Ep. 10 Cathleen POV

2300 Words
Maghapong nanatili sina Tita Naeya at Tito Dwaine ng silid ko. Pilit silang lumalapit kay Buchay pero sadyang mailap ito at halos hindi na humiwalay sa akin maging sa pagpunta ko ng banyo! Namumula ang mukha ko habang gumagamit ng toilet dahil kaharap ko lang ito at matamang nakatitig lang sa mga ginagawa ko. Kinagabihan ay inihatid na kami ng driver nila Mommy sa condo ko. Hindi naman halatang excited akong masolo si Buchay kaya't napabilis ang paglipat namin! Nakayakap ito sa tagiliran ko at mahigpit ang pagkakahawak sa damit ko habang iginagala ang paningin sa bawat madadaanan namin. Kita ang takot at pagkamangha sa mga mata nito habang palingon-lingon sa mga nagtataasang building na puno ng mga ilaw na nadadaanan namin. Maging sa pagpasok namin sa building na kinaroroonan ng unit ko na pagmamay-ari din namin ay bakas ang takot dito. Panaka-naka itong nagkukubli sa aking tagiliran sa tuwing may mga nakakasalubong kami at binabati ako. Kilala ako ng mga staff dito dahil alam naman ng buong bansa ang mukha ng mga quadruplets heirs ng Montereal family! Pagpasok namin sa unit ay napakahigpit pa rin ng pagkakayakap nito sa akin. Tahimik lang naman si Wuba na kasunod namin. Iginiya ko ito paupo ng sofa at nangingiting hinaplos ito sa pisngi habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng unit ko. Kunot ang noo nitong napapapilig ng ulo. Ahm Buchay.... Agaw pansin ko dito. Tumitig ito sa mga mata ko na tila tumagos hanggang sa mga buto ko! Nakakatupok ng katinuan ang mga mata nitong taimtim na nakatitig sa akin ng walang kakurap-kurap! Ngumiti ako kahit alanganin na ginaya nito. Lalong lumapad ang pagkakangiti ko sa pagngiti din nito! Ahm dito ka na muna ha. Magbibihis lang ako. Maingat kong binaklas ang mga braso nitong nakayapos sa baywang ko. Hindi naman ito tumutol kaya't pumasok na ako ng kwarto. Nangingiti ako habang nagsa-shower at naiimagine kung paano ko ba ito sisimulang imulat sa mundo. Mabilis lang akong nag-shower at nagbihis. Ngunit napalis ang matamis na ngiti sa mga labi ko ng makitang basang-basa ito at may mga hawak sa kamay na.... isda? Nanginginig ang mga tuhod kong napatulala sa mga hawak nitong makukulay na isda! Nakangiti itong tila proud pang iniangat sa mukha ko ang mga 'yon! No.... H'wag namang... Mga arowana collections ko ang mga 'yan. Nangangatal ang buong katawan ko at dahan-dahang napalingon sa malaking aquarium ko na kinaroroonan ng mga arowana ko. Ngunit gano'n na lamang ang panghihina ng mga tuhod ko at napaluhod sa carpet ng makita doon si Wuba at hinuhuli na ang nag-iisang arowana sa aquarium! Napailing-iling ako at nagsi-alpasan ang mga luha ko! No... Mga arowana ko.... Ang mga babies ko... Wala sa sariling anas ko habang nakatulala sa kawalan! Lumuhod si Buchay sa harap ko na nakakunot na naman ang noo at sinisilip ang mukha ko. Mariin akong napapikit ng mapatingin sa dalawang kamay nitong sakal-sakal ang mga arowanang binili ko pa sa ibang bansa para sa collections ko!! Almost half a million dollars USD din ang ginastos ko mabili lang ang mga iyon pero heto at mga wala ng buhay!! Bakit mo naman pinasisid kay Wuba ang mga babies kong nasa aquarium? Nanginginig ang boses kong tanong dito. Napapilig ito ng ulo at tumingin sa kinaroroonan ni Wuba na tila tuwang-tuwa na pinaglalaruang hulihin ang nag-iisang kawawang arowana sa malaking aquarium ko! Aquarium? Anito sa inosenteng tono. Napasapo na lang ako sa noo at nanghihinayang pinaghahaplos ang mga sakal nitong arowana! Gusto mo? Mapakla akong natawa at pinaningkitan ito. Pero para namang nilusaw kaagad ng mga ngiti nito ang galit at tampo sa puso ko sa napakatamis nitong pagkakangiti at nangingislap na mga mata! Anak ng tipaklong naman oh! Ipapakain mo pa talaga sa akin ang mga babies ko! Naguguluhan ang gwapong mukha nito na napapapilig muli ng kanyang ulo! Tila tatakasan ako ng bait dito at mapaklang natawa. Alam mo, ang mahal ng mga 'yan. Ani ko sabay nguso sa mga hawak nitong arowana. Dapat may kapalit din ang panghuhuli mo sa mga 'yan. Malambing kong saad at kagatlabing tumitig sa mga labi nitong bahagyang nakaawang. Lalo akong natatakam matikman ang mga 'yon na tila nang-aakit sa pagkakaawang ng mga ito! Sh*t Buchay! Ano ba'ng gagawin ko sayo... Paanas ko at hinaplos ang ibabang labi nito ng aking hinlalaki! Ahm Buchay tandaan mo 'to hmm. Pag masaya ako. Malungkot. O galit. Dapat may gawin ka. Gawin? Ulit nito na bakas ang pagkalito. Uhm uhmm.. Tumango-tango akong nakangiti dito. Gan'to. Aniko sabay halik sa mga labi nito! Para akong nanalo sa lotto sa sobrang saya na dumapo na rin sa wakas ang mga labi ko sa malambot nitong mga labi! Ahehe. Gano'n dapat ang gawin mo sa tuwing malungkot ako, o galit, o kaya'y masaya. Namilog ang mga mata ko ng ngumiti ito at ginaya ang ginawa kong pag-smack kiss sa mga labi nito! Parang gusto kong magtatatalon sa sobrang tuwa na nahalikan ko din ito! Lalo na sa kaalamang wala pang ibang nakakahalik nito! Ako pa lang! Galit ka? Anito na ikinatango ko. Pigil ang ngiti ko ng muli itong nag-smack kiss sa mga labi ko! Lungkot ka? Tila pumapaypay ang mga tainga ko sa narinig at muling tumango. Panay ang tili ko sa utak ko ng muli ako nitong i-smack kiss! Sh*t! Oh my pantie!! Napapilig itong sinisilip ang mga labi kong pinipigilan kong mapasilay ng ngiti! Ngiti ka oh. Turo nito sa mga labi ko at muling nag- smack kiss doon! Shemaaay!! Ang talino ng alaga ko! Isang instruction lang alam na ang ginagawa!! Para na akong hihimatayin sa sobrang saya at kilig sa maka-ilang beses nitong pag-smack kiss sa mga labi ko! OMG ang pantie ko!! Gusto na yatang malaglag para sayo! Sh*t naman!! Kakalbuhin ako ni Mommy nito! Mabuti na lang nakalipat na tayo! Ayyy!!! Wuba!! Napatili na ako ng dambahin ako ni Wuba at pinagdidilahan sa buong mukha! Napahiga na kami sa carpet at basang-basa na rin ako dahil basang-basa si Wuba na dumamba sa akin habang enjoy na enjoy sa pagdila sa mukha kong puro laway na niya! Ggrrrrrr.... Ggrrrrrr... Angil pa nito sa akin na natutuwang tila hinahamon akong makipagharutan sa kanya! Niyakap ko ito at sumali na rin si Buchay na nakipag-gulungan sa amin ni Wuba sa sahig! Napuno ng halakhak namin at pag-angil ni Wuba ang buong unit ko sa pagkukulitan naming tila isang masayang pamilya! Hinihingal kaming humilata sa carpet na ngayo'y basa na rin dahil kay Wuba! Napangiwi na lang ako ng malingunan itong kinakain na ang mga arowana kong inilapag na lang basta ni Buchay sa sahig! Napahilot na lang ako sa mga kilay ko! Sh*t! Dollars din ang mga 'yan imported from Singapore Wuba! Parang nahihibang pagka-usap ko kay Wuba na kumakawag ang buntot habang sarap na sarap pinapapak ang mga babies ko! Kawawang mga arowana ko... Ginawa lang hapunan ng lobong 'to. Nang maubos na ni Wuba ang kinakain ay bumangon na kami ni Buchay at sama-samang pumasok ng silid. Iginiya ko ang mga ito sa banyo at namamangha itong napatingala sa shower ng buksan ko iyon! ' Muulan! Bulalas nito at tuwang-tuwang pumailalim sa shower! Samantalang si Wuba nama'y komportableng sa jacuzzi ko lumumlob! Napailing na lang akong nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang tuwang-tuwa habang naliligo. Buchay. Lumingon ito na nakangiti habang nasa ilalim pa rin ng shower at sinasalo pa ng mga kamay ang mga tumutulong tubig doon. Hindi ganyan ang tamang pagligo Buchay. Lumapit ako at isa-isang hinubad ang kasuotan nito! Panay ang lunok ko at literal na nanunuyo ang lalamunan ko ng lumantad ang nakakatulo laway nitong kakisigan! Nakakahipnotismong haplusin ang malapad nitong dibdib na medyo mabalahibo! Nakakatakam pisil-pisilin ang eight packs pandesal nito sa tyan at sa V-line nito sa baba ng puson! Kagatlabing lumuhod ako bahagya at pikit ang isang matang kinalas ang sinturon nito kasama ang pantalon at hinila pababa! Nagsimulang mag-init ang pakiramdam ko ng tanging boxer short na lang ang saplot nito at kahit tulog ang alaga'y nakabakat sa basa nitong kapirasong suot na may kalakihan iyon! Tumayo na ako bago pa mademonyo ang utak ko at makain ko ang 'di pa dapat! Sh*t! 'Di pa dapat? Ano 'to Cathleen may plano kang kainin 'yon balang-araw?! Napailing na lang ako at ibinalik ang paningin sa gwapong mukha nito. Nakatanga lang ito sa akin na lalong nagpapawala sa puso kong tila kinikiliti sa kinaroroonan kaya't 'di makapirmi! Pero nakakatuwang hinahayaan niya lang ako kaya heto at sinasaniban ako ng espiritu ng kalandian! Susme ginoo!! Patawad po! Nagiging makasalanan na yata ako?! Ahm paliguan na lang kita hmm. Napapilig ito ng ulo kaya't nangingiti kong inabot ang shampoo at bodywash. Kunot ang noo nito ng maglagay ako sa palad ng shampoo at inilagay sa buhok nito. Kinuha niya iyon at inamoy-amoy. Nanlaki ang mga mata ko ng akmang isusubo niya ang shampoo kaya't mabilis kong inagaw! Teka hindi! Buchay hindi ito pagkain. Mabango lang siya pero hindi siya kinakain. Okay? Napasimangot ito na halatang hindi nagustuhan ang pagbabawal ko. Nangingiti kong ipinagpatuloy ang pagsasabon sa katawan nito sabay pisil-pisil na rin sa mga masel nitong nakakatakam sa mga mata ko! Matapos kong malagpasan ang nakakasalang sabunan session namin ay binanlawan ko na ito. Pinasuot ko muna ito ng roba bago pikit ang isang matang ibinaba ang boxer at brief na suot nito! Sayang naman 'di manlang nasilip! Pinaupo ko muna ito sa countertop ng lababo at ako naman ang naligo. Tahimik itong pinagmamasdan bawat galaw ko. Nangingiti akong nakatitig sa repleksyon nito sa salaming kaharap ko habang nakatalikod sa kanya. Hindi manlang ito napanganga ng magsilaglagan sa tiles ang lahat ng saplot ko sa katawan tsk! Tila kinakabisa nito bawat kilos ko sa matiim nitong pagtitig at bakas ang pagkamangha sa kanyang mga mata! Matapos kong maligo at nagsuot ng roba ay lumabas na kami ng banyo. Binalot ko rin ng makapal na towel si Wuba nang hindi namin mabasa ang sahig ng silid. Pumasok kami ng walk-in closet ko at tinuyo muna si Wuba gamit ang blower ko. Napakamasunurin nito ng ipatong ko sa malapad na mesa ko kaharap ang salamin at mga gamit kong make-up at perfumes! Tuwang-tuwa pa ito sa malakas at mainit na hanging binubuga ng blower. Nang matuyo ko na ang kabuoan nito ay maingat ko na itong ibinaba at isinunod si Buchay. Napaiktad pa ito ng maramdaman ang mainit na buga ng blower sa ulo nito. Ngumiti ako dito at umisang humalik sa kanyang noo. Okay lang 'yan. Para matuyo na ang buhok mo. Aniko at ipinagpatuloy ang panunuyo sa buhok nitong makapal at mahaba. Napagkatuwaan ko ring plantsahin ang buhok nito ng mabawasan ang pagkabuhaghag! Lalo itong gwumapo ng maunat ko ang mahaba nitong buhok na umabot hanggang baywang! Bahagya ding lumambot at kumintab ito sa ginamit kong shampoo at conditioner! Ang gwapo mo talaga. Nangingiti kong papuri dito. Gwapo? Ulit nito na kumunot ang noo. Oo. Ang gwapo mo. Nakatanga na naman itong tumitig sa mga mata kong naguguluhan ang itsura. Haist. Ayan ka na naman sa pa-engot engot looks mo eh. Nakakahawa maging t*nga hah. Natatawa kong saad na ikinapilig na naman ng kanyang ulo. Matapos kong tuyuin ang sarili kong buhok ay sabay-sabay ulit kaming lumabas at nagtungo sa kusina. Buchay halika dito. Lumapit naman ito habang nagniningning ang mga matang iginagala ang paningin sa kabuoan ng kusina. Kapag Nagugutom ka marami naman tayong pagkain dito. Ang tawag dito ay refrigerator. Aniko at binuksan ang fridge na kaharap namin. Napanganga ito ng tumambad sa amin ang iba't-ibang uri ng mga prutas at gulay. Nag-aalangan pa itong kumuha ng melon na una niya'ng inabot. Tumingin ito sa akin na tila nagpapaalam kaya tinanguan ko ito. Napahalakhak na lang ako ng halos kunin nito lahat ang mga prutas at isinilid sa kanyang damit! Excited itong inilapag ang mga iyon sa dining table at mabilis nilantakan! Kung makakakain ito'y akala mo ginutom ng ilang araw sa mabilisan nitong pagkain! Natatawa na lang akong nakikitikim sa mga nilalantakan nito! Tinatamad na akong magluto kaya't nag-order na lang ako online ng fried chicken with rice. Umorder din ako ng limang box ng pizza, burger at cake para dito! Ilang sandali lang ay naubos na nito ang mga stock kong prutas at kumalat dito sa kusina ang mga pinagbalatan nito! Ang dungis na rin ng mukha nitong kanina lang ay napakalinis at napakasarap dilahan! Este titigan! Nadedemonyo ka na naman Cathleen! Iginiya ko ito sa sala at pinaupo sa sofa. Ilang sandali lang ay may dumating din ang order kong pagkain. Tila natatakam itong muli ng pinagbubuksan ko ang mga 'yon sa harap nito! Lalo itong natakam ng umalingasaw ang bango ng pizza na nasa harapan nito! Maging si Wuba na ginawang hapunan ang mga arowana ko ay tila nagutom din at nagsusumamo ang mga matang nagpapaawa sa akin. Hinaplos-haplos ko ito sa ulo at inilapag sa sahig ang isang box ng pizza na kaagad nitong sinabsab! Napangiwi na lang ako ng maging si Buchay ay sumubsob sa box na tila asong kumakain ng pizza! Lalo tuloy nagkanda-dungis dungis ito sa mga sauce ng pizza! Matapos ang nakakasakit sa utak na hapunan ay muli ko itong pinunasan sa mukha at binihisang muli! Nang maigiya ko na ang mga ito sa silid ay tumawag muna ako ng maglilinis ng unit ko sa dami ng kalat na kagagawan ni Wuba at Buchay! Unang gabi pa lang namin dito ay halos dinaanan na ng ipo-ipo itong unit ko sa kanilang dalawa! Magkakatabi kaming nahiga nila Wuba sa kama ko. Kahit tila sasabog ang mga brain cells ko ay may ngiti ako sa labing iginiya ng antok dala ng pagod! Sobrang nakakapagod siya'ng turuan at alagaan. Pero nakakatuwa at ramdam ko sa puso kong masaya ito. Tila unti-unting hinihilom ni Buchay ang nawasak kong puso dahil kay Typhoon at Catrione.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD