How are you feeling? Maayos ka na ba? Napalingon ako kay Dwight na taimtim na nakatitig sa akin habang abala naman sina, Tita Naeya at Tito Dwayne na paamuin si Buchay at Wuba sa pamamagitan ng mga dala nilang pagkain. Nandoon sila ngayon sa kusina habang nandito kami ni Dwight sa sala at tinatanaw ang apat na tuwang-tuwang kumakain sa dining. Aheem! Maayos naman, As you can see. Lumipat ito ng upuan at tumabi sa akin. Nanlaki ang mg mata ko nang kabigin ako nito at mahigpit na niyakap! Dwight... Nag-aalala akong makita kami ni Buchay at baka magalit na naman 'yon katulad sa ginawa nitong pagsunggab dito kanina ng yakapin ako nito. Natigilan ako ng yumugyog ang mga balikat nito at humikbi habang nakasubsob sa leeg ko at mahigpit akong yakap! You have no idea how I've missed you. N