Ep. 2 Cathleen POV

1832 Words
Hmmm..... Napapilig ako ng ulo at pinapakiramdaman ang sarili. Nangangalay ang buong katawan ko at 'di ko maigalaw. What happened? Am i dead? No way i'm too young! Tuluyan akong napadilat at unang bumungad ang kisameng yari sa kugon. Nagpalinga-linga ako sa buong silid na kinahihigaan ko. Maliit lang itong kubo na yari sa kawayan ang dingding at tabla ang sahig. Nanghihina ang katawan ko at ramdam ko ang matinding uhaw at gutom! Napabalikwas ako ng may nagbukas sa pintuan at may lalaking pumasok na may dalang tubig at nilagang camote. Kinabahan ako at umayos ng upo sa katreng kinahihigaan ko nang pagapang itong pumasok. Inilapag nito ang dala sa tabi ko kaya walang pagdadalawang- isip na kinain ko ang dalang pagkain sa tindi ng gutom! Hindi ko mawari kung tinititigan 'din ba niya ako dahil masyadong makapal at mahaba ang buhaghag nitong buhok!. Natatabingan ang mga mata nito pero kapansin pansin na matangos ang ilong may manipis na mga labi at perpektong jawline. Moreno ito matangkad at matipuno. Masyado 'din luma ang mga suot nitong damit kaya't napakadungis nitong tignan. Tahimik lang itong nakasalampak sa sahig habang kumakain ako. Nang matapos na akong kumain inilabas din nito ang pinagkainan ko. Napakunot noo ako ng pagapang muling lumabas ito! What is he doing can't he walked? Napahawak ako sa ulo kong may benda at may mga nakalakip na dahon. Where am i? What happened? Mariin akong napapikit at pilit inalala ang lahat. Kinilabutan ako ng maalalang nadulas ako sa batuhan at sumabit sa matarik na bangin! Malakas ang ulan na nagpapadulas sa kamay kong mahigpit na nakakapit sa bato. Hanggang sa unti unting napabitaw ako at nahulog sa bangin. Napabalik ang ulirat ko ng may pumasok na matandang lalakeng nakangiting lumapit. Kumusta ang pakiramdam mo ineng? Napapilig ako. Ano nga bang nangyari matapos kong mahulog sa bangin? Buong akala ko'y katapusan ko na. Ano pong nangyari? Ang tanda ko po ay nahulog ako sa matarik na bangin. Ngumiti ang matanda at hinawakan ako sa kamay. Iniligtas ka ni Buchay ineng. Narinig ni Wuba ang pagsigaw mo kaya't tinungo ka nila sa bangin. Nakita ka nilang nahulog mabuti at nasalo ka ng apo ko gamit ang baging bago ka pa mabagok sa batuhan. Paliwanag ng kaharap ko kaya't napatangu tango ako. Thank you so much po for saving my life. Ilang oras na po ba akong tulog? Naku ineng hindi oras kundi buwan. Anim na buwan ka nang walang malay! Hindi ko na kayang bumaba ng bayan sa layo dito at delekado naman kung si Buchay ang papuntahin ko. Ganoo'n po ba Tay. Pero bakit po pagapang maglakad ang apo niyo? Kakaiba kumilos ang apo ko dahil lumaki itong tanging mga hayop lang sa gubat ang nakagisnan kasama si Wuba ang lobo namin. Lumaki itong tanging mga hayop lang dito sa gubat ang mga nakaka-usap kaya't hindi ito palaimik sa tao maging sa akin, pero nakakaintindi naman. Kaya hindi siya pwede sa bayan dahil tiyak pagpipyestahan lang siya ng mga tao at babansagang taong lobo lalo na't hindi ito marunong magbasa at makaintindi ng ibang lenggwahe pero nakakalakad naman ito ng maayos ineng kaya wala kang dapat ipag alala. Nakasanayan lang niya ang gano'ng paglakad na parang sa lobo. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. May gan'to pa lang nag eexist sa bansa! Napatango-tango na lang ako at pilit ngumiti kay Tatay. Ahm ako nga pala si Cathleen Montereal Tay, kayo po anong pangalan niyo? Magalang kong tanong na nagpangiti dito. Ako naman si Amor Florres ineng. At 'yong binatang kasa kasama ko dito sa barong barong namin ang apo kong si Buchay. Maraming salamat po talaga sa pagsagip niyo ng buhay ko Tay. Hayaan niyo po pagkababa natin ng bundok tutulungan ko kayo ng apo niyo. Naku ineng kahit h'wag na. Hindi ka namin tinulungan para humingi ng kapalit. Isa pa matanda na ako ang apo ko na lang ang tulungan mo ineng. Nakangiti ito at may kung anong lungkot ang nakabalot sa mga malabnaw na niyang mga mata dala ng katandaan. Tingin ko'y nasa 70's na ito at puro puti na rin ang buhok. Napakagaan ng loob ko sa kanila at ramdam kong ligtas ako sa piling nilang mag Lolo. Sa loob ng ilang buwan kong kawalan ng malay hindi nila ako pinabayaan kahit mahirap sila at hindi ako kilala ay tinulungan pa rin nila ako ng walang hinihinging kapalit. Nakakatuwang makasalamuha ang ganitong uri ng mga tao! Lumaki ako sa ibang bansa at puro anak mayaman ang mga nakakasalamuha. Palaging may nakatutok na media sa bawat kilos at may mga bodyguards na nakasunod sa'min. Lumipas pa ang ilang araw na pananatili ko dito sa kubo ng mag Lolo at napapansin kong mailap nga si Buchay. Madalas si Tatay Amor ang kausap ko dahil kahit naman kinakausap ko si Buchay parang hindi niya ako naririnig. Malimit din siyang pumapasok ng gubat na kaharap lang ng kubo nila at hapon na kung umuuwi kasama ang kulay puting lobo nito. Napansin ko rin na halos puro kanin at nilaga lang ang niluluto nila dito. Mga nilagang kamote at saging. May mga alaga silang manok kaya nakakapag ulam din kami no'n at mga gulay na nakatanim sa palibot ng kubo! Natuto akong kumain ng mga pagkaing ni minsa'y 'di ko lubos inakalang matitikman ko sa tanang ng buhay ko! Nagagawa ko rin maligo sa batis na malapit lang dito sa kubo habang sinasamahan si Tatay Amor na mamingwit! Si Buchay naman ang madalas may mga dalang prutas na galing sa loob ng gubat kaya sagana kami sa pagkain. Bahagya na ring bumabalik ang nangayayat kong katawan dahil masiglang kumain ang mag Lolo na nagpapagana sa akin. Hindi ko lubos akalaing makaka survive ako sa ganitong uri ng pamumuhay sa gitna ng gubat! Walang make-up branded clothes. Walang kuryente at gadgets na kinalakihan ko. Pero may kakaibang sumisibol na saya sa puso ko at parang ayaw ko ng umalis dito. Gusto ko ang pamumuhay dito . Simple, pero masaya. Kuntento ka at higit sa lahat walang problema! Isang araw habang abala si Tatay sa pagkuha ng gatas sa alaga nilang kalabaw. Nilapitan ko si Buchay na ngayo'y prenteng nakaupo sa sanga ng punong bayabas at nandito naman sa baba si Wuba. Hindi ko maintindihan pero gusto ko talagang mapalapit sa kanya. Pero kahit panay ang ngiti ko sa kanya ay wala akong sagot na nakukuha rito. Napakatahimik niya at ni hindi ko pa nga nakikita ang buong mukha niya dahil natatabingan ng malago at mahaba niyang buhok! Hi Buchay!! Pwedeng makiupo? Nakangiting bati ko habang nakatingala dito. Tumalon ito sa taas ng puno at tumayo ng tuwid sa harapan ko. Kumabog ng puso ko na parang nagkakarambulan na sa pagbilis ng t***k ng puso ko! Sh*t why am i feeling this way?! Napalunok ako at pilit ngumiti dito dahil kahit hindi ko makita ang mga mata nito'y ramdam ko ang taimtim nitong pagtitig na tumatagos hanggang buto ko! Uwi ka na hindi ka p'wede dito! Madiin at mahina nitong saad na ikinanganga ko. Ito ang unang beses ko siya'ng marinig magsalita. Napakalalim ng boses nito na siya'ng nakakakiliti sa kalamnan ko. Mabilis itong tumakbo ng pagapang papasok ng gubat kasama ni Wuba na animo'y nagkakarerahan! 'Di ko mapigilang mapangiti habang paulit-ulit nagre-replay sa isip ang boses nitong napaka manly ng datingan! Para siya'ng pang mafia boss ang datingan sa mga napapanood kong novels online! Nagtataka lang ako kung nasaan ang magulang nito at tanging si Tatay Amor lang ang nakagisnang tao. Marami akong gustong itanong kay Tatay tungkol kay Buchay pero nahihiya ako dahil baka kung ano pa ang isipin nito. 'Damn Cathleen!! What's happening to you girl? Isang taong bundok na ba ang katapat mo ngayon? Napailing ako at bumaba ng kubo para na rin makaligo sa batis. Pero 'di pa man ako nakaka lapit ng tuluyan sa batis ay narinig ko ang halakhak ng baritonong boses na parang tuwang-tuwa! Napatakbo ako palapit at nabungaran si Wuba at Buchay na masayang naghaharutan habang lumalangoy! Para akong nahihipnotismong lumapit hanggang sa nadulas ako at napatili sa kabiglaan! Kinilabutan ako dahil nahulog ako sa malalim na parte ng batis at parang bumabalik ang takot na naramdaman ko noong nahulog ako sa malalim na bangin! Nanikip ang dibdib ko at hindi na ako makahinga ng biglang may matipunong braso ang yumapos sa t'yan ko at iniahon ako pataas! Napayakap ako sa batok nito sa sobrang takot at muling rumagasa ang mga luha ko. Ngunit natigilan ako at parang umurong pabalik ang mga luha ko ng mapatingin sa lalakeng nakayapos na rin sa baywang ko. Parang nagliparan ang mga paruparo sa paligid at napapatangang napatitig ako sa kanyang mga matang animo'y nakakalunod! Napaawang ang mga labi ko at 'di namalayang napahaplos sa kanyang pisngi!. Buchay!! Sh*t napakagwapo niya pa lang nilalang!! Kulay asul ang chinito nitong mga mata! Mahaba at makapal ang itim nitong kilay at pilikmata na lalong bumagay sa kanya! Ito ang unang beses kong masilayan ang buong mukha niyang kasalukuyan ngayong nakalihis patalikod ang mahaba at malago nitong buhok. Napababa ang tingin ko sa mga labi niya'ng nakaawang din na animo'y nag aanyayang halikan! Gumapang ang kakaibang init sa katawan ko at parang may kung anong nag uudyok sa isip kong tikman ang mga labing nakahain sa harap ko! Napabalik ang ulirat ko ng ngumiti ito at dahan-dahan ng binitawan ang baywang kong yakap nito. Gusto ko pa sanang magprotesta at magpakulong na lang sa matipunong bisig nito pero umahon na ito kasama si Wuba. Napasunod na lang ako ng tingin at nangingiting lumangoy paahon ng batis! Kinagabihan ay panay ang pagtakaw tingin ko dito habang magkakaharap kaming naghahapunan. Sanay na akong sa loob nitong kubo natutulog habang si Tatay at Buchay ay dito sa sala na walang dingding at tanging kawayan lang ang sahig! Akala ko wala ng problemang darating sa pananatili ko dito pero nagkamali ako. Isang umaga napabalikwas ako ng bangon sa sunod sunod na pag-uubo ni Tatay at parang hirap itong huminga! Mabilis kong sinindihan ang lamparang nasa gilid ng katreng kinahihigaan ko at lumabas ng silid. Naabutan ko si Buchay na nagdidikdik ng mga dahon dahon na nilalaga habang nakaupo si Tatay at nakasandal sa dingding na hinang hina! Tay!! Napaupo ako sa tabi nito at sinalat ito sa noo. Kahit kulubot na ang balat nito ay ramdam ko ang taas ng lagnat nito! Nanginginig na rin ang katawan at 'di mahinto ang pag-uubo! Hinihimas ko ang likuran nito pero panay parin ang pag ubo nito . Nakahinga ako ng maluwag ng mapainom ni Buchay ito ng nilagang dahong gamot at naibsan ang pag ubo nito. Ako na ang umasikaso kay Tatay at inalalayang nilipat ito sa katre. Ineng.... Mahinang sambit nito. Hinawakan ko ito sa kamay at naluluhang inilapit ang mukha dahil hirap na itong magsalita. Pwede ko ba'ng hingin ang pabor ng pagtulong namin sayo... Mahina at naluluhang tanong nito. Naluha na rin ako at tumango tango dito. Ang apo ko ineng.... Ihahabilin ko sana sayo....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD