CHAPTER 32 Sa kabila ng lahat ay nagpatuloy pa rin ang relasyon ni Herietta sa kanyang kasintahan na si Manuel. And the happiness that she felt during those times that she was with him was so priceless. Hindi niya magagawa na ipagpalit ang kaligayahan na nadarama niya dahil dito kahit sa ano pa man na yaman sa mundo. Manuel loved her so much, labis na nararamdaman niya iyon. Sa bawat pagkakataon na magkasama sila ng binata ay laging pinapadama ni Manuel sa kanya ang wagas na pag-ibig nito. At labis siyang kinakain ng kanyang konsensiya sa tuwing naiisip niya na wala man lang itong kaalam-alam tungkol sa totoong kalagayan niya. Tungkol sa totoo niyang kondisyon. The truth is natatakot siya sa magiging reaksyon nito kapag nagkataon. Na baka iwan siya nito kapag nalaman nito na darating di