Nanigas ang katawan ko sa narinig kay Mommy.
Napahagulhol itong niyakap ni Daddy na lumuluha na rin.
Gulong-gulo kaming tatlo nila Kuya na anak nila Tita Naeya si Buchay!
Parang paulit-ulit nag eecho sa utak ko ang katagang panganay nila Tita Naeya ang sanggol na napulot ni Tatay Amor sa rumaragasang ilog!
Nangangatal ang kalamnan ko! Para akong naiipit ng dalawang pader at pinagigitnaan ako.
Umikot ang mga mata ko sa kabuoan ng salang kinaroroonan namin ng pamilya ko at nakita si Buchay sa gilid ko. Nakayukyok ang ulo na nakasalampak sa lupa katabi ni Wuba na tila binabantayan ito.
Hindi ko batid kung natutulog na ito o nakikiramdam lang sa mga nangyayari sa paligid.
Napapitlag ako ng tinapik ako ni Kuya Khiranz sa balikat.
Sorry baby kitty.
Kaagad paumanhin nito. Pilit akong ngumiti at muling bumaling kina Mommy at Daddy.
Mom, anong ibig niyo'ng sabihin?
Paanong anak nila Tita Naeya si Buchay ko?
Buchay mo?!
Buchay mo?!
Napangiwi ako sa panabay na sigaw ng dalawang Kuya ko.
Ahehe ibig kong sabihin, si Buchay.
Tinaasan nila ako ng kilay na tila sinasabing may naaamoy silang malansa!
Ahm anak alam niyo naman ang pinagdaanan ng Tita at Tito Dwayne niyo 'di ba?
Ani Mommy. Lumingon din ito sa gawi ni Buchay at muling umagos ang mga luha.
Siya ang dahilan kaya muntik ng mabaliw ang Tita Naeya niyo dahil sa pagkawala nito noong sanggol pa lamang.
Nasa dalawampu't dalawang taon na ang nakakaraan.
Tatlong taon pa lang kayo noong inakala naming lahat na patay na si Em-em.
Pero sa higit dalawang dekadang nakalipas. Ni minsa'y hindi naniwala si Naeya na wala na ang anak.
Nararamdaman niya 'yon bilang Ina.
Bagay na naintindihan ko, sa mga panahong ikaw naman ang nawala sweetie.
Muli kaming naluha ni Mommy. Pinahid nito ang mga luha ko at pilit ngumiti.
Kahit sinasabi ng lahat na wala ka na. Wala ng pag-asang buhay ka pa.
Alam ko, nararamdaman ko 'yon dito.
Iginiya ni Mommy ang kamay ko sa tapat ng kanyang puso.
Sinasabi nito.
H'wag akong sumuko,
h'wag akong mawalan ng pag-asa.
Makikita ko pa ang anak ko.
Makakasama ko pa hanggang sa pagtanda ko ang Cathleen ko.
Mom....
Dahil anak kita.
Nararamdaman kita.
Alam kong lumalaban ka kaya't kailangan kong magpakatatag.
Walang gabing dumaan ang payapa akong nakatulog o hindi umiiyak sa kaiisip sa anak kong nawawala.
Kahit pa nu'ng araw na nahanap ang yate mo at halos nagkayupi-yupi ang harapan nito sa pagkakasadsad sa batuhan.
Hindi pa rin ako naniwalang wala ka na.
Sinasabi ng mga kaibigan kong masakit man pero kailangan kong tanggaping wala ma ang isa sa quadro ko. Pero hindi ako naniniwala. Umaasa pa rin ako sa kabila ng lahat.
Alam mo ba ang sinabi ng Tita Naeya mo?
Ngumiti itong nilingon si Buchay na nakasalampak pa rin sa gilid.
' Ikaw ang Ina.
At bilang Ina niya alam mo, ramdam mo sa puso mong....buhay pa ang anak mo.
Dahil ganyan rin ang nararamdaman ko.'
At tama nga siya anak.
Buhay pa ang anak niya. Kahit dalawang dekada na ang lumipas ay 'di siya sumuko. At ngayon maiuuwi na natin si Buchay, sa pamilya niya.
Sa piling ng Ina niya'ng naghihintay sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nagawa namin ni Naeya para sa biyayang ito pero....
Laking pasasalamat namin sa Maykapal na ibinalik kayo sa amin.... ng buo at buhay.
Salamat anak ko lumaban ka.
Salamat hindi mo iniwan ang Mommy.
Mahal na mahal kita prinsesa ko.
Kayong lahat ng mga kapatid mo.
Kayo ang bumuo ng buhay at puso ko.
Kayong mag-aama ko ang tunay na kayamanan ko.
Umiiyak kaming niyakap si Mommy ng sobrang higpit.
Pinaghahalikan din namin siya na ikinatawa niya.
Mga sipon niyo naman!
Natatawang singhal nito sa amin dahil naghalu-halo na nga ang aming uhog at luha sa kanyang mukha sa ginawad naming paghahalik sa mukha niya!
Pero Mom mailap si Buchay sa lahat.
Ako nga na higit isang buwan siya'ng araw-araw na kinaka-usap dalawang beses niya lang ako sinagot.
At sobrang tipid pa niya'ng magsalita.
Alam kong maiintindihan nila Naeya ang sitwasyon ng anak nila.
Nakaramdam ako ng ginhawa na hindi nila babawiin sa akin si Buchay.
Nangingiti akong liningon si Buchay na nakayuko pa rin.
Pero alam mo Mom?
Ang gwapo niya.
Tila wala sa sariling saad ko na ikinatawa nila Kuya. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ang nasabi ko.
Ramdam kong gumapang ang init sa mukha ko at ngayo'y pulangpula na itong parang kamatis!
Mariin akong napapikit at tila isang halamang makahiya na biglang tumiklop.
Ikaw talagang bata ka.
Puro ka kalokohan inosente pa 'yan baka naman mamaya pinag papantasyahan mo na ah.
Natatawang saad ni Mommy na ikinahagikhik ni Daddy kaya't sinamaan niya ito ng tingin at tinaasan ng kilay.
Kanino kaya nagmana ang anak mo baby? Mahilig maghabol at magpantasya sa mga inosenteng lalake.
Nangingiting tukso ni Daddy na ikinatawa na namin nila Kuya.
H'wag mo akong matukso-tukso ng ganyan Cedric! Alam ko namang ginusto mo rin ang lahat. Kita mo naman kung gaano ka kabaliw sa'kin hanggang ngayon.
Palabang tukso rin ni Mommy na ikinapula ni Daddy.
Napailing na lang kami sa bangayan nilang dinaig pa ang mga anak na bagong asawa!
Maingat akong bumaba ng katre at nilapitan si Buchay.
Tahimik lang naman akong pinapanood ng pamilya ko.
Kumawag ang buntot ni Wuba paglapit ko at dinilaan ako sa mukha na tila natutuwang nilapitan ko sila.
Buchay....
Mahina ko itong niyugyog sa balikat. Gumalaw ito at bahagyang itiningala ang mukha.
Umupo ako sa harap nito para mapantayan sa pagkakaupo.
Tara... Umuwi na tayo.
Sa tahanan ko.
Mahinahon kong pagyaya dito.
Hindi ito sumagot pero ikinatuwa kong kumawak ito sa kamay ko.
Ramdam kong natatakot ito at naiintindihan ko ito.
Inalalayan ko itong makatayo habang mahigpit ko ring hawak ang kamay nito.
Paglabas namin sa bahay na tinuluyan namin ay magalang kaming sinalubong ng mga nagkukumpulang tao na kanina lang ay gusto na kaming kataying buhay ni Buchay!
Nahihiya ang mga itong nagsiyukuan sa amin.
Napalingon ako kay Buchay na nagsumiksik sa tagiliran ko.
Yumuko pa ito dahil 'di hamak na mas matangkad siya sa'kin.
Humigpit din ang pagkakahawak nito sa kamay ko na pakiramdam ko'y namimilipit na!
Okay lang 'yan Buchay.
H'wag kang matakot kasama mo ako.
Umakbay ako dito at hinagod ang likuran sabay pasimpleng pinipisil ang mamasel niya'ng likod!
Lihim akong napapangiti sa kalandiang sumasagi na naman sa utak ko!
Natigilan ako at nanginig ng maalalang sa chopper nga pala kami sasakay!
Makakaya ko na ba?
Baka mahimatay na naman ako sa takot!
Pansin ko nitong mga nagdaang araw ay kusang nilulukob ako ng kakaibang takot sa mga matataas na lugar!
Pakiramdam ko'y bumabalik ako sa oras kung saan nakalambitin ako sa bangin!
Don't worry anak we're here.
Ani Daddy na tinapik ako sa balikat.
Napansin nila ang paninigas at pagkaputla ko sa harapan ng chopper kaya't kaagad nila akong dinaluhan.
Here, take this sweetie kitty.
May kinuha si Kuya Khiro na tableta sa loob ng chopper na iniabot sa akin.
Sleeping pills?
Tumango ito.
Para 'di mo mamalayan ang paglipad natin. Normal lang na magka phobia ka sa heights ngayon.
Napalingon ako kay Buchay na napakatahimik na nakasiksik pa rin sa aking tagiliran.
Kumawala ako dito at iniangat sa akin ang mukha.
Ngumiti ako at hinaplos ang ulo nito.
Uminom tayo nito hah?
Parang batang paanyaya ko. Nauna ko itong sinubuan ng isang tablet at pinainom sa plastic bottles.
Nahirapan pa akong painumin ito dahil hindi niya alam at 'di sanay uminom sa bottle.
Nangingiti kong pinunasan ang baba nitong natapunan ng tubig.
Kaagad din akong uminom ng isang tablet bago tinungga ang bottle na nainoman nito.
Namula ako ng mahinang napahagikhik sa tabi sina Kuya.
Huli na ng marealize kong pinatungga ko nga pala kay Buchay ang bottle kaya para na kaming naghalikan!
Napaubo ako na lalo nilang ikinatawa dahil nasamid ako!
Nangingiti namang hinagod ni Mommy ang likuran ko habang nakikipag-usap na si Daddy sa mga tao at sa mga pulis.
Marahil binibigay na niya ang pabuya ng mga ito sa pagtulong sa amin.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang epekto ng gamot.
Iginiya nila kami ni Buchay papasok ng chopper kasama si Wuba at kinabitan din kami ng seatbelt bago tuluyang namigat ang mga mata ko.
Napangiti ako ng sumandal si Buchay sa balikat ko habang hawak ang kamay ko na tila batang natatakot mawala.
Don't worry Buchay. Hindi kita pababayaan.