Nang mga sumunod na araw ay medyo naging abala naman ako kahit paano. Isinasama ako lagi ni Papa sa kaniyang opisina. Sa tuwing papasok ako roon at nakikita ng iba pang empleyado ay ganoon din ang kanilang mga naging reaksyon katulad ng mga katulong sa mansyon. Akala nila'y sekretarya ako ni Papa. Nang ipakilala ko naman ang aking sarili, nagbago nalamang bigla ang ihip ng hangin. Nagsibabaan ang mga naka angat na kilay at umamo ang mga nanunuyang tingin. Binabati na nila ako ngayon sa tuwing nakikita nila akong dadaan, aalis o dadating sa gusali. "What do you think?" Ani Papa matapos ang mahabang eksplinasyon. Nais niyang pumunta ako sa isang barangay rito upang organisahin ang programa na gaganapin sa susunod na araw. "Oo naman po." Sabi ko. Nasa aking kaliwang tainga ang telepono ko