"I can't understand you, bakit kailangan mong gawin iyon para kay Zoe?" naguguluhan na tanong ni Jase, nang makalayo na sila sa Disciplinarian Office. "Hindi ba kababata mo siya? Dapat naintindihan mo kung bakit siya ganiyan. Una, spoiled brat lang siya at ayaw na natatalo. Pangalawa, nagseselos siya sa tuwing nakikita niya tayo na laging magkasama. Pero nakikita ko naman na may mabuti siyang puso, kaya hindi ko siya susukuan hanggang ma-realize niya kung ano ang tama at mali sa ginagawa niya!" Nakangiti niyang paliwanag sa dalawang kasama. "A-ang b-bait mo talaga, Allhean!" Nakangiti rin si Annie at inakbayan siya. "Basta! Huwag kang masyadong magtitiwala sa kaniya at sa mga kaibigan niya!" seryoso at nakasimangot na tugon ni Jase. "Opo!" HALOS araw-araw ang training na ginagawang