man din ang babae kaya hirap na hirap ko silang sawayin, hindi naman natatakot. Lalo na iyong si Justin. Kinarga ko si Estian, "Shh... tahan na. Ano ba'ng gusto mo?" "Tintin..." Sinisinok-sinok pa siya dahil sa kaiiyak. "Huh?" "Justin stole his board." Sabi naman ni Jayvee na ngayon ay abala naman sa pagtatali ng kanyang sapatos. Hindi niya magawa ng maayos kaya tinulungan ko siya. Nangunot ang aking noo. "It's his board?" "Yeah, Mom brought it for him, although he can't ride it. He insisted. He'll cry if mom wouldn't buy him those." My lips formed into a thin line. "Okay, laro nalang tayo Estian, ah? Ano'ng gusto mong laro?" "Tintin..." sabay turo niya sa labas. Napabuga ako ng hininga at tumayo. "Alright." Nagmartsa ako palabas. Doon ako dumiretso sa kalsada patungo sa bahay nila Clark. Si Clark, kaibigang matalik iyon ng aking kapatid simula pa noong mga uhugin pa lamang sila. Puro lakwatsa ang dalawang iyan. Minsan nga'y umaabot pa nga sila sa squatters area. Marami raw kasing magaganda doon kahit na mukhang kasumpa-sumpa naman ang mga kabahayan doon. Minsan, iyong batang iyon ang sinisisi ko kung bakit ang tigas ng ulo nitong kapatid ko. Sinusupladahan ko nga, e. Pag nariyan iyan sa bahay, hindi ko pinapansin. Minsan iniirapan ko pa o pinariringgan. Pero kahit na anong gawin ko, wala parin talaga. Dikit parin sila sa isa't-isa at 'di mapaghiwalay. Minsan ko na nga'ng ni-request kay Mama na ipatapon iyang kapatid ko sa Cebu, nang sa gano'n ay malayo na siya sa bad influence niyang kaibigan. Kaya lang, ang sabi niya'y mas makakabuti daw na dito nalang kaming mga anak niya mamalagi at mag-aral sa Maynila. Magulo kasi ang politika sa Cebu. Natatakot siyang baka may mangyari sa amin kaya't tuwing bakasyon lang kami kung dumalaw roon sa aming mansyon. "Recson, nakita mo'ng kapatid ko?" Tanong ko roon sa binatilyong kapit-bahay namin. "Ah, nando'n sa tapat ng bahay nila Diane, nags-skateboard." "Saan iyon?" "Paliko diyan sa bahay nila Clark. Makikita mo nalang sila diyan mismo sa daan," "Ah, sige. Salamat." Gano'n nga ang aking ginawa. Lumiko ako at nakita kong naroon nga ang aking kapatid. Pasikat masyado. Nagawa pang mag exhibition sa ibabaw ng skateboard ramp. Kung mapilay kaya 'to, edi ako nanaman ang lagot? Swabe siyang umalis sa board at hinawakan ito ng isang kamay. Lumapit sa kanya iyong Diane at hinagkan siya nito sa pisngi. Namula iyong nene. Ki-batabata aba't may girlfriend na pala itong kapatid ko? Sumipol iyong isa. Ito iyong kakikilala pa lamang nila noong isang araw. Xander daw ang pangalan. Minsan na ngang dinala 'yan doon sa amin, e. Matangkad siya at guwapo. Actually, halos magkakasing tangkad lang naman silang magkakaibigan. Pero mas matangkad nga lang ako. I am not eighteen for nothing. "Ate mo, o!" Turo niya sa akin. Mabilis na lumingon sa gawi ko si Clark. Nakita kong kumibot ang gilid ng labi nito. Hindi ko na lamang pinansin. Dire-diretso ako ng tungo sa aking kapatid. Ngunit bago ko pa man mabulyawan ito ay naunahan na ako nito sa pagsasalita. "Oo na ate, uuwi na. Wa'g mo na akong pagalitan sa harap nila. Nakakahiya..." sabi niya't inakay ako sa siko at nilingon ang kaniyang mga kaibigan."Oh, una na muna ako!" Nang makarating kami sa bahay ay panay ang pangaral ko sa kanya. Daig ko pa si Mommy. Nang mapagod ako ay natulog na lamang ako sa aking kuwarto. Nang mga sumunod na araw naman ay nabawasan na rin naman kahit pa'no ang sakit sa ulo ko sa mga kapatid ko. Our parents came back from Cebu kaya't play behave na muna sila. Hindi sila maaaring makalabas dahil paniguradong may kaampat na parusa kay Papa. "How's school, Jehyla?" Sa hapag, habang kami ay kumakain ay nasa akin nanaman nadako ang atensiyon. Umupo ako ng tuwid at tumikhim. "Ayos lang, dad." Sinipat niya ako. It means he isn't satisfied with my answer. I cleared my throat again. I always feel nervous pag tinatanong ako about school. Hindi naman ako bobo. I'm doing my best but I'm always second in our school ranking. I can't beat that nerdy girl we have in class. I mean, I can't be beyond her IQ. She's so smart to the point that she doesn't look normal anymore. She's a complete nerd and I don't want that. "I was asked to join a mathematical competition this july to compete with St. Catherine. And I'll be running as the student counsil president though I'm already participating in some clubs and is also the president on one of it. I think... I can somehow manage," paliwanag ko, pagkatapos ay sumubo ng kanin para hindi na ako tanungin pa because I'm busy eating. "Is that All?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Also, I am very active at school activities. I might join swimming team next month." That's a lie. Gusto ko lang na may maidagdag.Wala sa plano ko ang sumali sa isang swimming activity. Pabigat lang iyon sa akin. Natapos ang aming kainan at mabilis akong umakyat sa aking kwarto. Hinagilap ko agad ang phone ko at tinawagan si Vince. Still, he's ignoring me like I am just nothing to him. Ipaalala ko kaya sa kaniyang girlfriend niya ako? Or maybe he want a neglect game? Then fine! I give up! Ayoko nang sumuyo sa taong ayaw magpasuyo. I look like a fcking stupid dog chasing a trash! Kinabukasan ay hindi ko na ginalaw ang phone ko. I left it at home kapag pupuntang school. Kapag naman alam kong doon siya dadaan sa kung saan dapat ako dadaan ay umiiwas ako. Hindi ko siya sinagot para pahabulin niya ako sa kaniya. I can find someone else. I'm still young. I am aware I am a pretty face. So, this would be an easy starting line. "Hi." Sandali akong napatigil at nilingon iyong bumati sa akin. Sa sobrang pag-iisip ko kasi'y hindi ko namamalayan ang mga nakakasalubong ko. It's Clark, the kid. "Yes?" Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok. He wetted his lips and laggardly bit its lower part. He always do that kapag kausap niya ako, lagi niyang ginagawa iyan. I don't know if iniinis niya ako o talagang hobby niya lang iyan. But a big parf of me, naiinis ako. I find it rude. Iam older than him but it seems like he's doing a move. Parang... inaakit niya ako. I'm not sure if I'm just seeing things but that's how I feel it. I am not a total numb. Hangga't kung maaari lang ay nakikiramdam ako sa mga nakakahalubilo ko, so I could stay away from danger. And this guy's case? I think he's dangerous. I can feel it. Pero dahil mas matangkad ako ay kampante akong he can't touch nor harm me. I can take care of myself. "I heared your parents left again to Cebu." "Yup. Why?" "Can I go to your house, later?" "Bakit sa akin ka nagtatanong? Ako ba ang makakalaro mo? It's my brother, Go ask him, not me." "But you're the incharge. I'm asking the boss. And you're the boss." He smirked. "Bahala ka..." Sabi ko lang at nilagpasan siya. Saktong nakasalubong ko si Vince. Lumamlam ang agresibong mga mata nito at lumapit sa akin. Hindi ako kumibo pero masama ang tingin ko sa kaniya. Nang yakapin niya ako ay doon ko na siya tinulak. "Hindi mo ako pinapansin 'di ba? Panindigan mo!" Sinundan niya ako. Pilit na hinahabol ang aking siko. Nang matagumpay niya itong mahagilap ay saka niya rin hinawakan iyong kabila. "I'm sorry... I just need to think. I'm sorry, I'm really sorry, Jehyla. Patawarin mo na ako, sorry kung ini-ignore ko ang mga tawag mo. Heto na ako... please sorry na." "Oh, edi sorry rin," Tinanggal ko iyong mga kamay niya sa akin. "Iyong mga panahon kasi na nag-iisip ka, nagsimula na akong mag-move on." Hindi na ako tumakbo dahil naroon lamang siya at natuod habang pinagmamasdan akong naglalakad palayo. Nang sumapit ang hapon, pagkauwi ko... naapektuhan no'n ang mood ko. I'm not feeling well alright. I was wrong I know, nagdesisyon agad ako ng uramismo. Pero kasi... tarantado ang lalaking kaya kang tiisin tapos ang idadahilan lang sa'yo ay dahil nag-iisp lang siya. That's unacceptable reason. Sana sinabi nalang niya na ayaw na niya para klaro. Kahit na ano man ang dahilan niya, tatanggapin ko. Kung may iba. Then, it's fairly fine as long as nagsabi muna siya. Katulad nga ng sabi ko, it's okay... I'm still young. I deserve better. I want someone who'll give real care for me, who'll show and'll make me feel how loved and important I am to him. I want someon who's obssessed with me. Nang sa gano'n ay hindi ako iwan... "Tama ba ang ginawa ko?" I was talking to a blurry shadow sitting across the dinning table. I was drunk. Pinakialaman ko ang wine collection ni Papa. "I did love him... did I love him?" Parang nagdadalawang isip kong sabi. "Balikan ko kaya?" "No..." Malamig niyang sabi. "Oh, you talk. Akala ko pipi ka." Tumawa ako. "You're drunk. Let me take you to your room." "No, no!" Hinawi ko ang kamay niya. "But you don't look fine. You look miserable." "You think?" Tumayo ako. "Where are you going?" "To my room." Nagpasuray-suray ako. "Ako na." Hinawakan niya ang aking siko. "Bakit? Sa tingin mo ba inutil ako?" "Goodness, Jehyla!" Singhal niya at binuhat ako. "Where are you goin' to take my sister?" Dinig king tanong ng aking nakababatang kapatid na si Sebastian. "She's sick. I need to take care of her." "Okay... need help?" "No, I'm good. Just don't tell anyone I am here. Okay?" "Cool. I'll go ahead then." Narinig kong na tumakbo ito kasama ang tumatalbog na bola. At namalayan ko nalang na nagpatuloy na sa paglalakad itong may akay sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD