BAGO ang sampung minuto at natapos sina Allhean at Annie, ngunit mas nauna si Zoe at ang ibang kaibigan niya ay nahuli. Matalim na tingin naman ang ipinukol ni Jase kay Zoe, subalit wala siyang pakialam sa galit na iyon. "Fabiano?" sambit ni Master Sergeant Romo Lerio. "Yes, Sir!" "Ano ang nangyari sa kamay mo?" tanong nito, dahil napansin niya ang pagpatak ng dugo. "S-si—" Hindi natuloy ang sasabihin ni Annie, dahil pinigilan siya ng kaibigan. "Wala ito, Sir. Natusok lang sa bato..." pagsisinungaling niya. "Next-time mag-ingat ka!" "Opo, Sir!" Biglang hinila ni Jase ang kamay ni Allhean at pinaupo niya ito. Halos lumuwa naman ang dalawang mata ni Zoe nang makita niya ito. "Bakit hindi mo sinabi ang totoo?" kunot-noo na tanong ni Jase sa kaniya. Kinuha niya ang panyo mula s