CHAPTER 24 Several days had passed since the last conversation of Ysabella and Vincent. Mula nang gabing iyon ay pilit nang iniiwasan ni Ysabella ang binata. Hanggang maaari ay hindi niya ito nais na makaharap. Hinihintay niya lagi na maging abala ito sa gawain sa rancho bago siya bumaba ng kanyang silid na inookupa. Sa gabi naman ay lagi siyang nagmamadali patungo sa kanyang silid bago pa man ito makauwi ng bahay. Bihira na lamang din siya magtungo sa kural ng mga hayop. Ang kabayong kanyang pinapaamo nitong mga nakalipas na araw ay hindi na ganoon kailap. Nasasakyan na rin naman ito ng ilang tauhan, maging ni Vincent mismo. At madali na rin para sa binata na mapasunod ito. Kaya naman mas pinapalipas na lamang ni Ysabella ang kanyang mga oras sa pagtutulong kay Nana Corazon sa paglulut