Ep. 4. Cathleen POV

1148 Words
Magdidilim na nang makalabas kami sa gubat. 'Di ko mapilan ang sariling kiligin dahil buong maghapon akong pinasan ni Buchay sa likuran nito na parang isa lang akong magaang papel sa kanya. Napakalakas niya at talaga namang kabisado nito ang pasikot sikot ng kagubatan kaya't hindi kami naligaw sa lawak nito. Naluluha ako sa sobrang saya ng matanaw na namin ang mga ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan! Ahm Buchay ibaba mo na ako baka kasi pagod ka na. Wow huh? Ngayon mo lang naisip 'yan? Maghapon kang naglalambitin sa likod niya'ng parang tarsier may papisil pisil ka pa sa mga muscles niya ngayon mo lang naisip na baka pagod na siya? Napangiwi ako sa kastigo ng isip ko. Maingat ako nitong ibinaba at magkahawak kamay na lumapit sa unang bahay na nabungaran namin. Halos lumukso ang puso ko sa sobrang tuwa na makakauwi na ako! Magandang gabi po. Napalingon ang may katandaang ale sa pagbati ko. Gulat at takot ang lumarawan sa mukha nitong nagpalipat lipat ng tingin sa amin ni Buchay at sa lobong katabi nito. Ahm h'wag po kayong matakot hindi kami masamang tao. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis na halos ikapunit nang mga labi ko! Alanganin itong ngumiti at nagpalinga linga pa sa paligid na animo'may ibang nakikitang hindi ko nakikita. Bigla akong kinilabutan at nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ng magsi alulong ang mga aso sa kabahayan sa pangunguna ni Wuba! Nangatog ang mga tuhod kong dahan-dahang lumingon sa likuran ko at halos mapatalon ako sa gulat ng makitang nakakuba si Buchay sa lupa katabi ni Wuba. Nakatalikod sila sa isa't isa habang iniikutan ng mga aso sa gitna nang kalsada! Mahabaging Maria! Totoo pala ang balibalitang may taong lobo sa kalagitnaan ng gubat! Nanlaki ang mga mata ko sa tarantang bulalas ng ale! Nako hindi po! H'wag po kayong matakot hindi po kami masama! Akmang hahawakan ko ito sa kamay pero napaatras ito at namumutla habang nakatitig sa likuran kong animo'y may tumutubong mga kung anong kababalaghan doon. I-Ikaw.... ikaw ba ang diwatang nangangalaga sa lobo? Nanginginig at nauutal nitong saad. Parang humahaba ang mga tainga ko sa kaisipang iniisip niya'ng diwata ako! Chucks ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Matamis akong ngumiti na lalong ikinaputla nito. Nanlaki ang mga mata kong napasunod ng tingin sa paanan nitong may umaagos ng tubig! Nanginginig ang katawan nitong halos wala ng kakulay kulay ang mukha sa sobrang putla! Ale!! Napasigaw na ako nang matumba ito at nawalan ng malay! Lalong nagkagulo ng lumabas ang isang may katandaang lalake at may hawak na malaking itak! Lorna!! Lorna! Pasigaw nito at kaagad dinaluhan ang aleng nakahandusay sa lupa! Natigilan ito nang muling umatungal ang mga aso at si Wuba maging si...Buchay? Nanlaki ang mga mata kong umaatungal din si Buchay ng katulad sa pag atungal ni Wuba! Nagsilabasan ang mga tao sa kanikanilang bahay at may bahid ng takot at pagkagimbal sa mga mukha habang palipat lipat ng tingin kina Buchay at sa akin. Napaatras ako ng tumayo ang matanda at hinawakang mahigpit ang itak nito! Mga kasama lumabas na ang taong lobo at ang diwatang tagapangalaga!! Namilog ang mga mata ko sa isinigaw nito sa mga kasama. Napailing iling ako at halos maluha na sa takot! H-Hindi nagkakamali po kayo. Mga tao po kami... Nauutal kong saad na lalong ikinagalit nito. H'wag ka nang magpanggap! Kahit ikaw pa ang diwata ng kagubatan ay hindi kami matatakot dakpin kayo ng mga alagad mo! Lalo akong napaatras ng nagsilapitan na ang mga tao. Para namang nakiki-ayon sa kanila ang kalangitan at sumilay ang bilog na bilog na buwan kaya't lalong nagliwanag ang paligid! Kasabay nito ang muling pag atungal ni Wuba at Buchay! Napaatras ang mga ito na tila natatakot sa amin. Maya pa'y may isang lalaking may malaki ang pangangatawan ang lumapit. Napakasiga ng paglakad nito na animo'y may nakaipit sa mga kilikili kaya hindi nito maipit! Tang ipaubaya niyo na sa akin ang diwata! Nakangising asong saad nito. Napatili at napapikit ako ng akmang dadambahin ako nito! Nagsigawan ang mga tao sa takot kaya't napamulat ako at nakita si Buchay na parang mabangis na hayop habang nakadagan sa malaking Mama sa lupa! Ggrrrrrr ...gggrrrrrrr... Pagungol nito na parang gutom na gutom! Nagsibulong bulong na ang paligid at ang mga kalalakihan ay nagsikuha ng mga itak! Hulihin niyo ang diwata at ang taong lobo! Sigaw ng matandang lalake habang kalong na ang aleng walang malay! Mag iingat kayo! Nanghihigop ng lakas ang diwata! Ibang iba ang kulay ng maamo niya'ng mga mata! Nakita ko ang ginawa niya sa asawa ko! Tinitigan niya lang ito at nawalan na nang lakas! Kung kanina'y natutuwa pa akong tinatawag akong diwata! Ngayo'y hindi na nakakatuwa! Kinikilabutan na ako sa takot. Takot na baka katayin na nila kami nang buhay! Maya pa'y nagsidatingan ang mga mobile ng pulisya! Nakahinga ako ng maluwag at nabuhayan ng loob! Anong nangyayari dito? Maawtoridad na tanong ng pinaka leader. Hepe mabuti nandito na kayo! Lumabas na ang diwata ng gubat at may kasamang mga lobo! Nagtataka namang tumingin sa'kin ang tinawag nitong Hepe at palipat lipat ng tingin sa amin nila Wuba at Buchay na ngayo'y nasa magkabilaang gilid ko na! Buchay tumayo ka. Bulong ko kay Buchay na ngayo'y nagmistulang taong lobo sa pagkakakuba sa lupa at nakikisabay sa pag ungol ni Wuba! S-Sir nagkakamali po sila... Nanginginig ang boses ko at nagsusumamong tumitig dito. H'wag kang magpapadala sa kanya Hepe! Hinigop niya ang lakas ng asawa ko sa pamamagitan lang nang pagtitig ng mga mata niyang iba ang kulay! Singit ng matandang kalong pa rin ang asawa! Maging ang malaking Mama kanina na napakasigang maglakad ay tumiklop bigla sa takot! Napailing ako ng makitang naniniwala sa kanila ang mga pulis na tanging pagasa kong makakatulong sa amin. Sir mga tao po kami... At ako, hindi ako diwata, tao ako. Isang taong naligaw sa gubat lawakan niyo naman ang pag-iisip niyo. Nanginginig ako pero pinatatag ko ang boses para mapaki-usapan ang mga ito ng maayos. Paano mo mapapatunayang tao ka nga? Seryosong tanong ng Hepe na nagpaluwag ng loob ko. Huminga ako ng malalim at pinalungkot ang mukha. Sh*t ngayon ko magagamit ang pagiging best actress ko! Mariin akong pumikit at bumuntong hininga para kapani-paniwala. Isa akong Montereal. At ilang buwan na akong nawawala. Nagkatinginan ang mga ito at mga kasamahang pulis na parang nag-uusap sa kanilang mga mata. Sampung bilyon ang ibibigay kong pabuya sa sino mang makakatulong sa'kin matawagan ang pamilya ko. Nangislap at nanlaki ang mga mata ng mga ito! Halos magkumahog silang lumapit at nagsi-abot ng cellphone sa'kin! Naluluha kong tinanggap ang kay Hepe at kaagad tinawagan si Daddy. Parang magigiba na ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog nito! Para akong sinisilaban sa pwet nang mag-ring ang kabilang linya! Pigil ko ang hininga at mariing napapikit habang nakadikit ang aparato sa tainga ko. Hello who's this? Daddy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD