BANDANG hapon ay nakaluto ang mga kasamahan ni Kumander Allhe, at naglatag sila ng dahong saging sa ibabaw ng mahabang lamesa. At doon nila nilagay ang lahat ng mga pagkain kasama ang mga soft drinks. "Kumander Allhe, halina po kayo. Nakahanda na ang pagkain," sambit ni Switlyne. "Sige, susunod na ako." Niligpit niya ang mga kagamitan at sumunod na kay sa labas. "Kumander, halika na!" nakangiti nilang sambit, at nakaupo na silang lahat. Masaya sila habang pinagsaluhan ang maraming pagkain. Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakakain sila nang ganoon karami. "Sana laging ganito!" pahayag ni Tennio. "Huwag kayong mag-alala, gagawin natin ito kada-Sabado." Dahil bigla niyang naalala ang perang nakuha niya sa kuwarto ng lider ng mga rebelde. "May pera ka pa ba, Kumander?"