Ep. 9 Cathleen POV

1927 Words
Tumulo ang mga luha ko habang kaharap namin sina Mommy, Daddy Tito Dwaine at Tita Naeya dito sa sala ng silid ko habang pinagigitnaan ako ni Wuba at Buchay. Tahimik na umiiyak sina Tita Naeya habang taimtim na pinakatititigan ang anak. Bakas ang matinding pananabik sa kanilang mga mata na yakapin ang anak nila pero hindi nila magawa dahil natatakot si Buchay na mahawakan nila! Nakayakap lang ito sa akin at ikinukubli ang mukha sa mga kaharap namin. Panaka-naka akong napapaiktad sa tuwing napapasiksik ito sa tagiliran ko at nabubunggo ng mukha nito ang mayaman kong hinaharap! Pigil ang sarili kong h'wag mapaungol dahil paniguradong masasabunutan ako ni Mommy! Nakakahiya! Buti sana kung kaming dalawa lang ni Buchay ang nandito para malayang makaalpas ang mga ungol kong mahigpit kong tinututulang h'wag kumawala sa aking mga labi! Mariin akong napapakagat ng labi sa tuwing napipisil ni Buchay ang baywang ko na naghahatid ng kakaibang init sa katawan ko! Alam ko namang inosente ito sa mga bagay na nararamdaman ko pero Damn! Hindi ako inosente! Natatakam ako sa mga yakap nitong kay sarap namnamin! Hindi ko tuloy mapigilan ang mga kamay kong tila may sariling isip na pumipisil sa mamasel nitong mga braso! Pumipilantik ang mga daliri ko para itago ang namumuong sarap na nararamdaman ko sa hatid ng mainit na katawan nito. Aheem!! Napapitlag ako at tila biglang nagising ang natatangay kong diwa sa mga ulap sa tikhim ni Mommy na may kasamang paniningkit ng mga mata at pagtaas ng mga kilay! Paktak! Nakahalata na ang Inang pusa! Buchay 'nemen kese'! Ang sarap magpatangay sa mga haplos mong nakakatupok sa 'marufok' kong puso! Aheemm! Napatuwid ako ng upo dahil wala sa sariling napatikhim din ako at napahagod sa lalamunang natutuyo! Napataas lalo ang mga kilay ni Mommy na tila nagbabantang umayos ako! Kung hindi ay malalagot ako dito! Napatabingi ang ngiti ko dahil sa mga titig ni Mommy na nakakapag patino sa tila lumilipad kong utak!! Marami kang sasabihin. Hindi ba? Cathleen? Sweetie? Kinilabutan ako sa madidiing sinaad ni Mommy. Nagngitngit pa ang mga ngipin nito habang pinaniningkitan ako! Ahm... Tita, Tito. Bumaling ang paningin nila sa akin na nangungusap ang mga luhaang mata. Pilit akong ngumiti at marahang hinaplos sa ulo si Buchay. Tumingala ito kaya't nginitian ko at pinaayos ng upo. Iginiya ko itong sumandal sa kinauupuan naming couch kaharap ang mga magulang namin. Hinawakan ko ang napakuyom nitong mga kamay at pinisil ang palad nito. Nakakatupok ang taimtim na pagtitig ng mga mata nitong tila nanunuot hanggang garter ng panties kong anumang oras ay kusang maglaglag para dito! 'Di ba ako meron akong Mommy at Daddy? Mahinahon kong tanong dito na ikinapilig ng ulo. Ngumiti ako at hinaplos ito sa pisngi. Bakas ang kaguluhan sa gwapong mukha nitong tila hindi nakuha ang sinaad ko. 'Di ba? Maraming hayop sa gubat? At may mga Mommy ang mga 'yon? Mommy 'yong mga nagsisilang sa kanila. 'Yun ang Mommy nila. Paliwanag ko. Nangunot ang noo nito at lalong napapilig ng ulo! Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Gan'to Buchay. Ako, kaya ako ipinanganak dahil ginawa ako ng Mommy at Daddy ko. Kung wala ang Mommy at Daddy ko, hindi ako mabubuo. Kuha mo? Tumango ito kaya't nakahinga ako ng maluwag. Napabuga ako ng hangin. Ang hirap pa lang maging guro na magturo o magpaliwanag sa mga estudyante mong walang alam! Ikaw meron ka din Mommy at Daddy kaya ka nabuo. Kaya ka ipinanganak. At nandito sila ngayon. Muli itong napapilig ng ulo. Tila ako ang nangangawit sa tuwing napapapilig ito ng ulo. Gusto mo ba silang makilala? Napanganga ako ng umiling- iling ito. Napahikbi si Tita Naeya kaya't napalingon ako sa gawi nila. Niyakap ito ni Tito Dwaine na tahimik ding umiiyak habang pinagmamasdan ang anak. Ngayon ko lang napansing kamukhang- kamukha ni Tito si Buchay! Para silang pinagbiyak na bunga at mapagkakamalhang magkapatid! Kaya naman pala naniwala agad sina Tita na anak nila si Buchay dahil marahil kuhang kuha nito ang mukha ni Tito noong kaedaran niya ito! Chuckks! Kung gano'n napaka-gwapo pala ni Tito Dwaine noon! Kung sabagay kita pa rin naman hanggang ngayon. Napakatikas at gwapo niya pa rin kahit nasa 40's na siya maging si Daddy! Ahm, Tito Tita. Bigyan pa po natin si Buchay ng konting panahon. Mahirap po sa kanya ang magtiwala dahil lumaki siya'ng walang ibang taong nakakausap o nakakasalamuha. Kahit mayakap ko lang siya hija.... Tila kinukurot ang puso ko sa pakiusap ni Tita Naeya. Samantalang ako ay halos ayaw ng bitawan ni Buchay. Pakiramdam ko'y nagiging makasarili na naman ako. Mapait akong napangiti at muling bumaling kay Buchay. Ah, Buchay gusto ka sana nilang yakapin. H'wag kang matakot katabi mo naman ako. Hindi ka nila sasaktan. Gusto ka lang nilang mayakap. P'wede ba? Alanganin kong pakiusap dito. Ngumiti ako at inayos ang ilang hibla ng buhok nitong tumabing sa kanyang mga mata. P'wede ba? Yakap? Parang nagliwanag ang paligid namin ng sa wakas nagsalita ito. Maging sila Tita Tito Mommy at Daddy ay napatayo at natutulalang napatitig dito. Umh umh... Tumango-tango ako. Yakap. Ganito. Ani ko at niyakap ito. Napakagat ako ng labi ng yumakap din ito sa akin na ikinadiwang ng puso ko! Aheemm! Napabitaw ako kay Buchay sa tikhim ni Mommy dahil napatagal ang yakapan session na tinuturo ko dito. Gano'n ang yakap. At gusto ka nilang yakapin. Tuloy ko at hinarap sila Tita. Nagtataka itong tumingin sa mga kaharap naming patuloy pa rin sa pagtangis. P'wede ba? Gusto din nila ng yakap mo? Muling tanong ko. Umiling ito at yumakap na sa tagiliran ko. Napahagulhol si Tita Naeya na ikinatulo na rin ng mga luha ko. Dwaine gusto kong mayakap ang anak natin. Humahagulhol nitong pakiusap sa asawang kayakap. Ako din naman baby. Gustung-gusto ko ng mayakap ang anak natin. Pero nakikita mo naman kung gaano siya katakot. Tama si Cathleen baby. Nahihirapan ding mag-adjust ang anak natin. Bigyan pa natin siya ng konting panahon. Ang mahalaga ngayon ay alam na nating buhay siya, ligtas at nakikita na natin siya. Pag-aalo ni Tito Dwaine na sinang-ayunan nila Mommy at Daddy. Ahm Tita h'wag po kayong mag-alala hindi ko naman siya pababayaan. Napansin kong mas komportable siya'ng kumilos kapag kaming dalawa lang. Makakabuti po siguro kung lumipat muna kami ng condo ko. Mas madali ko siya'ng maturuan kung hindi siya distracted sa mga nasa paligid. Tumango- tango ang mga ito pero bakas pa rin sa mga mata nila ang lungkot. Kung 'yon ang sa tingin mo'y mas makakatulong sa kanya hija. Sige, pumapayag kami. Pagsang-ayon ni Tito Dwaine na ikinapalakpak ko! Ahehe.... Napangiwi ako at nahihiyang napaiwas ng tingin sa mga ito. Cathleen huh, tiwala akong walang kalokohang matututunan si Buchay sayo. Maliwanag ba? May kadiinang saad ni Mommy na ikinatabinge ng mukha ko. Tila nagpapaalala itong umayos ako kahit maayos naman ako. Opo. H'wag na po kayong mag-alala Tita. I'll update you every hour po. Malaya niyo din naman siya'ng madalaw sa condo. Pero sa ngayon, hayaan at bigyan niyo muna siya ng oras maunawaan ang salitang Mama at Papa. Napagkasunduan naming lilipat kami ni Buchay sa condo ko. Para na rin maging komportable ito. Nagtagal pa sila Tito at Tita Naeya sa kwarto ko. Hanggang sa nagpadala na si Mommy ng pagkain sa silid para mag-agahan kami. Nangunot ang noo ni Buchay habang pinagmamasdan ang mga pagkaing inilalapag nila Mommy sa mesang kaharap namin. Ginawan ko ito ng sandwich at nakangiting iniabot dito. Alanganin nitong tinanggap ang bigay ko at sininghot -singhot bawat sulok niyo'n. Tila nagustuhan nito ang amoy at nanlalaki ang mga matang tumingin sa'kin! Ngumiti ako at iginiya itong kainin niya ito. Kumikislap ang mga mata nitong mabilis na kinagatan ang sandwich kaya't kumalat ang mayonnaise sa bibig nito. Lalong namilog ang mga mata nitong tuwang-tuwa na muling kumagat at mabilis nginunguya! Para itong nakasalang sa contest na pabilisang ubusin ang sandwich sa bilis nitong inubos ang gawa ko. Gusto mo pa? Nangingiti kong tanong. Maging ang mga magulang namin ay nakangiting tahimik na pinapanood kami ni Buchay. Nangingislap ang mga mata nitong tumango kaya't muli kong ginawan. Napapanganga pa ito at takam na takam habang ginagawa ko sa harap nito ang pagpalaman sa loafbread. Pagkaabot ko nito ay mabilis pa sa alaskwatrong tinanggap iyon! Mariin itong napapikit habang ninanamnam ang lasa sa bibig. Bakas sa mukha nitong nasasarapan ito! Namula ang pisngi ko ng sumagi sa utak ko kung ganito din kaya ang itsura nito pag nasasarapan sa ibang bagay? Napahagikhik ako na ikinataas ng kilay ni Mommy. Pigil ang ngiting nagiwas ako ng tingin sa kanya dahil masyadong magaling bumasa ng utak si Mommy. Alam na alam nito ang mga tumatakbo sa utak namin lalo na pagdating sa mga kalokohan! Muli akong bumaling kay Buchay na ngayo'y napakadugis na sa mukha! Nagkalat ang mga mayo bacon at cheese sa gilid ng bibig nito na daig pa ang batang katatapos lang kumain! Inabot ko ang isang buong caramel cake at kinuhaan ito. Tila lalo itong nasabik kaya't pagkaabot ko ng cake dito ay napanganga na lang kami ng kamayin niya ito! Napailing na lang ako ng mabilis niya'ng inubos ang inislice ko at inabot ang cake sa mesang kaharap at kinamay na nito sa box niyo'n at sarap na sarap na nilamutak! Kumalat lalo ang cake at icing sa bibig nito na umabot sa pisngi at ilong nito! Natatawa namang pinapanood nila Mommy ito habang masiglang kumakain at tila may kaagaw! Inabot ko ang tissue paper at marahang pinunasan ang mukha nito habang abala pa rin sa pagkamay sa cake at mabilis sinusubo! Napalingon ito sa ibang pagkain bago tumingin sa akin na tila nakiki-usap. Napangiti akong tinanguhan ito kaya't inabot din niya ang mga iyon! Namamangha nitong inamoy-amoy ang carbonara bago sumubo. Lalo yata itong nagugutom habang nilalamutak na ang dapat sana'y agahan namin! Tuwang-tuwa itong pinagkakain ang mga 'yon at sarap na sarap! Napapilig ito ng ulo nang mapatingin sa pineapple juice na naka pitsel! Iyon na lang kasi ang natira niya sa dami ng dinala ng mga katulong na pagkain sa kwarto ko! Napalunok at dahan-dahang nitong inabot iyon. Tila ingat na ingat na baka tumakbo 'yon palayo sa kanya! Inalalayan ko ito sa paghawak at walang pasabing itinungga ang pitsel! Nabasa pa ang damit nitong sa tingin ko'y damit ni Kuya Khiro! Napanganga na lang kami ng maubos niya ang lahat ng pagkain sa mesa at kalauna'y napa dighay! Nagkalat din sa carpet ang mga pagkaing nangahulog sa pagkukumahog nitong ubusin ang mga nakahain sa harap! Kumusta? Nabusog ka ba? Nagustuhan mo? Nakangiting tanong ko na sinuklian nito ng matamis na ngiti at tumango. Napangiti na rin sina Tita habang pinagmamasdan ang anak na ngayo'y mas umaliwalas na ang mukha. Nangingiti kong pinahid ng aking hinlalaki ang gilid ng pang-ibabang labi nito at nawala sa isip kong kaharap ang mga magulang namin. Kusang umangat ang daliri ko at naisubo ang hinlalaki! Nanigas ako at parang nabuhusan ng malamig na tubig ng mapa-ubo si Daddy. Nag-init ang mukha ko at nahihiyang lingunin ang kinaroroonan nila. Taimtim lang naman si Buchay na nakatitig sa akin. Maya pa'y ginaya rin nito ang ginawa ko na ikinamilog ng mga mata ko! Pinahid din nito ang ibabang labi ko gamit ang hinlalaki bago isinubo! Sunod-sunod na napaubo ang mga magulang namin na lalong ikinainit ng aking mukha! Napasubsob ako kay Buchay pero mas lalo lang akong nakaramdam ng hiya dahil sa kandungan niya ako napasubsob at ngayo'y kaharap ko na ang alaga nitong natatabingan lang ng kapirasong tela ng sweatpants nito! Urghh! Ang t*nga mo talaga Cathleen!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD