“I’M SO ready!”
Ibinalandra ng kanyang personal assistant na si Mae ang kapirasong bikini na siyang susuotin raw nito para sa weekend getaway nila bukas. Hindi maitago ang excitement sa mukha nito habang naglalakad papasok ng kwarto niya.
“Ang sexy ‘di ba? May isang ganito pa ako. Baka gusto mo?” alok nito sa kanya. Hindi pa niya halos maintindihan ang sinasabi nito dahil ngumunguya ito ng chips.
“’Di ba sabi ko sa’yo, ‘wag kang kumain dito sa kwarto. Baka magkaipis. Alam mo namang takot ako roon.”
She hated insects. Lalong-lalo na ang ipis! Kapag nakakakita siya niyon ay talagang napapasigaw at takbo siya.
Mabilis namag nginuya ni Mae ang kinakain at nilunok iyon. “Oo na. Sorry. ‘Di na mauuli. Basta ba magsusuot ka rin nito.”
Napailing na lang siya sa hitsura ng bikini. Kakapiraso lang kasi iyon. Pero hindi na siya nagtataka sa trip ni Mae. Sexy talaga itong manamit. Walang araw na hindi ito naka sleeveless at shorts. Tulad na lang ngayon. Konting galaw lang ay umaalog na ang dibdib dahil sa nakaspaghetti strap blouse lang ito.
“Mag-jacket ka nga, Mae! Nai-insecure na naman ako sa sa’yo,” saway niya sa babae.
Ngumiti lang ito at saka tumabi sa kanya. “’Sus! Kung ‘boobfull’ nga pero sintunado naman na tulad ko eh ‘di waley pa rin. Mas gugustuhin ko pang maging ‘boobless’ na lang pero angelic naman ang boses na tulad mo.”
“Ouch ha! Kung maka-‘boobless’ wagas!”
“Ano ka ba? Seksi ka kaya at saka maganda. Ang lamang ko sa’yo itong boobs ko. Ang lamang mo naman sa akin eh mas maganda ang boses mo at saka… mas mayaman ka.”
Natawa siya narinig. “Oy! Hindi ako mayaman ha? Sakto lang.”
Kung ano man ang naipundar niya ngayon ay dahil sa pagiging singer niya iyon sa Sirens. Masasabi niyang sapat na ang mga naipon at investments para mabuhay sila ng kanyang lola. Maaari na rin siyang magsimula ng negosyo kung nanaisin niya. Pero sa ngayon ay hindi pa rin niya talaga alam kung ano ang nais niya.
Muli siyang napasulyap sa pinakitang bikini sa kanya ni Mae. “Hay naku, Mae, ‘di mo rin naman masusuot ‘yan.”
Umupo ang assistant sa tabi niya. “Ano? At saka bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ba dapat ay excited ka sa lakad natin bukas kasama ang buong Sirens? Ikaw pa kaya nagplano no’n!”
Nagbuntong hininga siya sabay hilata sa kama. “Walang magaganap na weekend getaway. May event bukas. Kaya itago mo na lang iyan at hindi mo na magagamit.”
Sumimangot ito. “Alam ko na. Si Madam Damin na naman ang may pakana ano?” Ang tinutukoy nito ay si Tita Donna na siyang manager nila.
“Sino pa nga ba? ‘Di ko tuloy magawa ang mga plano ko bukas.”
“So paano ‘yan, Elyse? Cancelled na ba talaga? Baka naman pwedeng ang event na ‘yon ang i-cancel ninyo?”
Umiling siya. “As if naman may magagawa ako?”
“May problema ba apo?”
Mula sa pinto ay pumasok ang kanyang Lola Ara—ang kaisa-isang pamilya na naiwan sa kanya. She lost both her parents when she was younger. Una ang kanyang nanay noong ipinanganak siya at ang kanyang tatay naman noong dose anyos siya. She has no memories of her childhood. Kung hindi pa nagkukwento ang kanyang lola ay hindi talaga niya malalaman ang mga bagay tungkol sa kanyang mga magulang. Pero kahit anong gawin niya ay laging may parte sa pagkatao niya ang tila ‘missing’ pa rin. Kahit anong tanong niya sa kanyang lola ay hindi pa rin nito nasasagot lahat.
Kaya naman doon na niya napagdesisyunan ang bumalik sa dating tinitirhan nila ng kanyang mga magulang sa Batangas. Noong sinabi niya sa mga kaibigan niya na magbi-beach sila ay isang paraan lang iyon para maisingit niya ang matagal nang gustong gawin—ang hanapin ang sarili niya. It might be just one day pero willing siyang isugal iyon. Paano na lang kung ang isang araw na iyon ay makatulong sa kanyang maalala ang kanyang nakaraan.
Ibinalik niya ang tingin sa kanyang lola. “Wala naman po, La. Nag-uusap lang kami ni Mae.”
Kumaway sa kanya si Mae at sumenyas na lalabas na muna upang makapag-usap sila ng kanyang lola. Naintindihan naman siya ng PA at agad itong lumabas ng silid.
Hinawakan ng kanyang lola ang kanyang kamay. “Ayos ka lang ba apo? Nakakapagod na ba masyado ang pagiging singer?”
Agad siyang umiling. Ayaw niya kasi itong bigyan ng problema.
Klaro pa sa kanya ang araw na iyon. Nagkaroon ng aneurysm sa utak ang kanyang lola na muntik nang ikinamatay nito. Wala silang pera noon. Kung hindi pa dahil sa isang sponsor ay hindi ito mapapaoperahan. It scared the hell out of her. Kaya naman simula noon ay wala na siyang tigil sa pagraket sa mga singing contests at iba’t ibang gigs. Hanggang sa mapansin na nga siya at in-offer-an na maging parte ng Sirens. Doon na nagsimula ang kanyang singing career.
“Naku, okay lang po ako. As usual busy, pero normal na po iyon.”
Ngumiti ang kanyang Lola. “Akala ko kung ano nang problema.”
Ibubuka sana niya ang bibig upang magtanong muli tungkol sa kanyang nakaraan pero hindi na lang niya itinuloy. Gabi na at baka hindi pa makatulog ang kanyang lola sa pag-iisip kung bakit na naman siya nagtatanong. Siya na lang siguro ang sasagot sa kanyang mga katanungan.
Matapos silang mag-usap ng kanyang lola ay sabay silang naghapunan nito. Nagdesisyon na din siyang matulog nang maaga para sa event nila bukas pero kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Sinubukan na rin niyang yakapin ang paborito niyang lumang teddy bear pero hindi talaga niya magawang makaidlip man lang.
Napalingon siya sa kanyang night stand at nakitang mag-aalas dos na ng umaga.
Napagdesisyunan niyang bumangon na lang at magbihis. She needed to clear her thoughts
Matapos kunin ang susi ay lumabas na si Elyse sakay ang kanyang kotse. Sa tingin niya ay makakatulong ang kahit sandaling pagmamaneho para makalma ang sarili. Nakagawian na niya iyon tuwing nais niyang mapag-isa at makapag-isip nang maayos.
Mukhang tama naman siya. Nagsisimula nang gumaan ang kanyang pakiramdam. Nakatulong din na sa gabi siya nagda-drive nang ganoon. Walang traffic at malamig ang panahon.
Mag-iisang oras na mula nang nakaalis siya ng bahay nang magdesisyon siyang umuwi na. Malapit na siya sa kanilang subdivision nang maramdamang may sumusunod sa kanya.
Isang puting kotse.
Sinubukan niyang iliko ang sasakyan dahil baka naman hindi talaga siya niyon sinusundan. Pero ganoon pa rin! Nakasunod pa rin ito sa kanya. Doon na siya kinabahan nang todo. Sino ang mga sumusunod sa kanya? Paparazzi? Stalker? Stalker na fans?
OMG!
Mas binilisan ni Elyse ang pagmamaneho. Kailangan niyang makapasok sa subdivision kung saan may mga gwardiyang nakabantay sa may gate. Hindi makakapasok ang mga may masasamang balak.
Pero ganoon na lang ang pagkagulat niya nang biglang may humintong sasakyan sa harap niya. At para hindi mabangga ay agad niyang inapakan ang preno. Ganoon na lang ang panginginig niya nang makitang may dalawang lalaking lumabas sa kotse na iyon. Pagtingin niya sa side mirror ay may isa pang kotseng nakatigil sa kanyang likuran.
Oh no! Lord, ‘wag Niyo po akong pabayaan.
Taimtim siyang nagdasal habang nakahawak sa manubela. Pero hindi pa man siya tapos sa pagdarasal nang makitang nasa gilid na niya ang isa sa mga lalaki. Hindi niya maklaro ang mukha nito dahil nakasuot ito ng face mask. Ilang sandali pa ay kinatok nito ang salamin ng kotse niya.
“Miss, usap muna tayo. Pwede ka bang lumabas ka muna?’
Naiihi na siya sa takot sa boses ng lalaki. Kinapa niya ang cellphone sa kanyang gilid pero doon na niya naalalang hindi pala niya iyon dala. Sinaksak niya iyon sa kwarto kanina dahil low battery iyon!
Lord! Gusto ko pa hong mabuhay.
“Sige na, Miss! Labas na diyan. May tanong lang kami sa iyo.”
Hindi siya makagalaw lalong lalo’t hindi siya makapagsalita. Nandoon lang siya at parang tuod na nakaupo sa driver’s seat.
Muling kumatok ang lalaki. “Ayaw mong lumabas?” Naglabas ito ng baril at saka itinutok sa salamin ng kanyang kotse. “Lalabas ka ba at mag-uusap tayo nang mahinahon? O kami ang papasok diyan at saka tayo mag-uusap?”
Pakiramdam ni Elyse ay mahihimatay na siya sa kaba. Pero kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang makapag-isip ng magandang plano para makatakas roon.
What if sagasaan ko ang kotse?
Pwede iyon pero baka hindi rin umubra. Shocks! Wala pa naman siyang balak lumabas ng kotse. Wala siyang planong pumayag sa anomang gusto ng mga halang ang kaluluwang lalaking iyon!
Muli siyang sumulyap sa labas ng kanyang kotse. Mga tatlo ang naroon. Hindi niya sigurado kung may iba pang nasa kotse lang at hindi pa lumalabas. Mas lalongwala siyang laban.
Marami na siyang napanood sa news na mga holdapan at k********g. Mayroon ding mga r**e slay. s**t! Hindi siya papayag na mapasama sa mga news na iyon. Paano na lang ang lola niya? Paano na lang ang future niya? Mamamatay na lang ba siyang hindi alam ang nakaraan niya?
NO f*****g WAY!
Kaya nagdesisyon na siya. Hindi siya lalabas nang buhay.
Hawak ang manubela ay tinapakan niya nang mariin ang silinyador ng kotse. Agad ay nagtakbuhan palayo ng kanyang kotse ang dalawang lalaking nasa harapan. Kaya naman nabangga niya nang malakas ang kotse na nakaharang.
s**t ang sakit! Never ba siyang nakabangga ng kotse kaya naman hindi niya alam masakit pala iyon sa katawan. Pero hindi niya ininda ang nararamdaman. Nasimulan na niya. She won’t back out!
Muli niyang tinapakan ang pedal ng kanyang kotse pero ngayon ay paatras naman. Pero bago pa man niya magawa ang balak ay binaril na ng lalaki ang kanyang windshield!
Diyosko! Para siyang tinakasan ng kaluluwa sa katawan sa kaba. Mabuti na lang at nakayuko siya.
Matalim ang titig sa kanya ng lalaking may hawak na baril. Mukhang galit na galit ito sa ginawa niya.
“Hoy, Elyse! Gago ka! Gusto mo ba talagang mamatay?!”
Mas dumoble yata ang pagkabog ng kanyang dibdib. Lalabas ba siya o hindi? Kilala siya ng mga lalaki. Mukhang plano talaga ng mga itong kunin siya. Sino ba talaga ang mga lalaking ito? Anong gusto ng mga itong mangyari?!
Ilang sandali pa ay lumapit muli sa kanyang gilid ang lalaking may baril. Itinutok nito sa kanya ang armas sabay sabing dapat niyang buksan ang pinto.
Bubuksan ba niya o hindi?
Sayang at hindi gumana ang plano niya kanina. Ngayon tuloy ay mukhang mapipilitan siyang sundin ang inuutos ng mga ito.
Kung bubuksan kaya niya ang pinto ay may tsansa siyang makiusap sa mga ito nang matino? Kung pera ang kailangan, pwede naman siyang magbigay. Pero kung sa kotse lang siya at hindi aalis siguradong babarilin lang siya roon. Mamatay siya nang walang dahilan.
Huminga siya nang malalim at saka nagsalita. “S-sige… lala—”
Bang! Bang! Bang!
Hindi na niya naituloy ang sinabi dahil may nagpaputok ng baril. Napatingin siya sa kanyang side mirror at nakita ang isang umaarangkadang motorsiklo papalapit sa kanila. Doon nanggaling ang mga putok ng baril.
Isang lalaking nakasuot ng itim na helmet at itim din na jacket ang sakay ng motorsiklong iyon.
OMG! Savior na ba niya ito o baka isa rin sa mga nais kumuha sa kanya? Pero bahala na! Ang imporante ay pinapuputukan nito ang mga gustong dumukot sa kanya.
Nagpulasan ang mga lalaki na kanina ay nakapalibot sa kotse niya. Nagsipasok ang mga ito sa loob ng mga sarili nitong mga sasakyan at ilang sandali pa ay nagsialisan na rin.
WTF?! Talaga bang umalis na ang mga ito? Talaga bang napaalis ng lalalaking nakamotor ang mga nagtangkang manakit sa kanya?
Napatingin siya sa labas ng kanyang kotse kung saan tumigil ang motorsiklo. Kung naka-helmet ito at naka-itim na jacket, wala naman itong riding-in-tandem feels.
Hero lang ang peg girl!
Mabilis niyang ipinilig ang ulo. Malay ba niya kung ano ang motibo ng lalaking ito? Hindi ba’t may baril din ito tulad noong mga goons? Baka hindi rin maganda ang intensyon nito?
Natigilan siya nang unti-unting inalis ng lalaki ang suot nitong helmet. Parang slow motion lang ang peg…
At nang tuluyang maalis na nito ang suot ay doon na bumungad kay Elyse ang hitsura ng lalaki.
OMG… Not bad… Not bad at all.
“Ah, Miss Elyse. Bilisan niyo po. I’ll escort you back home.”
W-wait? Did he just call her by her name? Paano nito nalamang nandoon siya? Paano nito nalaman kung nasaan siya? Bakit siya nito siya sinagip? At higit sa lahat…
“Sino ka?”