Ep. 6 Cathleen POV

1091 Words
Mommy Daddy please save me i don't wanna die this way... Paulit-ulit kong paki-usap habang hinihintay abutin nila Mommy at Daddy ang kamay ko. Malungkot ang mga mata nilang nakatitig sa akin habang nakalambitin ako sa matulis na gilid ng malaking batong kinadulasan ko! Pilit kong inaabot ang kamay ng mga ito na tila walang balak tulungan ako. Kuya help me.... Umiiyak kong paki-usap ng tumunghay din sina Kuya Khiranz at Khiro sa akin. Lumuluha si Kuya Khiro na nakatitig lang sa akin. Namamanhid na ang mga kamay kong tila naka magnet na sa batuhang kinakakapitan nito. Nabuhayan ako ng loob ng ngumiti si Kuya Khiranz at iniabot ang kamay sa akin. Inabot ko ang kamay nitong nakalahad ng biglang napalitan ng ngisi ang matamis nitong ngiti. Namilog ang mga mata ko at nagsusumamong tumitig dito. Hindi ba't siyam ang buhay na meron ang mga pusa my kitty? Malambing tanong nito. Mapapatunayan natin kung totoo nga 'yon. Magpahinga ka na my kitty. Alam kong kahit hindi kita tulungan mabubuhay ka pa rin naman. Say bye bye, may walong extra life ka pa naman eh. Bye-bye. Tila nahihibang saad nito at ikinaway pa ang dalawang kamay kong hawak nito na tila nagpapaalam na. KUYAAAHHH!!!!! Habol ang hiningang napabalikwas ako. Basang-basa ako ng pawis at hinihingal akong napaupo sa katreng kinahihigaan ko. It's okay sweetie we're here now. Pag-aalo ni Daddy habang yakap ako ng mahigpit. Lungkot at awa ang mababakas sa kanyang mga mata habang pinupunasan ng panyo nito ang mga butil- butil kong pawis sa mukha. Inabotan ako ni Kuya Khiro ng isang basong tubig na kaagad kong ininom sa sobrang pagka-uhaw! Napapitlag ako ng naupo si Kuya Khiranz sa tabi ko kaya sa gulat at takot na dala ng kabiglaan ko ay nasampal ko ito! Ahh!! What the hell kitty! Gulat na bulalas nito. Napanganga ako sa bilis ng kamay kong dumapo sa pisngi nito. Bumakat at namula ang marka ng palad ko sa makinis nitong pisngi sa lakas ng sampal ko! Ku-Kuya.... Nanginginig ang boses kong natawag ito. I'm sorry... Napayuko ako at naramdaman ang pagyakap nilang apat sa'kin. I'm sorry Kuya. Napanaginipan ko kasi ang nangyari kung paano ako nadulas at nahulog sa bangin. Muling nanginig ang buong katawan ko na tila kahapon lang nangyari ang pinakabangungot kong napagdaan sa tanang buhay ko. Sshhh it's okay my baby kitty. Sanay na ang pisngi kong nasasampal ng mga babaeng mahal ko. May pagkakwelang sagot nito para pakalmahin ako. Nakangiti ang mga ito sa akin pero kabaliktaran ang nakikita ko sa kanilang mga mata. Pinaghalong lungkot panghihinayang at awa. Napalabi akong pilit ngumiti sa mga ito. Ilabas mo sweetie, h'wag mong solohin gusto rin naming malaman ang mga nangyari sayo sa loob ng pitong buwan mong pagkawala. Ani Daddy sa malungkot na boses. Patay na talaga dapat ako Dad kung hindi dahil kay Buchay. Pagsisimula ko. Gusto kong mailabas ang nasa loob ko ng maibsan ang bigat na dinadala ko. Malamlam ang mga mata nilang tahimik na pinagmamasdan ako habang nakaupo ako sa katre kaharap ng pamilya ko. It's my fault. Umalis ako ng resort at wala sa sariling naglayag ng dagat. Hindi ko namalayang nakalayo na ako at ng matauhan ay nasa masukal na akong parte. Pinagigitnaan ng masusukal na kagubatan ang ilog na binagtas ko. Kung hindi pa nasira ang makina ng yate ay hindi pa ako matatauhan. Sobrang takot na takot ako lalo na at walang signal ang cellphone ko. Nang magliwanag na ay buong tapang akong pumasok sa gubat. Sa pag-asang makakahanap ako ng mahihingan ng tulong. Maghapon akong nagpaikot ikot sa kagubatan hanggang sa makalabas na ako, siya namang buhos ng malakas na ulan. Napatingala ako sa kalangitan at nagsusumigaw sa sobrang frustrated sa mga nangyayari sa akin. Hindi ko namalayang nasa matutulis na akong batuhan at may malalim na banging naghihintay sa akin. Sa gulat ko sa malakas na kulog at kidlat ay nadulas ako sa bangin. Sobrang natatakot po ako.... Muli akong napahagulhol at nanginig ang katawan. Ang hirap pa lang balikan ang nakaraang gusto ko ng mabura sa aking ala-ala. Mahigpit akong niyakap nila Mommy at Daddy na humihikbi na rin. Takot na takot po ako sa mga oras na 'yon. Wala akong ibang nasasambit kundi tinatawag kayo at umaasahang aabutin niyo ang mga kamay kong dumudugo na sa mahigpit na pagkakakapit sa matatalim na gilid ng batuhan. Alam kong napaka- imposible pero umaasa pa rin ako. Umaasahang kahit nasa bingit na ako ng kamatayan ay may makakapagligtas sa akin. Lalo akong nangilabot ng mapatingin sa baba at nakitang naghihintay sa akin ang naglalakihang mga bato na tiyak kong ikalalasog ng katawan ko. Kasabay ng malakas na pagtama ng kidlat sa batuhang kinaroroonan ko ang pagkabitaw ko at tuluyang nahulog sa mataas na bangin. Akala ko tapos na. Katapusan ko na. At hindi ko man lang kayo nakita, wala ring kasiguraduhan kung mahahanap niyo pa ang katawan ko. O tanging mga mababangis na hayop sa kagubatan ang makikinabang sa bangkay ko. Pero..... Pero isang araw nagising ako. Nagising ako sa isang kubo. Doon ko napag- alamang bago pa man ako bumagsak sa batuhang naghihintay sa akin ay nahagip ako ni Buchay. Utang na loob ko sa kanila ng Lolo niya ang buhay ko. Sila ang nag- aruga sa akin sa anim na buwan kong kawalan ng malay. Pero ngayon wala na si Tatay Amor. Inihabilin niya sa akin si Buchay na h'wag kong pababayaan. Kaya napilitan na kaming bumaba ng gubat. Pero Mom Dad, muntik na po nila kaming katayin dito ng buhay. Iniisip nilang hindi kami mga tao kundi maligno. Na isang taong lobo si Buchay at ako ang diwatang nangangalaga nito. Mabuti na lang at dumating ang pulisya at mas malawak ang pag-iisip nila. Mommy Daddy.... Tulungan natin si Buchay. Hindi ko po alam kung paano sisimulang hanapin ang pamilya niya. Wala rin siya'ng kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid. Lumaki siya sa gitna ng gubat na tanging ang Lolo at mga hayop ang nakakasalamuha. Ayon kay Tatay Amor napulot nila ng alaga niyang lobo si Buchay sa rumaragasang ilog na tatawiran niya. Sanggol pa lang noon si Buchay ng dalhin niya ito sa kanyang kubo at inalagaang mag-isa. May nakaburda pong pangalan sa lampin na nakasuot kay Buchay noon. Ang bukod tanging susi sa pagkakakilanlan niya. Baby Ethan Matthew Madrigal.... Napatakip si Mommy sa bibig at nanlalaki ang mga matang napatingin kay Daddy. Maging si Daddy ay mababakasan ng gulat sa isiniwalat ko. Diyos ko Cedric!! Si Em-Em ang inaanak natin.... Bu-Buhay pa ang panganay nila Naeya at Dwaine!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD