Nineteen

977 Words

"Kamusta?" Anang aking Papa matapos mailapag ni Nelia ang tsaa sa mesa. Ngumiti muna ang katulong sa akin bago magalang na nilisan ang silid. Dinampot ko ang maliit na tasa kasama ang maliit na platito na kapares nito upang hindi matapunan ang aking suot at saka nilapit ang bibig upang humigop ng kaunti roon. "I'm good, Pa." Mahinang sambit ko. Kanina ay hindi nagtagal ang aming kamustahan dahil batid ni Papa na pagod ako galing byahe kaya minabuti na muna niyang papagpahingahin na muna ako. Doon ako natulog sa kwarto ko parin dito sa mansyon na medyo nabago. Siguro'y dahil napaka komportable ng tulog ko kaya't alas kuwatro na ng hapon nang magising ako. Wala naman akong maisip na gagawin pa kaya't napagdesisyunan kong katokin na lamang ang silid-aklatan ni Papa upang makipagkwentuhan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD