SAMANTALA patuloy sa pagsasanay ng Pardus Force, at kahit hindi miyembro si Azheer ay isinali pa rin siya upang kaya niyang maprotektahan ang sarili. Mas sinasanay sila ni Kumander Allhe sa armas lalo na sa shooting target. Dahil ito ang importante sa lahat. Naisipan niyang i-tattoo ang Pardus Force sa ilalim ng kanilang mga braso, upang alam nila kung miyembro ba ito ng kanilang hukbo. At buti na lang isa sa kanilang miyembro ay marunong mag-tattoo, at ito mismo ang tumira sa kanilang mga kasamahan. Nasa beinte miyembro lang ang Pardus Force, ang anim nito ay babae at kasama na siya sa bilang. Hindi man sila marami subalit sinikap ni Kumander Allhe, na maging mahusay ang bawat isa sa kanila. "Simula ngayon, ito na ang ating magiging uniporme. Mabuhay ang PARDUS FORCE!" sigaw ni Kumande