WALANG kaalam-alam si Kumander Allhe, sa biglaang pag-atake ng mga kasundaluhan, nalaman na lamang niya ito nang pumunta sila sa mansion ni Governor. "Bakit biglaan ang kanilang pag-atake, Governor?" pagtataka niyang tanong rito. "Upang maiwasan raw ang malaking pinsala dito sa bayan." "Pero hindi nila alam ang kakayahan ng mga rebelde! Saan galing ang mga sundalo?" "Sa Maynila. Pinangunahan ito ni CGPA. Sirocco." "Ano?! bulalas niya sa pagkabigla "Kilala mo siya?" "Hindi lang kilala. Kilalang-kilala! Gov, may kasama ba siyang matangkad, maputi, at medyo makapal ang kilay?" "Oo. Ummm… Samonte yata ang apelyido noon." "Governor, kailangan namin silang sundan agad! Mag-ingat kayo dito!" "Sige, kayo rin." Dali-daling bumalik Pardus Force sa kanilang baryo, hindi siya mapakali