Umhh....
Napakagaan ng pakiramdam ko at parang nanggaling sa mahabang pagkakatulog!
Nagpagulong-gulong ako sa malambot at malawak kong kama at nangingiting nakapikit habang ninanamnam ang ginhawang hatid nito sa akin!
Welcome home Cathleen!!
Tila hibang kong bati sa sarili.
Cathleen?
Napapitlag ako at napaayos ng upo sa narinig na baritonong boses sa tabi ko.
Buchay?!
Kumibot ang labi nitong tila ngumiti pero saglit lang.
Natatabingan pa rin ang kalahati sa mukha nito ng mahaba niyang buhok kaya't 'di ko makita ang reaks'yon ng kanyang mga mata!
Anong ginagawa mo dito?
Napapilig ito ng ulo na tila may sinisilip sa tainga ko kaya't napasunod akong napapilig din ng ulo kagaya nito!
Maya pa'y dumamba din si Wuba dito sa kama ko at pinagdidilahan ako sa mukha!
Tatawa-tawa akong sinasangga ang mukha nitong hinihilamusan na ang buong mukha ko ng magaspang mabaha at basang-basa nitong dila!
Buchay tulungan mo ako!
Napatili ako ng mapahiga na ako sa kama at pumaibabaw si Wuba sa akin na patuloy sa pagdila sa buong mukha ko!
Buchay!
Napalingon ako kay Buchay at tila may tumapat sa kanyang spot light na nagpaliwanag sa kinauupuan nito! Napatulala ako sa kanyang pagkakangiti habang nakamasid sa amin ni Wuba.
Nang mapansin nitong nakatitig na ako sa kanya ay kaagad napalis ang matamis nitong pagkakangiti.
Niyakap ko na si Wuba at sumandal sa headboard ng kama.
Marunong ka pa lang ngumiti!
Namamanghang baling ko dito na kaagad niya'ng inilingan.
Sumimangot na rin ang kanina'y nakangiting mga labi nito.
Ngumiti ka eh! Nakita ko.
Patingin nga ulit!
Pangungulit ko at pinakawalan na si Wuba na nagtungo sa paanan ng kama.
Tila may sariling isip itong tumabi muna para maka-moment ko ang amo!
Nakaharap ito sa amin habang prente ng nakahiga na tila kumportableng- kumportable sa kama ko.
Sa bagong tahanan nito!
Kumakawag ang mabalahibo at puting-puti nitong buntot na tila natutuwa habang pinapanood kami ni Buchay na magkatabi sa harap nito!
Ngumiti ka na!
Pangungulit kong muli kay Buchay at iniyakap ang mga braso sa tagiliran nito.
Umiling lang ito at nanatiling nakaupo habang ako'y parang sinisilaban sa pwet na 'di mapakali at pinagyuyogyog ito!
Sige na ngiti na.... gan'to oh.
Ngumiti ako ng malapad dito at pilit sinisilip ang mga mata nitong nagkukubli sa malago nitong buhok!
Mas nilakihan ko pa ang pagkakangiti na halos ikapunit na ng mga labi ko pero naka-poker face pa rin ito.
Ngumuso ako at pinalungkot ang mukha.
Ang damot! Ngiti lang eh!
Nang maalala kong nakayakap nga pala ako sa tagiliran nito ay may sumilay na kapilyahan sa utak ko!
Niyakap ko ito ng mahigpit at kiniliti sa tagiliran!
Napapitlag ito at pilit binabaklas ang mga kamay kong kumikiliti sa kanya pero mahigpit ko itong niyakap!
Tatawa-tawa ko itong patuloy na kinikiliti hanggang nawalan kami ng balanse at nahulog sa sahig dahil sa kapupumiglas nito!
Ngumiti ka na kasi!
Ngiti lang!
Patuloy ko itong kiniliti habang nakasakay ako sa ibabaw nito na nakayakap at nakasubsob sa malapad niyang dibdib!
Tila natulis ako ng sa wakas ay napahalakhak ko ito!
Na-freeze ang kamay kong nangingiliti dito at natulala sa ganda ng pagkakatawa niya!
Tila tawa ng mga leading man sa napapanood kong mga Greek God fantasy series sa netflix ang tunog ng pagtawa nito!
'Di ako nakahulma ng bigla nitong pinagpalit ang posisyon namin at sa ibabaw ko naupo!
Hindi naman ito nagpabigat habang nasa tagiliran ko ang pagkabilaang binti nito!
Hinuli niya ang dalawang kamay ko at inipit sa ulunan ko gamit lang ang isang kamay!
Namilog ang mga mata ko ng ngumisi ito at nahimigan ang binabalak!
Buchay!!
Hahaha!
Sandali!
Nagpupumiglas akong napapahalakhak sa ilalim nito dahil ako naman ang kiniliti nito habang nandito kami sa sahig!
Patuloy ito sa pagkiliti sa tagiliran ko habang nakataas sa ulunan ko ang dalawang kamay ko kaya't malaya ako nitong kinikiliti!
Hinihingal na ako pero nakapaibabaw pa rin ito sa akin ng nakangiti na tila tuwang-tuwa sa paghalakhak ko at pagpupumiglas!
Para na akong kitikiti na nabudburan ng asin na 'di makapirmi!
Buchay!
Tama na!
Napapasinghap na ako. Para akong pinatakbo ng ilang milya sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko pero heto at patuloy pa rin ito sa ginagawang pagkiliti!
Nasa ganoo'ng posisyon kami ng biglang bumukas ang pinto.
Pareho kaming natigilan at napalingon doon ng marinig ang mga tinig nila Mommy.
Nagulat pa ang mga ito sa nadatnang posisyon namin dahil nakasakay pa rin si Buchay sa bandang puson ko habang hawak ang mga kamay ko sa ulunan ko.
Natulos ako at nanigas ng mapatingin sa mga katabi ni Mommy at Daddy na parehong umiiyak habang takip ang kamay sa bibig at taimtim na nakatitig kay Buchay.
Tita Naeya.
Tito Dwaine.
Bulalas ko. Napalingon sa akin si Buchay na napapapilig ang ulo. Pilit akong ngumiti at iginiya itong bumangon na kami.
Tumayo ito at inalalayan pa ako.
Sumuksok ito sa tagiliran kong tila natatakot na bata ng lumapit pa sila Tita at Tito sa amin ng nangangatog ang mga tuhod!
Buchay okay lang 'yan. Hindi ka nila sasaktan.
Pag-aalo ko at hinaplos haplos ang ulo nitong nasa kilikili ko na!
Humigpit din ang pagkakayakap nito sa baywang kong tila natatakot sa mga kaharap namin!
Kinalas ko ang mga braso nito sa baywang ko at itinuwid sa pagkakayuko.
Humarap ako dito at inayos ang buhok nitong lalong bumuhaghag at sabog sabog!
Ngumiti ako ng hinayaan lang ako nito kaya't sinamantala ko ng ipusod ang buhok nitong mahaba gamit ang ponytail ko sa kamay.
Lumawak ang pagkakangiti ko ng muli kong nasilayan ang gwapo nitong mukha! Ang kulay asul na ngungusap niya'ng mga mata! At ang matangos nitong ilong!
Lalong napahagulhol si Tita Naeya ng masilayan din nila ang mukha ni Buchay sa pagkakapusod ko sa mahabang buhok nito!
D-Dwaine.... A-Ang anak natin!
Humahagulhol nitong saad sa asawa. Parang pinipiga ang puso ko sa basag na boses nitong magkahalong lungkot awa at saya ang tono!
Pokerface lang naman si Buchay pero mahigpit ang pagkakahawak sa damit ko sa aking baywang.
Hinaplos ko ito sa pisngi at pinakatitigan ang mga mata nito.
Ngumiti ako at humalik sa noo nito!
Lihim akong napangiti ng hindi ito umangal kaya't kilig na kilig ako pero 'di ko p'wedeng ipahalata.
Makukurot ako ni Mommy sa singit!
Ang sakit pa naman niya'ng mangurot at sa singit talaga!
Sa edad naming bentesingko ay nakukurot pa rin kami nito ni Catrione at Zacharie sa singit!
Okay lang 'yan Buchay.
Nandito ako hmm.
Tila nalulusaw na icecream ang puso ko ng tumitig ito sa mga mata ko.
Namilog ang mga mata ko at halos lumundag na palabas sa ribcage ang puso ko ng ginaya nito ang ginawa kong panghalik sa kanyang noo!
Oh my gosh!!!
Next time ma try nga sa mga labi mo naman!!