HAPON na nang makarating sa bahay niya si Tita Donna. Hinayaan muna siya nitong makatulog nang kaunti para naman makapagpahinga siya. Isa-isa ring tumawag sa kanyan ang mga Sirens upang kumustahin siya. Nais nga raw ng mga itong bumisita sa kanya kaso ay nakatali sa event ni Governor De Mesa.
“Like I said kanina, Elyse, kailangan higpitan ang security details mo. Magha-hire tayo ng bodyguard,” anas ng manager. May inilabas itong folder mula sa bag at saka binuksan iyon.
Gusto sana niyang tanggihan ang suhestiyon ni Tita Donna pero hindi na niya ginawa. May punto naman din kasi ito. Kailangan na lang siguro niyang isantabi ang sariling kagustuhan para sa kaligtasan.
“So, may na-contact na ba kayong pwedeng maging bodyguard ko?”
“I have someone in mind.” Pagkasabi ay ipinakita nito sa kanya ang laman ng folder.
Hindi mapigilan ni Elyse ang mapasinghap sa nabasa sa folder. Kilala niya ang lalaking tinutukoy doon.
“C-Clifford Rivero?”
DUGO. Maraming dugo.
Mga alingawngaw ng putok ng baril.
Mga walay buhay na katawang nakahandusay kahit saan.
“Alice! Magtago ka. Magtago ka, dali!”
NAPABALIKWAS si Elyse mula sa pagkakaidlip. Pawisan ang kanyang noo habang ang kanyang dibdib ay tumatambol sa kaba.
Isang panaginip. Ah, hindi. Isang bangungot.
Nakaranas na siya ng mga masasamang panaginip noon pero hindi ang tulad ngayon. Nakakapinindig balahibo ang mga patay na katawang nakahandusay at mga dugong nagkakalat sa sahig.
Hindi niya alam kung bakit. Pero bakit ba parang hindi iyon basta lang na panaginip. Parang isang totoong ala-ala na hindi niya alam kung kailan nangyari.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga at agad pumasok sa banyo. She needed a shower to cool her thoughts. Sumama kasi ang pakiramdam niya dahil sa panaginip.
Nagsisimula na siyang mag-enjoy sa lamig ng tubig nang makaramdam ng tila may gumapang sa kanyang paa. Nang ibaba niya ang tingin ay ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makakita ng ipis.
“Ahh!” sigaw niya habang pilit na umaalis ilalim ng tubig.
Mas malalang bangungot ang makakita ng ipis para sa kanya. Kaya naman halos magtatalon siya at magsisisigaw palabas ng banyo.
Tumatakbo na siya palabas ng toilet nang maramdaman niyang bumangga siya sa isang katawan.
“Mae!” Pikit matang niyakap niya ang assistant. “Sabi ko sa’yo ‘wag kumain dito sa kwarto ko! Ayan tuloy may ipis. Alam mo namang ayoko ng ipis! Please kumuha ka ng tsinelas. Patayin mo ‘yon!”
“I can’t do that when yourhands are wrapped around me.”
Natigilan si Elyse. Kailan pa nagboses lalaki si Mae? Matinis ang tinig ng PA. Pinakiramdam niya ang katawang hawak. Yes, Mae has large boobies pero hindi naman matigas ang dibdib nito.
s**t…
Ramdam niya na may mali sa nangyayari kaya dahan-dahan siyang bumitiw. She slowly gazed up and saw the most unexpected person in her room!
Clifford Rivero!
“Anong ginagawa mo rito?! Sinong nagpapasok sa’yo? Siguro may masama ka talagang balak! Hindi totoong gusto mo akong sagipin!”
Hindi sumagot ang lalaki. Bagkus ay nag-alis ito ng tingin.
“Oh ano? Tama ako ‘di ba? Masama ang balak mo sa akin! Hindi ka makatingin dahil totoo!”
Umiiling ang lalaki bago sumulyap sa kanya. “Pwede bang magdamit ka muna bago magtatalak diyan?”
Nanlaki ang mata niya at agad napatingin sa sarili.
f**k she’s naked!
NAKAHALUKIPKIP si Elyse habang nakaupo sa harap ng kanyang bisita. Hindi pa rin siya makapaniwalang nandoon nga ang lalaki para maging bodyguard niya.
But what bothers her more is the fact that the man just saw her naked! Bakit ba sa lalaking ito pa? Hindi tuloy niya alam kung mahihiya o maiinis.
Maybe both?
Argh! Kung hindi dahil sa pesteng ipis na iyon ay hindi siya magsisisigaw. Akala tuloy ng lalaki ay nasa panganib siya kaya ito tumakbo sa kanyang kwarto.
Nagpunta kasi ito para sa alok ng manager niya na trabaho bilang bodyguard. Ayos lang sana iyon. Kaso nga lang ay bakit ba sa ganoong sitwasyon pa sila muling nagkita?
Pahamak na ipis!
“Nakuha ko ang background file niya mula sa isang pulis doon sa presintong pinuntahan ninyo kahapon. At mukhang magaling naman siya talaga Elyse. I think he can protect you very well.” Si Madam Damin este Manager Donna niya iyon habang inaabot sa kanya ang isang folder.
Sinipat niya ang kanyang bagong bodyguard at napansing nakaupo lang ito at nakatitig sa kanya. Is he studying her?
Maybe. Siyempre trabaho na din ng lalaking malaman ang bawat kilos niya.
O ‘di kaya inaalala ang hubad niyang katawan kanina?
Oh no! Kung anu-ano na ang naiisip niya.
Ibinaling na lang niya ang tingin sa laman ng folder. Hindi tulad noong unang binigay sa kanya, mas detalyado ang nakasulat tungkol kay Cliff. Nakalagay doon ang iba’t ibang training na dinaanan nito sa kamay ng Armed Forces of the Philippines.
“How can I be sure na marunong ka nga sa ginagawa mo? You we’re trained like what…” sinilip niya muli ang hawak na papel, “ten years ago?”
“Yes, ten years ago,” sagot nito.
Muli siyang napaangat ng tingin sa lalaki. Kung ten years ago ang training ilang taon na ba ito? Hindi niya mapigilang icheck iyon sa resume ng lalaki.
“Thirty thirty five?!”
Umangat ang gilid ng labi ni Cliff. “Nagulat ka yata sa edad ko?”
Tumikhim siya at umayos nang upo. “Actually, hindi ka mukhang 35, mukha ka lang 34.”
Pero imbes na mainis sa biro ni Elyse ay ngumiti lang si Cliff. “Don’t worry. Hindi lang naman ikaw ang nagulat nang malaman nila ang edad ko. I even surprise myself everytime I step in front of a mirror.”
Ah, hambog! Sa dinami-dami ng pwedeng maging tagapagligtas niya bakit ganito pa ang ugali? Pero ano ba naman ang magagawa niya? All she could do is be thankful to him. Hindi siya pwedeng paapekto at ma-stress dahil kahit 23 lang siya, baka siya naman ang magmukhang matanda.
Pero to be fair, mas bata nga naman ito tingnan kaysa sa aktual na edad. Hindi ito mukhang 35. Tulad ng una niyang tingin rito, papasa itong twenty eight or twenty nine.
“You’re old. Papasa ka nang, uncle ko.”
“Aren’t you a bit too harsh for someone who saved your life?”
Inikot niya ang mata at itinuong muli sa papel na hawak.
Binasa niyang muli ang laman noon at nalamang pagkatapos pala ng training nito ay naging isang mekaniko na ito ng mga motorsiklo. Mukhang sumakto naman iyon sinakyan nitong bigbike noong nakaraan.
“So iyon lang ang pinagkakakitaan mo? Ang pag-aayos ng mga motorsiklo?” direktang tanong niya rito.
“I export and sell them too.”
Oh… May kilala siyang singer din na mahilig sa motor. Kasama niya itong artist din sa recording company. At nabanggit nitong mahal ang mga motorsiklong collection nito. Maaaring kumikita nga ng sapat ang lalaki. At least nabawasan ang hinala niyang nangangailangan ito ng malaking halaga ng pera. Baka nga hindi ito sangkot sa nagtangkang dumukot sa kanya.
“So pumapayag ka na, Elyse?” Si Manager Donna iyon na mukhang naghihintay na sa sagot niya.
Shocks! ‘Di siya makapaniwala sa sariling desisyon. Pero iyon lang ang nakikita niyang paraan.
Isinarado niya ang papeles at saka tumango.“But in one condition.”
Kunot noo siyang tiningnan ng kanyang manager. “Ano ‘yon?”
“Magbabakasyon kaming mga Sirens. We deserve it.”
“No!” bulalas ni Tita Donna.
“Okay. Then ayoko sa bodyguard.”
Nakita ni Elyse ang pagngisi ni Cliff. Pero hindi iyon ang ngiting natutuwa. Sigurado siyang disbelief ang nararamdaman nito.
“Pero Elyse!”
“Please, Tita…”
Sa wakas ay lumambot ang ekspresyon ng mukha ng manager at ‘di kalaunan ay tumango ito. “Make sure you won’t regret suspending your activities.”
Siya naman ang umiling. “We won’t, Tita. Salamat sa pagpayag.”
“What can I do? Kahit naman may security threat ka ngayon dito sa Pilipinas, kasama mo naman ang bodyguard mo. He’s going with you wherever you are.”
Nanlaki ang kanyang mga mata. “You’re kidding, right? Tita?”
“No, I’m not. Cliff is going with you, anywhere you go. Get that?”
Napadako ang tingin niya kay Cliff at nakita niyang nagkibit balikat ito.
Argh! Isa sa mga ayaw niya ang may bumubuntot sa kanya kahit saan siya magpunta. Lalong-lalo na’t isang lalaki iyon na nakakita na sa buo niyang katawan. Pero ngayon ay mukhang wala na talaga siyang kawala.
“Magdala ka ng swimming trunks, Cliff! Magsu-swimsuit kami ni Elyse!”
Lahat silang nakaupo sa sala ay napalingon sa babaeng may hawak ng tray ng kape sa may pinto.
Argh! Ikaw na talaga, Mae!