Walang kapantay na saya ang nararamdaman ng mag-asawang Madrigal nang itawag sa kanila ng kanilang matalik na kaibigang buhay pa ang kanilang anak na higit dalampung taong nawawala! Para silang nananaginip ng gising habang patungo sa mansion ng kanilang kaibigan at tila naglalakad sa mga ulap pagkakita sa binatang nakaibabaw sa anak na dalaga ng kanilang kaibigan! Nagtatawanan ang mga ito habang nakahiga sa sahig na nagkikilitian! Pagkakita pa lang ng mag-asawa sa binata ay kakaibang bugso ng damdamin ang kanilang naramdaman! Kahit sa isang tingin lang ay masasabi nilang anak nila ang kanilang kaharap dahil ramdam agad nila ang koneksiyon sa binata lalo na't kamukhang-kamukha nito ang Ama sa kanyang pagka-binata. Halos ikadurog ng kanilang mga puso ang mga nalaman sa anak! Kung paano