CHAPTER 07

1082 Words
TIG-IISANG backpack. Iyon lang ang bitbit nina Elyse at Cliff habang sumakay ng bus, jeep, traysikel, bus ulit at jeep para makarating sa San Marino. Umabot sila ng kulang-kulang dalawang araw para marating ang baybaying iyon.          Siya naman ay nakasuot ng hoodie at face mask upang hindi makilala sa biyahe. Mukhang effective naman dahil wala ni isang pumansin sa kanya.          “Here we are,” sabi ni Cliff habang inalalayan siya pababa ng traysikel.           Napanganga siya habang pinagmamasdan ang tanawin sa kanyang harap. Asul na dagat, maputing buhangin at mahabang dalampasigan kung saan may malalaking bato sa dulo niyon na hinahalikan na ng dagat.          “Napakaganda.” Iyon lang ang nasabi ni Elyse habang patuloy na pinagmamasdan ang malaparaisong lugar.          “May cabin sa bandang burol. Pwede tayong doon muna tumuloy.”          Napaangat ang tingin ni Elyse sa may burol na bahagi ng dalampasigan pero hindi niya iyon makita. “Nasaan?”          “Hindi makikita dito. Napapalibutan kasi ng mga kahoy,” sagot ni Cliff habang naglalakad sa isang tila maliit na trail. Klarong-klaro na hindi iyon madalas madaanan dahil matataas ang mga d**o roon.          Habang papalapit na sa burol ay doon nakita ni Elyse ang maliit na bahay. Sa sobrang liit noon ay para lang iyong isang malaking kwarto. Pero OMG, napakaganda noon. Yari ang bahay sa hardwood na bumagay talaga sa kulay ng dagat. Mayroon iyong maliit na balkonahe na may silya at upuan.          “Kaninong bahay ito?” Hindi na niya mapigilang tanong kay Cliff habang ibinababa ang gamit sa mesa na naroon.          “My retirement home. Gusto kong tumira malapit sa dagat.”          Noon pa man ay fan na siya ng dagat. Pero ngayon, mukhang gusto na rin niyang tumira sa ganoong lugar.          “I built this myself,” dagdag pa ni Cliff. She can sense his pride when saying it.          “To be fair, ang galing ah. Maganda, sobra!”          “I’m glad you like it.”          May kinuha si Cliff sa ilalim ng isang paso ng bulaklak doon at napansing isa iyong susi. Gamit iyon ay nabuksan na nito ang bahay.          Pagpasok ay bumungad sa kanya ang maliit na sala nito pati na rin ang isang kama. Sa may gilid naman ay isang pinto na sa tingin niya ay isang comfort room.  Katapat noon ang isang maliit na kusina na may isang maliit na round table. Maliban sa CR ay halos walang division ang buong bahay.          “Halos limang taon din bago ko natapos ang bahay na ito. Mahirap kasing makaipon ng pera.”          “Well, kung may binubuhay kang pamilya, siyempre mahirap mag-ipon.”          “Wala akong asawa’t anak.”          Nagkibit balikat siya. Pero deep inside ay hindi alam kung bakit natutuwa siya sa ideyang single ito. “Eh di saan napupunta ang pera mo kung wala kang pamilya?”          Hindi sumagot si Cliff at ibinaba ang suot na backpack sa may higaan. “We got everything we need here. Pwede tayong magstay dito nang matagal.”          Pagkarinig ay biglang pumasok sa isip ni Elyse na dalawa lang pala sila ni Cliff doon.          Magkasama sa iisang bahay.          Na may isang kama.          Sa loob ng ilang araw.          Shems! The idea just brought chills down her spine. Never in her whole life na sumama siya sa isang lalaki na sila lang sa isang bahay lalong lalo na sa iisang kwarto! Pero heto siya, no choice.          Huminga siya nang malalim para kahit papano ay mabawasan ang pagtense ng kanyang katawan.          “Uhm… Siya nga pala, paano ang supplies natin? Pagkain? Saan tayo bibili?”          “Don’t worry about it. May inutusan akong magdadala noon dito.”          “Kuya Clifford!”          Napalingon siya sa may pinto at nakita ang isang kararating na lalaking may bitbit na dalawang malalaking grocery bags.          “Ang aga mo namang dumating! Naunahan mo ‘ko at sino itong kasama mong—”          Nanlaki ang kanyang mga mata nang mukhang nakilala siya ng lalaki. Agad niyang ibinalik ang suot na hoodie sabay takip sa mukha.          “It’s okay, Elyse. Pinsan ko siya. Elyse, meet Bran,” pagkatapos ay binalingan nito ang pinsan. “Bran, si Elyse.”          Gusto niyang matawa dahil tuluyan nang nawala ang ‘Miss’ sa Miss Elyse na tawag nito sa kanya dati.          Nabitiwan ng lalaki ang dalawang bag na dala at mabilis na lumapit sa kanya at inilahad ang kamay. “Oh my God. I can’t believe this! You’re here! Finally! Akala ko hindi na mangyayari ang araw na ito. Si Kuya Clifford kasi ang bagal—”          Sa isang iglap ay hinila ni Cliff si Bran palayo sa kanya. Inakbayan nito ang pinsan. “Bran, nandito si Elyse dahil kailangan niyang maging safe. May security threats siya kaya ko siya dinala dito.”          Kunot noong nagpapalit-palit ng tingin si Bran sa kanya at kay Cliff. “Ibig sabihin hindi kayo…”          “Hindi! I’m just doing her a favor as his bodyguard,” mabilis na sagot ni Cliff.          “Bodyguard?!” bulalas ni Bran.          Hindi na matagalan ni Elyse ang sunod-sunod na pagsiwalatni Cliff ng tungkol sa nangyayari sa kanya. Kaya naman nagsalita na siya.          “Tama bang sabihin mo sa pinsan mo ang mga nangyayari?”          “Pinsan ko siya. We can trust him. I know him all my life,” paninigurado ni Cliff.          Agad namang nagtaas ng kamay si Bran. “At alam ko ang lahat tungkol kay Kuya Cliff. Alam mo bang—”          “Shut it, Bran,” sabay tulak ni Cliff sa pinsan palabas ng bahay. Pagkatapos ay lumingon ito sa kanya. “Those are grocery items. Pwede bang ikaw na lang ang mag-arrange ng mga iyan? Ihahatid ko lang ang pinsan ko sa labas.”          Magtatanong pa sana siya nang hindi na nagpapigil pa si Cliff. Tuluyan na itong bumaba ng burol kasama si Bran. Siya naman ay naiwan kasama ang mga grocery. Well, mabuti na rin iyon. Kanina pa siya pagod at gusto niyang magpahinga muna.          Kukunin na sana ni Elyse ang mga grocery nang matanaw ang magandang view ng dagat mula sa bintana ng bahay. Tila ba inukit iyon mula sa isang post card.          This is life.          Sa ganda ba naman ng tanawin ay pwede na niyang sabihing nagbabakasyon siya. Pero mali. Hindi siya naroon para magbakasyon. Nagtatago siya. Nagtatago sa lahat ng gustong manakit sa kanya. Pati na rin sa lahat ng nakakapagod na trabaho sa showbiz. Habang kasama ang isang lalaking handa siyang protektahan at alagaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD