Napainat ako ng mga braso ko nang maramdaman ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.
Naniningkit ang mga matang napalingon ako sa mga katabi ko at parang lumukso sa gulat ang kaluluwa ko ng mabungarang mag-isa na ako sa kamang gusot-gusot!
Buchay!!
Wuba!!
Taranta akong bumangon at natisod pa ako sa nakalaylay na kumot sa gilid ng kama kaya't napahalik ako sa sahig!
Ahh!
Sh*t naman oh!
Nalasahan ko ang kalawang sa aking bibig na dumugo nga sa pagkakasubsob ko!
Haist!
Buchay nasa'n ka?!
Patakbo akong pumasok ng banyo at parang nabunutan ng tinik sa dibdib ng maabutan ito katabi si Wuba na nakasalampak sa tiles ng banyo at namamanghang pinakatititigan ang sarili sa full length mirror dito na katapat ng shower.
Napasandal ako sa pinto at nangingiting pinanood ito kung paano namamanghang ginagaya siya ng repleksyon.
Maging si Wuba ay kinakalaro ang sarili sa salamin at tuwang-tuwang itong napapaangil habang kumakawag ang buntot.
Napapilig ito ng ulo at maya pa'y sinisilip- silip ako nito sa kaharap na salamin.
Natatawa akong lumapit at lalong namamangha ang mga mata nitong nakatutok sa repleksyon ko habang papalapit sa likuran nito.
Umupo ako sa tabi nito na ikinapitlag pa nito.
Hinaplos ko ito sa ulo at marahang hinaplos-haplos ang buhok nitong sumabog na naman sa pagkakatanggal ng tali!
Ngumiti din ito at mas umaaliwalas na ang mukha.
Tila madali na nitong nai-aadjust ang sarili sa bagong paligid.
Pansin kong hindi na ito natatakot sa tuwing kami- kami lang ang tao at malaya nitong naipapakita ang mga reaks'yon nito.
Halika na maghilamos muna tayo.
Tumayo na ako at naglahad ng kamay dito.
Napatitig pa ito sa kamay kong tila hindi nakuha ang ibig ko.
Yumuko ako at kinuha ang kamay nito at iginiyang tumayo.
Napapilig ito ng ulo at nangingiting tumitig sa akin.
Parang lumukso bigla sa tuwa ang puso ko sa pagngiti nito at 'di ko mapigilang pamulaan ng pisngi!
Natatawa na lang ako ng tulala ako nitong pinapanood kung paano ko sinabunan ang mukha ko at binanlawan ito.
Iginiya ko rin ito kung paano iyon gawin at bakas ang tuwa nito sa aking pagtuturo.
Tuwang-tuwa pa itong nilaro- laro ang mga bula sa mukha maging sa pagsisipilyo ng ngipin!
Ang hirap nitong turuan sa pagsipilyo dahil makailang beses nitong kinakagat at nasisira ang toothbrush na isinusubo ko para masipilyuhan ito!
Napapailing na lamang ako dahil kinakain din nito ang toothpaste at tila sarap na sarap doon!
Matapos kong maturuan ito kung paano maghilamos at magsipilyo ay magkasabay na kaming nagtungo ng kusina.
Bakas ang excitement nito ng buksan ko ang fridge at napanganga na lang ako ng mabilis nitong hinalungkat ang tumambad sa aming mga karne at isda na mabilis ibinigay kay Wuba!
Tuwang-tuwa namang sinunggaban ang mga 'yon ni Wuba habang kumakawag ang buntot na parang nagpapasalamat!
Napatampal ako sa noo ko at problemadong lumingon sa fridge ng muling hinalungkat ni Buchay ang kabila no'n at tuwang-tuwang kinuha ang mga natira niyang prutas kagabi!
Dinala niya ang mga 'yon sa dining table at nagsimula ng lantakan!
Kumuha na lang ako ng bacon at itlog na prinito ko habang abala ang dalawa sa pagkain.
Mabilis namang lumapit ito sa gawi ko ng maamoy ang niluluto kong bacon!
Nangingislapan ang mga mata nitong natatakam habang napapalunok at titig na titig sa mga niluluto ko.
Mainit baka mapaso ka.
Paalala ko ng yumuko ito at inilapit pa lalo ang mukha sa frying pan!
Nangingiti naman itong lumingon sa akin at mababakas ang kasabikan sa gwapong mukha nito.
Haist mabuti na lang gwapo ka.
Lalo itong napangiti na tila naunawaan ang sinabi ko.
Matapos kong maluto ang mga bacon at itlog ay maingat kong inilipat sa plato ang mga ito at dinala sa dining table.
Sumunod din naman ito at namamanghang sinasamyo ang usok na nagmumula dito!
Kinuha ko rin ang mayo, cheese at loaf bread sa fridge at dinala sa lamesa.
Lalo itong natakam na tila nahihimigan na nito ang gagawin ko.
Yumukod ito sa mesa at nagniningning ang mga mata habang nasasabik itong matapos ko ang ginagawang pagpalaman ng sandwich!
Mabilis nitong tinanggap ang unang gawa ko at napapikit pa habang sinasamyo ito!
Napakasarap pagmasdan ng mukha niyang nakangiting nakapikit habang inaamoy ang sandwich!
Para lang siyang paslit na sobrang sayang naibigay ang gusto.
Nangilid ang mga luha ko habang nakangiting pinagmamasdan ito.
Oo nga't kinikilig akong kasa-kasama ito pero naaawa din ako sa sinapit at kalagayan nito ngayon!
Kung hindi siya nawala noon ay nakapagtapos na ito sa pag-aaral. Sa yaman ng pamilya nila Tita Naeya at Tito Dwayne ay buhay prinsipe sana ang kinagisnan nito katulad na lang ng spoiled brat nitong nakababatang kapatid na si Dwight Axelle!
Napakaaroganteng katulad ni Collins dahil bunso at laki sa layaw!
Kaya magkasundo silang dalawa dahil pareho lang silang mga sakit sa ulo ng pamilya.
Kung makapaglustay ng pera akala mo nama'y hindi 'yon pinaghihirapan ng mga magulang!
Naiintindihan ko naman ang pang-i-spoiled nila Tita Naeya kay Dwight dahil mag-isang anak itong pinalaki kaya't naibuhos sa kanya ang lahat ng yaman at pagmamahal ng magulang na hindi naranasan ni Buchay.
Samantalang si Buchay ay ni hindi naranasan uminom ng mamahaling mga gatas ng sanggol pa lang!
Mga branded na gamit, at nadadala sa iba't-ibang bansa!
Nasa kalagitnaan ito ng kagubatan kung saan tanging mababangis na hayop at si Tatay Amor ang nakakasalamuha!
Ni hindi nito naranasang mamasyal sa mall o kaya'y nakapasok ng eskwela!
Paniguradong mahihirapan ito ngayong mag-adjust dahil marami pa itong dapat matutunan pero heto at inuuna ko pang nilalandi kaysa turuan tsk!
Nagiging makasarili na naman ako at tanging kagustuhan lang ang naiisip.
Napakurap-kurap ako ng mag smack kiss ito sa aking mga labi!
Nakatulala na pala akong nakatitig sa kanya at ubos na rin ang ginawa kong sandwich para dito.
Lungkot ka?
Bakit?
Magkasunod nitong tanong. Napapahid ako ng pisngi dahil naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. Pilit akong ngumiti at umiling dito.
Gusto mo pa?
Pag-iiba ko at pinasigla din ang boses. Ngumiti itong tumango-tango kaya't napangiti na rin ako.
Sinabayan ko na itong kumain at ginawan rin ng kape.
Marunong naman ito pagdating sa kape kaya't hindi ako nahirapang ipainom ang kape nito.
Muli na namang nagkalat dito sa kusina sa kagagawan nila ni Wuba!
Tila busog na busog naman si Wubang nakahilata na sa sahig habang kumakawag ang buntot na nakatingin sa amin!
Napailing na lang ako ng makitang ubos na nito ang mga stock kong isda at karne sa fridge na ibinigay ni Buchay!
Isang araw pa lang namin ay naubusan na ako ng stock ng pagkain sa kanilang dalawa!
Iginiya ko na muna sila pabalik ng silid at tumawag sa front desk na magpapalinis akong muli ng unit.
Naiiling na lamang ako ng muli kaming pumasok ng banyo at sabay-sabay naligo.
Tuwang-tuwa itong nagtatatalon habang nasa ilalim kami ng shower.
Maging si Wuba ay natutuwang nakikipagharutan sa amin ni Buchay!
Kagaya kagabi ay pigil ang hiningang pinilit kong patinuin ang nadedemonyo kong utak para maayos na mapaliguan ang dalawa!
Natagalan pa kami sa paliligo dahil napakakulit ni Buchay at tuwang-tuwang paulit-ulit nagsasabon ng katawan nila ni Wuba!
Naubos na nga ang shampoo at bodywash ko sa isang liguhan lang Diyos ko po!
Sobrang sakit sa noo na 'to!
Mukhang mamamalimos ako kung atm ko lang ang aasahan ko!
Nakakahiya namang humingi kila Tita Naeya ng panggastos ni Buchay eh ako ang nagkusang mag-alaga muna dito.
Napahilot ako ng sentido ng maalala ko na naman ang mga arowana kong ginawang hapunan ni Wuba!
Ang sakit sa utak tanggaping nakipag- agawan pa ako noon sa mga 'yon dahil limited lang sila, dumayo pa ako mula France to Singapore tapos gagawing hapunan lang ng lobong 'to!
MATAPOS naming nagbihis ay lumabas na kami ng silid.
Sakto namang palabas na ang mga naglinis ng kusina.
Iginiya ko ang mga itong umupo ng sala at binuksan ang flat screen TV kong naka-hang sa wall kaharap namin.
Natutulala namang lumapit sa akin si Buchay sa harap ng TV at namamanghang walang kakurap-kurap na nakatitig sa mga taong nag-uusap sa palabas.
Ngumiti akong inalalayang tumayo ito ng tuwid dahil nakakuba itong naglalakad at nakapilig ang ulo habang nakanganga!
Parang ako ang nangangawit sa mga kilos niya sa tuwing ganyang nakakuba siya o nakapilig ang ulo!
Napalis ang ngiti ko ng unti-unting bumangis ang anyo nito at tila galit na galit na napakuyom ng mga kamao!
Nagngingitngit din ang mga ngipin nito kaya't dahan-dahan akong napalingon sa TV at ganu'n na lamang ang gulat ko ng ang palabas pala ay mga lobong hina-hunting ng mga mangangaso!
Ayyy!!!
Napatili ako at napatakip ng mga tainga ko ng linundag ni Buchay ang TV at buong lakas nitong binaklas 'yon at pinaghahampas sa dingding!
Galit na galit itong tila isang mabangis na hayop at napapaangil pa!
Gggrrrrrrr.... gggrrrrrrr...
Maging si Wuba ay lumapit na at pinag-aamoy ang nagkalat ng bubog mula sa TV na sinira ni Buchay!
Awooooo....awwoooo....
Napatakip na ako ng tainga sa sabayan nilang pag-alulong na tila nagtatawag ng mga kasama!
Nanlulumo akong napaluhod at nagsilaglagan ang mga luha ko habang nakamata sa nagkalat na sira-sirang parte ng TV sa sahig!
Buchay naman....
Mamamalimos na talaga ako sayo nito...