CHAPTER 03

1636 Words
CLIFFORD Rivero. Ang lalaking nagsagip sa buhay ni Elyse. Napansin raw nitong may nagpaputok kaya ito tumulong. And guess what, isa daw itong AFP reservist kaya may dalang baril noong mga oras na iyon.          What a coincidence!          Kasalukuyan na silang nasa loob ng bahay niya at hinihimay ang nangyari. Medyo naka-recover na rin siya sa naranasan niyang shock dahil sa nangyari kanina. Inimbitahan naman nila si Cliff para matanong ito.          Hindi mapigilang sipatin ni Elyse ang lalaki mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at matikas ang tayo. He does look athletic. At tulad ng napansin niya noong una nitong inalis ang suot na helmet ay may hitsura talaga ito. Medyo mestisuhin at mukhang nasa late twenties lang. Meron itong mapupungay na mga mata, matangos na ilong at manipis ngunit nakakaengganyong mga labi.          Kissable, in short.  Pero agad niyang pinagalitan ang sarili. Hindi iyon ang tamang oras para purihin ang kakisigan ng lalaking sumagip sa buhay niya.          Muli niyang tinitigan ang lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang vibe na ramdam niya tuwing napapatingin siya sa mukha nito. He looks familiar. Pero hindi niya alam kung saan ito nakita. Pero sa uri ba naman ng trabahong meron siya, lahat ng klaseng tao ay nakasalubong na niya. Malamang ay isa lang ang mukha ni Clifford Rivero na nakita na niya noon.          Umupo siya nang tuwid at sinimulang magseryoso. Muli niyang hinarap ang lalaki.          “Okay. Let’s say, napansin mong may nagpaputok ng baril? Ganoon-ganoon ka na lang ba kung tumulong? Hindi ka ba natakot para sa buhay mo?” usig niya rito. Hindi pa rin kasi niya magawang maging komportable sa dahilan nitong napadaan lang ito at saka tumulong. Sa ganoong oras ng gabi? Medyo weird nga naman.          Cliff gazed at her with a smirk on his lips. “Are you saying na hindi kita dapat sinagip dahil isa kang estranghera at ako naman ay napadaan lang sa lugar na iyon? I shouldn’t have saved you if that’s the case.”          “H-hindi naman sa gano’n. What I’m saying is—”          “Are you implying na isa ako sa mga nais dumukot sa’yo?” Nakataas na ang kilay ni Cliff at mukhang naiirita na. Tumaas din kasi ang boses nito.          Mabilis siyang umiling. “No. Hindi naman iyon ang iniisip ko.”          “Excuse me, Miss Elyse. I’m a well trained military reservist. Tungkulin ko pa rin ang ipagtanggol ang mga taong nasa gitna ng panganib. Mahirap bang magpasalamat ka na lang kay sa sa pag-isipan pa ako nang kung anu-ano?”          “Tama nga naman siya, apo.” Ang Lola Ara niya iyon na kanina pa nakikinig sa usapan nila. Bumaling ito kay Cliff. “Cliff, salamat sa pagsagip mo sa apo ko. Hindi ko alam ang gagawin kung napano siya. Malaki ang utang na loob namin sa iyo.”          Nakita ni Elyse ang pagbago ng ekspresyon ng mukha ni Cliff. Nakangiti na ito sa kanyang lola.          “Ginagawa ko lang po ang tungkulin ko sa bayan.” Lumingon ito sa kanya. “At saka tulungan ang mga nangangailangan kahit ayaw pa nitong magpatulong.”          Aba! Talagang pinapatamaan pa siya!          Tumikhim siya at bago muling hinarap ang lalaki. “I’m sorry if I sound rude. Hindi mo naman siguro ako masisisi. Matapos ang nangyari kagabi, I don’t know who to trust. Pero nagpapasalamat pa rin ako at kung hindi dahil sa’yo ay baka hindi na ako nakauwi nang buhay.”          Tumango si Cliff. “Naiintindihan ko. And… you’re welcome.”          Ilang sandali pa ay dumating ang mga pulis at inimbitahan sila sa presinto para magbigay ng statement tungkol sa nangyari. Sumama naman agad sila at pati na rin si Cliff.          Hindi lang talaga niya ma-pinpoint kung ano ang kakaiba kay Cliff. Bukod sa lagi nitong kausap ang mga pulis ay parang magkakilala pa ang mga ito. Lalong-lalo na sa loob ng police station kung saan pumasok pa ito sa isang opisina at kinausap ang isang opisyal roon.          Nagiging praning ka na, Elyse! Maaring acquaintance nga nito ang mga pulis dahil sa naging reserve military officer. Pwede naman siguro iyon?          Alas sais na ng umaga at nasa labas na sila ng presinto matapos gawin ang lahat ng statements nila. Ang lola niya ay nasa loob na ng kotse at hinihintay na siya. Si Cliff naman ay nakatayo sa gilid ng motorsiklo nito at hawak-hawak ang helmet.          Magpapaalam na sana siya sa lalaki nang biglang may tumawag sa kanya. It was Mae. T-in-ext niya ito kanina upang ipaalam kung nasaan sila. Hindi niya inaasahang maaabutan pa sila nito roon sa presinto.          “Oh my God! Anong nangyari, Elyse? Okay ka lang ba?” Hinawakan siya nito sa balikat bago tila iniinspeksyon ang bawat anggulo niya. “Nasaktan ka ba? My God! Mapepektusan ko ang mga gumawa sa’yo nito.”          Na-touch naman siya sa pagdating ng assistant. Hindi talaga halos maipinta ang pag-aalala nito sa kanya.          “Okay lang ako, Mae. Don’t worry. May tumulong naman sa akin kaya hindi ako napahamak,” paliwanag niya rito.          Kunot noong hinarap siya nito. “Talaga sino naman?  Dapat ay bigyan siya ng pabuya para sa pagsagip sa Leader ng Sirens!”          Gusto na niyang busalan ang bibig ni Mae pero hindi niya magawa. Nakatingin kasi sa kanila si Cliff.          “Uhmm… Mae,” pagkasabi ay hinila niya sa braso ang assistant at saka bumulong, “nandiyan siya sa likuran mo.”          “H-ha? Sino?” pabulong rin nitong sagot.          “Ang lalaking sumagip sa buhay ng Pop Song Princess.”          “Ah, really?!”          Pero kung gaanong kabilis ang paglingon ni Mae sa likod nito ay ganoon naman kabagal ang reaction nito nang makita si Cliff. Kailangan pa niyang sikuhin ang babae para matauhan.          “Laway mo tumutulo,” bulong niya sa assistant. Kilala niya kasi si Mae. Madali itong mabato kapag nakakakita ng pogi. Kaya hindi na siya nagulat nang ganoon ang reaction nito nang makita si Cliff.          Nagpahid si Mae ng bibig kahit wala naman talagang laway doon. “Ah! Hi, Cliff. Ikaw pala ang savior ng boss ko,” bahagya pa itong lumapit sa lalaki, “thank you, ha?”          Hay! Eto na naman si Mae. Madalas talagang naghuhugis puso ang mga mata nito tuwing nakakakita ng pogi.          Bahagyang napaatras naman ang lalaki dahil malamang ay sa sobrang paglapit ni Mae dito. “A-ah, o-okay lang. Kahit sino naman ay hindi magdadalawang isip na tulungan si Elyse.”          Muli pa sanang lalapit si Mae nang hilahin na niya ito at pagkatapos ay muling binulungan. “Hoy babae! Natatakot na sa’yo oh! Naka-spaghetti ka na naman kasi!”          “Anong takot? Bakla lang ang ayaw dito, no?”          “Sira ka talaga!” Hindi na niya pinagsalita si Mae at saka hinarap si Cliff. “Ah, Cliff, salamat ulit,” muli niyang pasasalamat sa lalaki. Itinigil na niya lahat ng pagdududa rito at naging thankful na lang sa ginawa nitong pagsagip sa kanya kanina. Aminin man niya o hindi, she won’t be standing where she is kung hindi dahil kay Cliff.          Tumango naman ito. “Like I said, I’m just doing my job. Pero sana…” Tinitigan siya nito sa mata. “Kung pwede lang sa susunod ay huwag ka nang gumalang mag-isa sa gabi? Ang daming oras na pwedeng maglakwatsa sa araw, bakit sa gabi pa kung kailan delikado? At saka wala ka pang escort or bodyguard na kasama. Baka nakakalimutan mong sikat ka? Maraming magkakainteres sa’yo. Kung ayaw mong maulit ang nangyari, mag-ingat ka at huwag tatanga-tanga.”          Iyon lang at sinuot na nito ang helmet at saka pinaharurot ang motorsiklo. Naiwan naman siyang tulala. Hindi niya maintindihan ang mararamdaman. Ikakatuwa ba niya ang concern nito para sa kanya o mas maiinis dito dahil sa pagtawag nito sa kanya ng ‘tanga’. But what the hell, mas naisulto siya kay sa sa napagsabihan.          “Grabe! Ang hambog ng lalaking ‘yon!” bulalas niya nang makahuma na siya sa narinig mula kay Cliff.          “Hindi ah, ang gwapo niya nga eh,” sagot ni Mae na ngingiti-ngiti pa rin kahit hindi na nila tanaw ang motorsiklo ng lalaki.          “Gwapo nga, eh ubod naman ng yabang! Tinawag akong ‘tanga’, girl. Hindi ko matanggap!”          “Eh bakit ka kasi gumala nang ganoong oras, teh?”          “Nag-iisip-isip ako eh. Hindi naman ako naglalakwatsa o gumigimik lang.”          “Pero ‘yon nga. Muntik ka nang makidnap dahil doon.”          Tinapunan niya ng masamang tingin si Mae. “Teka lang, kanino ka ba kampi?”          “Sa pogi, este sa’yo. Tinatanong pa ba ‘yan?” pagkasabi ay niyakap siya nito. “Siyempre, ikaw ang beshie ko. Sanggang dikit tayo.”          Inirapan niya ang assistant. “Charot mo ha? Kanina lang halos yakapin mo na ang lalaking ‘yon eh.”          Nagkibit-balikat si Mae. “Hindi ah. Guni-guni mo lang ‘yan, Elyse.”          “Guni-guni? Kahit wala akong tulog, hindi sira ang mga mata ko.”          Nagbuntong hininga si Mae. “Okay, fine. ‘Di ko na siya aagawin sa’yo.”          Nanlaki ang mata niya sa biro ng assistant pero bago pa man siya maka-react ay tumunog na ang cellphone niya. Nakita niya sa screen ng cellphone tumatawag.          “Si Madam Damin ba?” tanong ni Mae sa kanya.          Tumango na lang siya at saka sinagot ang tawag. Matapos kausapin ang manager ay hinarap na niya si Mae. “Kakausapin daw niya ako sa bahay. “          “Nag-aalala malamang ‘yon.”          “Siyempre, oo. Pero may iba pa siyang sinabi.”          “Ano daw?”          “Kailangan ko raw ng bodyguard.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD