Nanginig ako sa takot sa sinaad ni Tatay Amor.
Nagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa akin na siya'ng tumutunaw sa puso ko.
Wala sa sariling napaluha ako at tumango tango na nagpasilay ng munting ngiti nito.
Itinuro niya sa akin ang lumang kahon na gawa sa matibay na kahoy sa gilid nitong silid.
Tinungo ko ito at binuksan ang takip. Mga damit lang naman ang nandito pero naagaw ang atens'yon ko sa isang pares ng damit pangsangol na maayos ang pagkakatupi sa ibabaw!
Nangangatal ang mga kamay kong dinampot ito at bumundol ang kakaibang kaba sa aking puso.
Parang nahihimigan ko na ang ibig ipahiwatig ni Tatay.
Hindi niya tunay na apo si Buchay!!
Nangangatog ang mga tuhod kong dinala ang mga 'yon kay Tatay Amor na ngayo'y lumuluha na at bakas ang sobrang lungkot sa kanyang mga mata.
Tay.... A-Ano pong ibig sabihin nito?
Mahina at kabadong tanong ko.
Para akong tinakasan ng ulirat ng kumpirmahin nito ang nasa isip ko.
Ineng, hindi ko tunay na apo si Buchay.
Hinawakan nito ang damit at nilugay ang pagkakatupi nito. Isang baby clothes set ito at may lamping kasama.
Kita sa uri ng tela nito na hindi lang ordinaryong damit pang bata ang mga ito kundi gawa ng mga sikat na branded clothing's ng ibang bansa!
Makinig ka at isasalaysay ko ang mga nangyari. Kung paanong naging apo ko si Ethan Matthew na ngayo'y si Buchay ko na.
Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas....
Nasa gubat ako at nangangaso ng biglang sumama ang maaliwalas na kalangitan.
Nagmamadali ako noong lumabas ng gubat para makatawid pa ako sa ilog.
Habang papalusong ako sa nagraragasang tubig naagaw ang atens'yon ko ang iyak ng isang sanggol sa 'di kalayuan!
Parang naging superhero ang alaga kong si Chuba at kalong nito sa gilid ang umiiyak na sanggol at basang basa habang nasa gilid sila ng batuhan.
Kagat kagat ng alaga kong lobo at nakayapos ang dalawang paa nito ang katawan ng sanggol para hindi ito matangay ng rumaragasang tubig!
Dali-dali akong lumapit at maingat na kinuha ang sanggol sa alaga ko. Siya namang pagkadulas nito at natangay ng rumaragasang tubig.
Namatay ang alaga kong lobo na ina ni Wuba, pero napalitan naman ito ng isang supling. Si baby Ethan.
Iniuwi ko siya dito sa kubo at buong pagmamahal ko itong inalagaan. Nagkasakit pa ito noon dala ng pagkakabasa sa ulan pero kalauna'y gumaling din.
Tanging gatas ng aking kalabaw ang naipapainom ko sa kanya sa tuwing nagugutom ito.
Mabilis lumipas ang panahon at napalaki ko ito ng malusog at maayos.
Palagi ko rin ito noon dinadala sa bayan para maipatingin sa klinika at mabigyan ng mga bitamina.
Hanggang sa naaksidente ako sa pangangahoy at napuruhan ang balakang ko. Hindi ko na noon naibaba si Ethan ng bayan kaya dito na siya lumaki at dito na rin ang nakasanayan.
Sa paglipas ng panahon naging si Buchay ko na ito. Itinuring ko siya'ng sarili kong kadugo. Hindi ko napag aral ito sa kalayuan nitong kubo pero naturuan ko itong magbilang, dahil hanggang du'n lang ang kaya kong ituro.
Kung kaya't walang kamuwang-muwang si Buchay sa kaugalian ng mga tao.
Nakikiusap ako.
Tulungan mo si Buchay ineng....
Nangilid ang mga luha nito at mahigpit akong hinawakan sa kamay. Nangungusap ang mga mata nitong nababalot ng luha.
Kahit ano gagawin ko matulungan lang siya Tay....
Pilit itong ngumiti at tinanguhan ako.
Nakaburda sa lampin ang totoong pangalan ni Buchay ineng...
Ethan Matthew Madrigal....kay gwapong pangalan.
Napangiti na ako nang sumagi sa isip ko buong mukha ni Buchay. Mukha nga'ng galing siya sa may kayang angkan. Sa uri pa lang ng mga damit nitong naitago ni Tatay ay masasabi ko nang hindi ito basta bastang anak mayaman.
Hanapin mo ang totoong pamilya ni Buchay ineng. Kung hindi mo man mahanap, pwede bang ikaw na lang ang mag alaga sa apo ko.
Mahal na mahal ko si Buchay at hindi ako matatahimik kung alam kong maiiwan ko itong mag isa dito sa kagubatan.
Nakikiusap nitong saad na kaagad kong tinanguhan.
Ginagap ko ang kamay nito at pinahid ang mga luha.
Ligtas si Buchay sa mga kamay ko Tay, h'wag na po kayong mag alala. Hindi ko po siya pababayaan. Nangangako po ako.
Kasabay ng pagngiti nito ang dahan dahang pagpikit ng kanyang mga mata.
Napayuko ako at hinayaang kumawala ang mga hikbing pinipigilan ko.
Ilang sandali din ako sa gano'ng posisyon ng may tumapik sa balikat ko.
Naupo ito sa tabi ko at inayos ang kumot ni Tatay Amor.
Hindi ko makita kung umiiyak din ba ito pero ramdam ko ang lungkot sa aura nito.
Magkatulong kami ni Buchay na inilibing si Tatay sa likod ng kubo. Tanging kumot lang din ang pinangbalot namin sa buong katawan nito.
Napakatahimik lalo ni Buchay na ultimo paghinga nito ay 'di ko marinig.
H'wag po kayong mag-alala Tay, hindi ko po pababayaan ang apo niyo. Hahanapin at ibabalik ko siya sa tunay niya'ng pamilya. Pangako po.
Pagkausap ko sa libingan ni Tatay Amor.
Nagpahid ako ng luha at lakas loob hinawakan ang malaki at magaspang nitong kamay.
Ngumiti ako dito kahit hindi ko batid kung nakatitig ba sa akin o hindi.
H'wag kang mag-alala, hindi kita pababayaan sa syudad. Ako mismo ang mag aalaga sayo, sainyo ni Wuba. Magtiwala ka sa'kin okay Ethan Matthew Madrigal....
Magkahawak kamay kami ni Buchay na sinuong ang malawak na kagubatan.
Makailang beses din akong muntikang nadudulas at napapatid kung hindi lang ito mabilis umalalay baka pilay na akong makalabas ng gubat!
Alam kong wala pang muwang si Buchay lalo na sa makamundong bagay bagay pero sh*t!
'Di ko mapigilang kiligin sa mahigpit niyang pagkakahawak sa kamay ko at kung minsa'y inaalalayan ako nitosa baywang pag matirik ang dadaanan.
Ngayon pa lang ay excited na akong alagaan at masolo ito!
Parang nakikinita ko na ang mga mangyayari pag naiuwi ko na ito!
Pero biglang nalusaw ang ngiti at kilig na nararamdaman ko ng maalala ang sitwasyon nito.
Napalunok ako at napatampal sa noo.
Oh God, alam kong hindi biro ang susuongin ko pero sana i-guide niyo ako sa tamang landas. H'wag niyo kaming pabayaan ni Buchay.At sana'y mahanap ko pa ang tunay nitong pamilya.
Taimtim akong napadasal. Mariin akong napapikit kaya't napatid akong muli at sumubsob sa malapad na likuran ng kaharap ko.
Pumihit ito at ramdam ko ang taimtim nitong pagtitig na nanunuot sa mga buto ko!
Walang sabi sabing naupo ito patalikod sa'kin.
Sakay.
Para akong kiniliti sa baritonong boses nito.
Huh?
Napakurap kurap ako at nang makuha ang ibig sabihin nito'y parang lumukso bigla ang puso ko sa sobrang tuwa.
Naiisip ko pa lang ang paglapat muli ng maskulado nitong pangangatawan sa marupok kong katawan ay nag iinit na ako!
Mayayakap ka siya?
Libre tsansing?
Libre himas?
Libre-
Sasakay ka ba o iwan na kita?
Natigil ang paglalakbay ng maligalig kong isip sa boses nitong may halong pagkairita.
Eto na!
Napasobra ang excitement kong dumamba sa malapad nitong likod at muntik pa itong mapasubsob sa lupa.
Chuckssss bet ko 'to!
Tili ng utak ko at pasimpleng iniyakap ang mga braso sa balikat nito at itinukod ko ang baba sa balikat niya!
OMG piggy back inside the forest with this Greek innocent God of mine!!!