NAMUMULA ang mukha ni Mrs. Samonte, dahil sa sobrang galit. Hinila niya si Jase at dinala sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, at sabay silang umupo sa kama. "Jase, ano ba ang nangyari sa inyo ng Daddy mo?" "Nothing, Mom, huwag mo nang isipin, misunderstanding lang ang nangyari." "Kumusta pala ang kuya Jacob mo, nagkita ba kayo? Kailan daw siya dadalaw dito sa bahay?" "He is fine, pero hindi niya nabanggit kung kailan siya dadalaw dito. Alam mo naman si Jacob masyadong busy." "I see. Magpahinga ka na." "Ikaw rin, Mom. Huwag mo na lang patulan si Daddy." At tumayo na siya, bago pa man siya pumasok sa kuwarto ay hinalikan muna niya ang ina sa pisngi. Alam ni Mrs. Samonte, na malaki ang alitan ng kaniyang mag-ama. Pero hindi na niya pinilit si Jase na magsalita, sapagkat alam niya