Ep. 5 Cathleen POV

952 Words
Nangilid ang mga luha kong kaagad nagsihulog sa aking mga mata pagkarinig sa boses ni Daddy. Dad.... Natahimik ito sa kabilang linya na parang nakikiramdam. Dad... it's me, Cathleen. Napahagulhol na ako at napatakip ng bibig. Sumisikip ang dibdib ko at gusto ko ng hilahin ang oras kung saan makakaharap at mayayakap ko na ang pamilya ko. Dad.... Napapahikbi na ako at naghalo-halo na ang sipon at luha ko! Cathleen... Nanginginig ang boses ni Daddy maya pa'y humagulhol na ito sa kabilang linya. Lalo akong napaiyak na marinig itong umaatungal ng parang bata. Daddy buhay po ako. Buhay pa po ako. Lalong lumakas ang pag-iyak nito! Naririnig ko na rin ang paghagulhol ni Mommy sa tabi nito at ng dalawang Kuya ko. Cathleen sweetie ikaw ba talaga 'yan? Humihikbing saad ni Mommy. Para na akong maaatake sa puso sa pagsisikip lalo ng dibdib ko. Tahimik lang naman ang lahat habang nakikinig at pinagmamasdan ako. Ang iba ay umiiyak na rin habang pinapanood akong may kausap sa aparato. Opo Mom, ako po 'to please puntahan niyo na ako dito. Takot na takot na po ako Mom Dad. Mis na mis ko na po kayo... Muli akong napahagulhol at halos natutuyo na ang lalamunan ko! Nanginginig ang buong katawan at pakiramdam ko'y sobrang pagod na pagod na ako at anumang oras ay bibigay na ang mga tuhod ko. Hintayin mo kami sweetie darating kami... Kukunin ka na namin, konting oras lang anak ko mayayakap ka na rin ni Mommy huh. Tumahan ka na parating na kami d'yan. Humihikbing saad ni Mommy na sinang-ayunan nila Daddy! Opo Mom Dad bilisan niyo po.. Matapos kong sabihin kung nasaan ako ay iniabot ko na kay Hepe ang cellphone nito. Para itong wala sa sariling tinanggap ang cellphone habang matiim na nakatitig sa'kin. Patawad po Ms Montereal hindi namin sinasadya! Nagulat ako sa biglaang pagluhod nito kasama ang mga kasamahan na parang sinasamba na ako sa paraan ng paghingi nila ng tawad! Maging ang mga taong kanina lang ay gusto na kaming dakpin ng buhay at parang kakatayin ay nagsiluhod sa kinatatayuan habang humihingi ng tawad. Nagpahid ako ng luha at ngumiti sa lahat. Ahm okay lang po. Tumayo na po kayo. Nag-aalalang nagsitinginan ang mga ito bago tumayo. Naupo ako at hinawakan si Buchay sa kamay na ngayo'y nakakuba pa rin sa lupa katabi ni Wuba. Tumayo ka na, okay na hindi nila tayo sasaktan. Ngumiti ako at marahang pinisil ang kamay nitong hawak ko. Hintayin natin ang pamilya ko. Kukunin na nila tayo pauwi sa bahay. Dahan-dahan din naman itong tumayo. Ngumiti ako at mahigpit na pinagsalinop ang aming mga daliri. Ilang sandali lang ay narinig na namin ang hugong ng chopper sa ere. Napatakip ako ng mga mata sa malakas na pag-ihip ng hangin habang bumababa na ang private chopper nila Mommy. Nangangatog ang mga tuhod at hinang-hina ang pakiramdam ko habang bumababa na ang pamilya ko lulan ng chopper. Lumuluha at tulala ang mga itong nakatitig sa akin na hindi kumukurap! Cathleen... Anak ko buhay ka nga!! Ang prinsesa ko! Ani Mommy at mabilis tumakbo palapit sa akin. Napahagulhol kami ni Mommy at niyakap ako ng napakahigpit! Nanghihina ang pakiramdam ko at parang nabunutan ng malaking batong nakadagan sa dibdib ko! Naghalo-halong emosyon ang nararamdaman ko lalo na ng yumakap na rin si Daddy Kuya Khiro at Khiranz sa amin ni Mommy na umiiyak. Pinaghahalikan din nila ako sa ulo habang nakasubsob sa dibdib ni Mommy. Para akong batang umaatungal habang nakasubsob sa Ina at takot na takot ng muling mawala! Ramdam ko ang comfort na nagmumula sa maiinit nilang yakap sa akin. Salamat anak ko at buhay ka. H'wag ka na ulit mawawala. Ikakamatay ko pag tuluyan kang mawala sa amin. Ani Daddy at madiin akong hinalikan sa noo. Mahigpit akong yumakap sa kanya na ginantihan din naman niya. Muli niya akong pinaghahalikan sa ulo habang sumisinghot ito. Halika nga dito pasaway na pusa ka! Umiiyak na biro ni Kuya Khiranz. Sanay na akong tinatawag niya kami ni Catrione ng pusa mula pagkabata. Ngayon ko lang siya nakitang umiiyak na may halo-halong emosyon ang bumabalot sa mga mata. Pero nangingibabaw ang tuwa sa mga iyon. Napalabi ako at sumukob na parang basang sisiw sa nakabuka nitong mga pakpak. Mahigpit itong yumakap at muling yumugyog ang mga balikat na kinasusobsoban ko! A-Akala namin patay ka na. Salamat naman at buhay ka pa. Napabitaw ako at napangangang humarap sa kanya. Napa-iwas ang mga mata nito sa akin na parang may kinukubling hindi ko dapat mabasa. Halika nga dito my little kitty! Tulala akong kinabig ni Kuya Khiro at mahigpit ding niyakap. Maging ito ay tinatawag din kaming pusa na impluwensya ni Kuya Khiranz. Kuya anong ibig niya'ng sabihin... Nanginginig ang boses kong tanong dito. Kumalas ito sa akin at ikinulong ang mukha ko sa mga palad nito. Masuyo itong humalik sa noo ko at pinakatitigan ako sa mata. Pinagluksa ka namin... ilang buwan na ang nakakalipas. Pero pinahanap ka namin sweetie, dalawang buwan nagpaikot ikot ang mga rescue team sa kinasadsadan ng yate mo. Kalauna'y sumuko na sila at ibinalitang marahil kinain ka na ng mga mababangis na hayop sa gubat. Nawalan na kami ng pag-asang buhay ka sa paglipas ng ilang buwan. Actually.... may ano.. ahm. Naging malikot ang mga mata nitong nagpalipat lipat ng tingin kina Mommy at Daddy na tila nagpapasaklolo. Napalingon ako kay Kuya Khiranz ng mahina itong natawa at napailing. Humaplos ito sa buhok ko at inayos ang mga nakatabing buhok sa mukha ko. May death certificate ka na sweetie. Napanganga ako at nanlambot ang mga tuhod kasabay ng pagsalo sa akin ni Kuya Khiro. Dinig ko ang panabay nilang pagsigaw sa pangalan ko bago dumilim ang umiikot kong paningin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD