Rizalyn
.
"That's great. Perfect measurements," ngiting tugon ni Mildred sa akin.
Nakatayo akong tulala habang pinagmamasdan ang wedding gown ni Glorisha sa harapan ko. Tapos na ito at ang babang bahagi na lang ng damit ang inaayos niya.
The elegant wedding gown of Glorisha reminds me of their upcoming wedding. The media will be all over the place. Of course, she's the face of the Sauvetterre fashion added by the empire of the Ferrantes.
"May gusto ka pa ba'ng ipabago sa gown mo, Riz?" si Mildred sa akin.
Nasa harapan ko na siya at nakatitig siya sa mga mata ko. Napakurap ako at tulalang tinitigan siya. Lunod ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon at nakalutang sa ulap ang utak ko.
"Riza?" Taas ng isang kilay niya.
"Uhm, a - yeah, just um. . . Can you make my gown all in black?" Wala sa sariling tugon at tulala siyang nakatitig sa akin.
"I'm just kidding, Mildred!" Bahagyang tawa ko. Bumalik ang sariling utak at puso ko ngayon at wala ako sa sarili.
"Oh gosh. . . Akala ko kung ano na. Ikaw talaga, Riz. Mapagbiro ka talaga," ngiti niya. Umikot na siya at kinuha ang measurement niya at pumwesto siya pabalik sa gilid ko.
"Gaano ba kahaba ang slit na gusto mo?" Sabay luhod niya sa gilid ko. Napatingin na ako sa kanya.
"Uhm, hanggang hita. Hindi na bali kung makikita ang panty ko. Hindi rin naman ako magsusuot ng panty ano." Ngiwi ko. Natawa lang din siya.
"You are so funny, Riz. That's why I like you. . . Kakaiba ka sa dalawang kapatid mo. You have a pure personality at heart."
I nodded while looking at her in front of me.
Hmp, personality at heart? Ako? Talaga lang ah? Isip ko.
"Ayan, tapos na. Bukas tapos na ito at ipapahatid ko na lang kasama ng ibang mga damit. If there's anything you like to add up, you have to tell me tonight. Hindi ko na puwedeng baguhin ang desenyo bukas dahil kasal na nila ngayong Sabado."
"Okay. . . Wala na!" Kibit-balikat ko. Tumalikod na ako at kinuha ang purse ko sa maliit na mesa niya rito.
I took a deep breath as I'm feeling unwell and unhappy. Kahit pa siguro maglasing ako ngayong gabi ay walang silbi ito.
"And by the by, Riz. Do you want me to tell the artist to fit your make up according to your gown and looks?" Titig niya sa buhok at kabuuan ko. Nalito na tulo ako. Kinuha niya ang cellphone niya at tinutok ito sa akin.
"What do mean?" Namaywang na ako. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.
"Honestly, I did not recognise you today. Your hair became blonde, your face, your eyes, your skin. . . what did you do to your image? I-I mean, I like it! You look new. And I guess the details that I've given to the make up artist will not suit you. Maarte pa naman ang kapatid mo at ayaw niyang may mas maganda sa kanya sa kasal niya." Bahagyang tawa niya. Rinig ko agad ang click ng camerang hawak niya.
"So? And what do you mean by that?" inosenteng titig ko sa kanya.
Huh, nakakatawa dahil katuwaan lang naman namin ito ni Vaninay. I lost the bet, and so she had to do everything to change my looks.
I admit it, hindi ko rin naman nakilala ang sarili ko nang matapos akong ayusan ng kaibigan niyang bakla rito.
That was her last resort in order to get Nestor. Nagwagi nga naman ako, dahil nakuha ko ang atensyon ni Nestor sa elite bar na iyon. Pero ang masakit lang ay hindi niya ako nakilala at mukhang s*x lang ang habol niya.
"What I mean. . . you will steal the eyes of everyone on your sister's wedding, Riz. Head turner ka. Mawawalan nang silbi ang pagiging bride niya dahil sa' yo." Napailing na siyang natawa.
"Well, that's great! Mas gusto ko nga ng ganoon!" Ikot nang mga mata ko. Tumalikod na ako at humakbang na para makaalis dito.
"Mag wig ka kaya?" Pahabol niya.
"Gawin mo na lang kayang itim ang gown ko?" Hamon na titig ko at pilya ang ginawa kong pag-ngiti sa kanya.
"Hayaan mo na, Mildred. Hindi mo lang alam na ma-swerte ang bruha!" Sabay hakbang ko palayo.
Pumasok na akong kotse at pinaandar ito. I turn the wireless on, and the music of fixing the broken heart by Indecent Obsession is being played.
I smirked and shook my head while listening to it. Hindi rin ako nakatiis at pinatay ito. Mas mabuting wala akong marinig ngayon para makapag-isip akong mabuti.
I don't think I can manage to present myself elegantly at their wedding. I don't think it's right for me to be there.
"Hello, Riz?" si Belinda sa kabilang linya. Sinagot ko na ang tawag niya dahil kanina pa ito.
"Where are you? I have something to show you."
"Importante ba? Wala kasi ako sa mood ngayon. Pasensya na."
"Importante, Riz. It might change your decision if you see this. Hurry up. Nasa penthouse mo ako. Pinapasok ako ni Vaninay. Hihintayin kita rito," tugon niya at agad kung pinatay ito.
Mabilis kong pinatakbo ang kotse at hindi inalintana na lagpas na ako sa speed limit dito. Nahinto lang din ako nang makarating sa gusali at maingat kong pinahinto ang kotse. Si Michael agad ang kumuha sa susi ko para mas mapark niya ito nang maayos sa basement. Siya lang din ang nag-iisang personal ni Belinda.
"Si Belinda?" Hakbang ko.
"Nasa itaas, Ma'am." Yuko niya. Hindi ko na siya nilingon at sa elevator na ako nagtungo.
The moment the door opened, Vaninay's smile widened. Her brow lifted, giving me a good sign.
"Belinda?"
"Hi. . ." tipid na ngiti niya. Nakatayo siya habang pinapanood ang eksklusibong interview ni Glorisha sa telebesyon. Napako ang mga mata ko sa malaking TV rito at napangiwi ako sa sarili.
Ang galing nga naman ng bruhang ito. Isip ko.
She looks glamorous like those of the princesses around. Perpekto sa tingin ng lahat at wala ka ng masabing masama tungkol sa kanya. Maliban nga lang sa tagong totoong ugali niya.
"What's the news?" Sabay talikod ko.
Ayaw kong panooriin ang interview niya, ang interview nila ni Nestor. Pero nahinto ako nang marinig ang tanong ng anchor sa kanya kung bakit hindi niya kasama si Nestor ngayon sa interview nila.
My heart lit up, and my ears heated. I turned around and darted my glimmering eyes back at the giant TV screen on the wall.
'He's busy and couldn't join me. I believe everyone has their priority, and it happens that my soon-to-be-husband is doing his job perfectly,' she stated.
"Sinungaling." Lihim na saad ni Belinda at napalingon agad ako sa banda niya. Galit ang mga mata niyang nakatitig sa malaking screen ng TV.
"She's lying, Riza," titig niya sa akin.
"Oh? Is that so?" Taas ng isang kilay ko. Mukhang may hindi yata ako alam na sekreto.
"Look at this, Riz."
Humakbang siya at binigay sa akin ang cellphone niya. I looked at it and it's a video recording from behind. Madilim ito at halatang nagtatago ang gumawa ng video. And as expected, it was Belinda who took it.
'And what will happen to us after the wedding?' Boses ng lalaki.
'Don't worry, love. I need Nestor for much fame and family business. But my heart belongs to you. He will be busy travelling back and forth, and we will have all the time. Magkasama pa rin tayo.' Boses ni Glorisha ito.
"Heard that? She's cheating on Nestor, Rizalyn. That b***h doesn't deserve to have him! Nestor is yours, sis. Fight for it!"
Nagtagpo ang kilay niya at galit itong nakatitig sa akin. Alam ko naman na ayaw niyang makasal si Glorisha kay Nestor dahil magiging mas makapangyarihan na si Glorisha sa kanilang dalawa.
There's always competition between the two, and Belinda doesn't want to be defeated. Glorisha Irene is marrying my knight in shining armour with wealth on hand. In comparison, Belinda will soon marry Silvestre, the only son of the Duke of Feroland.
I couldn't understand why Papa had to do this. But I am thankful that I was out of his list.
"Hala! Kunin mo na ang prince charming mo, Riz. Malandi naman pala ang kalahating mestisa ah!" si Vaninay sa gilid ko.
"That's true! If only Rizalyn is not my sister then, I would not care. But I know how much you love, Nestor. Kaya dapat lang na kunin mo ang lalaking gusto mo!" ulit na tugon ni Belinda sa akin. Humalukipkip na siya at pilya ang ginawa niyang pag-ngiti. Napakurap ako at napalunok sa sarili.
Honestly? I'm feeling hopeful now after watching it.
"Okay. May chance pa pala ang beauty ko, ano?" Sabay hawi sa buhok ko. Inayos ko lang din ito.
"Here." Bigay ni Belinda sa akin sa maliit na papel. Napatingin na ako, at address ito ng isang sikat na mens bar dito.
"Nestor's bachelor party is tomorrow. All his close friends and cousins will be there. And Neo asked me if I knew someone decent that could give Nestor a company," pilyang ngiti niya.
"I arranged Pamella, but after I caught Glorisha, I couldn't be bothered. Kaya kinansela ko na si Pamella at ikaw ang papalit."
Namilog ang mga mata ko nang marinig ito.
Ano? Ako?
"What?" My mouth parted while she smiled a little bit.
"Ayaw mo? Gusto mo si Vaninay ang ipapalit ko?" Titig niya kay Vaninay at mukhang excited ang mga mata nito.
"No! I did not say that I will not go!" Agad na bawi ko. Nabilaukan lang din ako sa sariling laway ko.
My heart is beating undeniably like I'm so freaking excited for this.
Imagine, ako magiging escort ng gabi niya bukas sa bachelor's party niya? Huh, bongga!
"I'm in!" I said lively, and my eyes twinkled not for nothing.
.
C.M. LOUDEN