Tahimik lamang ako. Dahan-dahang pinatong ang pinaka huling bloke sa tuktok ng maliit na tore na aking ginagawa. I counted three. Hindi naman iyon natumba kahit na mukhang komplekado kung titignan.
I like balancing things. Stones, mini blocks, a bottle on my shoulder or in my head. I seldom do it though, lalo na kung nababagot ako at walang magawa, katulad nalang ngayon.
Akala ko naman kasi'y magiging maganda ang dalo ko rito gayong sumama ako kina Papa sa pagbalik nilang muli sa Cebu matapos lamang ang ilang araw na pamamalagi sa aming mansion sa Maynila.
Naiwan sina Justin at ang iba ko pang mga kapatid roon at pinabantayan na muna sa tita Erin namin na kapatid naman ni Papa. Dalaga iyon at mukhang hindi naman abala sa kaniya ang bantayan ang aking mga kapatid. Besides, she likes kids. And my brothers like her too.
Napabuntong hininga ako. Kararating pa nga lang namin, e. Paano pa kaya sa mga susunod na dalawang araw namin rito? Baka makagawa ako niyan ng isang building na bloke dahil sa bagot ko...
Sa hapon ng linggo pa ang uwi namin pabalik ng Maynila. Hindi naman regular ang klase sa lunes at ang buong linggong iyon dahil sa gaganapin na school fest. Pero kailangan ko paring pumasok. Elected Vice president ako last year pa. Pero tatakbo parin ako ngayong taon, I will aim a higher position this time.
"Senyorita..."
Nagulat ako sa biglang pagtawag sa akin ng kung sino sa tahimik na silid na ito. Hindi ko sinasadyang matabig ang tore ng bloke na aking ginawa. Nagkalat iyon sa sahig.
Mabilis na dumalo sa akin iyong katulong na tumawag sa pangalan ko na napagkaalaman kong si Nelia pala.
"Ayos lang ho kayo?" Natatarantang tanong niya. Imbes na iyong nagkalat na bloke iyong pagtuunan niya ng pansin ay ang kamay ko ang sinuri niya.
Simula pagkabata, noong ako pa lamang ang nag-iisang anak ng aking mga magulang. Dito sa Cebu kami nakatira sa mismong mansiyon na ito. Kilala ko lahat ng mga katulong na narito, maliban na lamang sa mga bago. Naaalala ko pa noon, alagang-alaga ako rito. They're treating me like a delicate emerald jar. Hindi ako puwedeng masugatan dahil tiyak na malalagot sila kay Mama at Papa. At kapag tinatanong ko kung bakit, ang lagi nilang sinasagot ay dahil nag-iisa lamang akong batang Ignacio. Ako ang susunod sa iiwang politikang buhay ni Papa sa pagdating ng panahon.
Kaya't simula noon ay kahit naman may turo ni Mama o wala... kumakilos ako sa naaayon at nararapat na gawin ng isang dalaga at bilang isang Ignacio dahil ayaw kong napapagalitan ang aming mga katulong. Ayaw kong palayasin sila dahil lamang nagkagalos ako...
'Di nagtagal, nakasanayan ko na rin ang kumilos ng gano'n. Hindi ko alam na ang pagiging mahinhin pala ay pwede ring matawag na maarte.
Marupok ang salitang iyon para sa akin. But I remembered my Father's piece of life knowledge that you must accept any critism no matter how good, bad, and prejudice it is. But sometimes, people misunderstood opinion and critism. They might say they just stated their opinion but that was actually intentionally said for a veiled critism.
"Ayos lang ako, wa'g mo akong alalahanin, Nelia. Sina Papa?"
"Ay! Oo nga pala señorita! Ang sabi ni Counsilor ay magbihis raw po kayo kung gusto ninyong sumama sa dadaluhan nilang pang elementaryang eskwelahan para sa isang feeding program roon at para na rin silipin ang kalagayan ng mga estudyante."
I happily nodded at mabilis na nagtungo sa walk-in closet. Mabuti naman at naisipan ni Papa na isama ako roon. Iyon naman talaga ang pakay ko. Gusto kong makita ang mga mahihirap na mga bata sa isang publikong paaralan.
Ever since, curious na ako sa mga estudyanteng namumuhay ng ganoon. I am worried baka hindi pa nga ata sila kumain nang pumasok sila sa eskwela.
I wore a simple white floral dress. Hindi gano'n kapormal at hindi rin gaano kagarbo. I always been told to do not flaunt your self in public or in events like this extravagantly.
People will think this was robbed from the people's taxes. Maliban nalang syempre kung dadalo ka sa isang pormal na pagtitipon.
I like fancy clothes though, pero dahil kasama ko sina Mama't Papa'y I should limit myself.
"Chin up darling and never forget to smile. Be looked humble and graceful." Mom tenderly smiled at me.
Tumango ako at sinunod ang kaniyang bilin. As soon as makababa ako ng sasakyan ay ngumiti agad ako sa mga sumalubong sa amin. Nasa likuran lamang ako ng aking mga magulang habang naglalakad sila at patuloy na kinakawayan ang mga guro na abot tainga ang ngiti.
I wonder whose smile was fake.
"Ang ganda ho ng anak ninyo, Counsilor." The bald guy smiled at me. When my eyes flew to his name plate, I smiled back at him. He is the Principal.
Giniya kami sa unang hilera ng mga bagong gawang classroom. Sumilip lamang roon ang aking mga magulang dahil wala namang laman ang mga silid na naroon. Nasa social hall na sigurong lahat ang mga estudyante. Hinahawak-hawakan pa ni Papa ang mga dingding. Nakita ko ang paglunok ng principal ng magkatinginan sila ni Papa.
Bumuntong hininga ako at napailing. This will absolutely be discussed. When you're a politician, natural na ang pagsalitaan ka ng masama. Nasa sa'yo nalang kung mapipikon ka. Tiwala naman ako kay Papa. Alam kong hindi siya gagawa ng kahit na ano para lamang mapasama ang taong bayan. He didn't experienced poverty but he understands.
"Hindi ito makakalusot sa mayor, Mr. Principal." Iyon lamang ang sinabi ni Papa at lumabas ng silid. Ang kaniyang kamay ay giniya si Mama palabas.
Sumunod ang mga bodyguards na naroon. Ang Principal ay tumikhim at sinamaan ng tingin ang katabing guro. Napayuko na lamang ito at narinig kong humingi ng paumanhin. Nagkatinginan kami ng Principal. Ngumiti siyang muli sa akin ngunit sa pagkakataong ito ay kumpirmado ko ng peke ito kaya't tinaguan ko na lamang siya.
Alam ko ang nangyayari kahit na hindi ako magtanong. Their eyes says it all. Makakapagsinungaling ang iyong bibig, ngunit hindi ang iyong balisang mga mata.
Sa social hall ay sinalubong muli ng pakikipagkamay ang aking mga magulang. Tahimik lamang ako nang paupuin kami sa nakalaan na upuan para sa amin sa entablado mismo. May maikling pahayag na ibinahagi si Papa bago sinimulan ang pakay na progama sa paaralan.
Lumapit ako sa assistant ni Papa na noo'y abala sa pag-aabot ng pagkain sa mga nakapilang mga bata.
"Can I substitute?"
Sumulyap muna siya sa kinaroroonan ng kaniyang amo bago bumalik ng tingin sa akin. "Humingi ho ba kayo ng permiso sa Papa ninyo?"
"Hindi naman siguro ako masusugatan sa pag-aabot lang ng pagkain, hindi ba?"
Napabuntong hininga siya at inabot sa akin ang styro pack na ibibigay sa batang nag-aantay. Ngumiti ako sa kaniya at bumaling sa bata na nakatingala sa akin. Inabot ko sa kaniya ang pagkain.
"Salamat." Sabi niya.
Akmang tatalikuran niya ako ngunit hinawakan ko siya sa kaniyang balikat.
"Salamat lang?"
"Ah, salamat po." Ulit niya at Bahagya pang yumuko sa akin.
"Ayan, dapat laging may 'po'. Tsaka i-kiss mo na din ako sa cheeks." I leveled him.
Pinahiran niya muna ang kaniyang labi bago ako hinalikan sa pisngi. Tumawa ako at ginulo ang kaniyang buhok. Bigla nalamang namula ang kaniyang pisngi at tumakbo palayo.
"Ate ako naman." Sabi noong kasunod. Halatang gutom na gutom na dahil hinihimas na ang tiyan.
"Here you go,"
"Salamat po." Ni-kiss niya din ang pisngi ko.
Balak sana ni Mama't Papa na aalis agad kami pagkatapos ng programa. Pero dahil naaliw sila sa mga presentasyong ginawa ng mga bata ay nadatnan na kami ng hapon.
Kinabukasan naman ay naiwan na ako sa mansyon dahil sa Municipal na ang punta ni Papa at mahalagang meeting iyon kasama ang Mayor at ng iba pa. Si Mama naman ay may kausap na mahalagang kleyente in a village blocks away from ours. She gave me choice kung sasama ba ako o hindi but I told a No.
Hearing elders talk about business is the most boring thing in life.
I scrolled to my feed just so I'll be entertained. Papa do not allow me to walk in streets alone. He's afraid someone might shoot me subtly now that everyone knew he'll be running for a higher position. People likes him. And that's a plus aside from the fact that Papa's got a good heart and a strategic mind.
Vice mayor Samuel Recarte will be running as the City Mayor too next year. Bale, makakalaban niya si Papa. And that makes me anxious for Papa's safety. I heared Recartes do not play fair.
"Meryenda ho?" Nelia suddenly went in, carrying a tray that has banana chips in a plate and an orange juice drink.
"Yes, thank you."
Binaba niya iyon sa mini sofa table sa aking tabi.
"May kailangan pa po ba kayo?" She formally asked.
"Wala na, salamat."
She bowed and excused herself.
Tumigil ang mga mata ko sa isang notif na natanggap. My brother is live. My forehead creased. Ano nanaman kaya ang ginagawa nito? Filming stupid stuffs? Hindi na ako magugulat...
I clicked the notif. Una kong napansin ay ang views ng video. I will not specified the number but it's too too many and I didn't expect he's also w***e in social media. Hindi ko muna pinansin ang video. I scanned the comments first and oh! Most of them were girls!
Three hotties walking on the road.
Iyon iyong caption.
I want a violent reaction. Gusto kong may bumara sa caption.
"Hey!" Si Xander pala iyong may hawak sa phone. He streched his arms so they three would fit on the screen. Pinagigitnaan siya ni Justin at ni Clark. Justin's on his left side and Clark on the other side (Who's busy typing something on his phone.) But he looks like he's deleting it and typing again.
Na-upo ako ng maayos. I plugged in my headset.
"Wala kasi kaming nalimos sa kanto kaya naglakad nalang kami." Ani Justin. Nagtawanan sila ni Xander. Ang likot na tuloy ng screen.
"Sa bahay nga kami ngayon, e. Wala kasi si ate kaya freedom. Wala ng nagger, 'di ba Clark?" Justin turned to Clark.
Hinawi ni Clark iyong camera. Maybe because he looked too busy, that's why he didn't notice someone's filming.
"Si Clark ang kj. Mamaya na 'yan, puro ka babae diyan, e."
Napainom ako.
Umismid lamang si Clark at nagpatuloy sa ginawa.
Nelia called me for dinner. I was hisitating if I am going to quit the vid and turn off my phone, but I did it anyway. Pasubo na ako ng pagkain nang makarinig ako ng pagkalabog ng pinto. Naibaba ko ang aking kubyertos. Nelia and the other servants were alert. Ang dalawa sa kanila ay lumabas sa dining area. Nelia held my shoulders.
"Ano'ng nangyayari?" I asked. Ngunit wala akong nakuhang ni-anong sagot kay Nelia.
"That Recarte!"
It was Papa's thunder-like voice.
"Sinusubukan talaga ako ni Samuel! Hindi makakasal ang anak ko sa isang Recarte! Para ano? Dahil alam nilang si Jehyla ang susunod sa akin kaya gagawa sila ng ganoong hakbang!?"
Nagpintig ang aking tainga nang marinig ko ang aking pangalan. Hindi na ako nagpapigil kay Nelia. Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng dining area.
"Señorita!"
Anger crossed my face. Mabibigat ang aking paghinga nang makasalubong ko ang tingin ni Papa. I fisted my hand. Hindi ako nagpatinag sa matalim na tingin ng aking ama. Mama looked worried while looking at me. She's trying to calm my father but I knew it's impossible when Papa's very angry.
"Uuwi ka sa Maynila, ngayon din."
"Bukas- "
He cut me off.
"The Recartes saw you!"
My forehead creased. I don't understand, why does it matter if they saw me?