BAHAGYANG tumango si Allhean bilang tugon niya at sinundan ng pagpikit ng mga mata siya. "C-c-coach, m-m-malayo ba?" "Medyo, sa Bulacan tayo, kaya matulog ka muna." "S-sige po." "Coach, ikaw ba ang mag-lead sa amin?" seryosong tanong ni Raffy. "Oo." "Mabuti naman kung ganoon, Coach." Hanggang sa makarating sila sa paanan ng Mt.Gola, sakop ito ng Bulacan. Dito dinala si MG. Samonte, at ang iba pang mga kasundaluhan. Maingat silang pumaroon sa naturang lugar at ang lahat ay alerto sa kanilang mga kilos at hakbang. Lalo na't hindi nila kabisado ang lugar. Nauna si Jacob at Allhean sa kanilang pangkat. Sa kabilang grupo naman ay pinangunahan ni; Sergeant Major Romo Lerio, Sergeant William Hacut, at Jase. Nasa kalagitnaan sila ng kabundukan at napansin ni Allhean na medyo tahimik ang