CHAPTER 23 Hindi mapigilan ni Ysabella ang pagtiim ng kanyang mga bagang. Nagagalit siya sa binata. Labis siyang naiinis dito. He knew her from the very start, she was now so sure of that. Hindi niya kailan man inilihim ang pangalan niya sa mga ito umpisa pa lang nang dumating siya sa rancho na ito. Alam nito, maging ng ibang kasamahan nito sa bahay na iyon, na siya ang nag-iisang apo ng taga kabilang rancho. At sinisiguro niya rin na alam nito na siya ang batang babae na nakausap nito sa may niyugan ilang taon na ang lumipas. Pero sa panig niya ay hindi niya kilala kung sino talaga ang binata. In the first place kasi ay hindi naman nito nabanggit sa kanya ang totoong pangalan nito noong nag-usap sila ilang taon na ang nakalipas. Ni hindi niya rin naman tinanong noon. She was just consum