CHAPTER 33 Miyerkules ng hapon at tapos na ang oras ng trabaho sa bangko na pinapasukan nina Manuel at Claire. He was already fixing his things and he was about to go home when suddenly Claire approached him at his table. Sadya siya nitong nilapitan sa kanyang mesa. "Manuel," agaw nito sa kanyang atensyon. Bahagya niya na lamang itong tinapunan ng tingin saka muli ay itinuloy ang kanyang ginagawa na pagligpit sa kanyang mga gamit. Narinig niya pa nang napabuntong-hininga ito bago muli ay nagsalita. "I know you are avoiding me these past few days. Nararamdaman ko iyon. But Manuel---" "Ano ang sunod mong sasabihin sa akin ngayon, Claire? Huh?" may bahid ng galit na niyang sambit dito. "Na hindi ko na dapat pang pinakasalan si Herietta sapagkat iiwan niya lang din ako, ganoon ba? Na dapa