Ep. 1 Third Person POV

1158 Words
Hindi mo ako naiintindihan dahil hindi ikaw ang nagluwal sa kanya!! Hanapin mo ang anak ko Dwaine hindi ko kaya!! Mababaliw ako pag nawala siya!! Patuloy sa pagwawala ang ginang habang inaalo ito ng asawa. Kasalanan ko kung hindi ko siya nabitawan ligtas na sana kami ngayon ng anak ko!!.... Urgghhh!!!! Ethaaaannnn!!!! Patuloy ang pagwawala nito at hindi matanggap ang pagkabitaw sa anak sa rumaragasang ilog! Ang sana'y masayang camping nilang pamilya ay napalitan nang nakakagimbal na pangyayari. Masaya ang mga itong umakyat ng bundok para sa kanilang camping ng biglang sumama ang panahon! Inabot sila ng malakas na hangin at ulan sa kalagitnaan ng kagubatan. Sa kasamaang palad tumaob ang speedboat na sinakyan ng mag anak. Nabitawan ng ginang ang kalong na anak na tatlong buwang gulang pa laman at tinangay ng malakas na agos ng ilog!! Nagising ang ginang sa silid kung saan ilang araw na itong walang malay. At bumungad ang masamang balitang kailan ma'y 'di niya matatanggap! Ang pagkawala ng panganay nilang anak. Panay ang pagwawala ng ginang sa t'wing nagigising ito at hahanapin ang anak. Hanapin mo ang Ethan ko Dwaine, kailangan tayo ng anak natin... Nanghihinang pagmama-kaawa nito sa lumuluhang asawa habang tinatangay na nang antok dala ng gamot na pangpakalma dito. Panay ang pagtulo nang butil ng luha nito kahit payapa nang nagpapahinga. Ilang araw na nilang pinapahanap sa mga rescue team ang pinagtaoban ng speedboat nila at hindi parin mahanap ang katawan ng sanggol!! Nawalan na ang pag asa ang mga itong buhay pa ang kaawa awang sanggol pero hindi ang ina nito. Hindi na ito nagwawala sa paglipas ng ilang linggo ngunit marami nang nagbago sa mga kinikilos nito. Madalas nakakagisnan nito ang asawang sinasayaw ang ilang staff toys sa kwarto at hinihele habang kinakausap ito. Mga sesyales na nawawala na sa katinuan ang babaeng inakala niyang pinakamatapang sa lahat! Pero dahil sa pagkawala ng kanilang anak, tuluyan na ring nawawala ito... Sa katinuan! Ethan baby ko... Tahan na nandito na si Mama. Hindi ka iiwan ni Mama matulog ka na baby ko....hmmm hmmm hmmm. Pagkausap nito sa staff toy na hinihele at iniisip na ito ang nawawalang anak! Janaeya.... baby tama na... Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon natin. Hindi ko 'to kayang mag-isa kailangan kita. H'wag namang pati ikaw mawala sa akin. Namatayan din ako baby... Anak ko rin ang nawala at masakit 'yun sa'kin bilang ama. Lumuluhang paki-usap nito sa asawang madaling araw na pero gising pa at muling sinasayaw ang staff toy. Shhh.... Natutulog ang anak natin h'wag kang maingay Papa. Back to sleep baby.... hmmm... hmmm ...hmmm.. Napahagulhol itong niyakap ang tila tuluyan ng nawala sa katinuang asawa. Walang kasing sakit sa kanya ang pagkawala ng anak at sa nangyayari sa babaeng pinakamamahal! Kasalanan ko 'to! Patawarin mo ako Janaeya baby... Marahil kabayaran ko na ito sa mga madilim at masalimuot na mundong pinagmulan ko... ******** 22 years later****** Fine kung siya ang gusto mo magsama kayong dalawa!! Sana lang hindi mo pagsisihan na pinili mo ang kambal kong hindi ka mahal! Kaysa sa'kin na minamahal ka!! I hate you Ty i hate you!! Tumakbo ang dalaga sa dalampasigan at wala sa sariling pinaandar ang yate palayo sa isla! Umiiyak ito at hindi matanggap ang pagtanggi ng lalakeng unang kita pa lang ay lihim nang minahal. Magdidilim na nang matauhan ito at nasa parte na siya ng islang pinapagitnaan ng masusukal na gubat!! Lalong nagpanic ito ng biglang nasira ang makina ng yate at walang signal sa kinaroroonan!! Tiniis nito ang takot sa buong magdamag hanggang sa sumikat na ang araw. Lakas loob nitong pinasok ang masukal na kagubatan sa pag asang makahanap ito ng mapag hihingan ng tulong. Panay ang paglinga linga nito sa paligid na halos hindi nararating ang labasan sa gubat na pinasukan. Hapon na nang makalabas ito sa masukal na gubat. Magkahalong pagod gutom uhaw at antok ang nararamdaman nito ng biglang bumuhos ang malakas na ulan! Sige go pahirapan mo pa ako!! Sigaw nito sa kalangitan habang nakatinga at 'di napansing matatarik na palang batuhan ang nilalakaran at nag aabang na ang malalim na bangin sa harap nito!! Aahhhhh!!! Help meee!!!! Nagsusumigaw ito habang nakalambitin sa batuhang kinadulasan! Nanginginig itong napalingon sa ibaba at halos mahimatay na sa takot ng makita kung gaano kataas ang kababagsakan naglalakihang bato! Tulong!!! Tulungan niyo ako!! Nanghihina at nangangalay na ang mga kamay nitong mariing nakakapit sa matatalim na bato at 'di na maramdaman ang pagdudugo ng mga 'yon. Daddy Mommy.... Save me... Kasabay ng malakas na pagkulog at kidlat ang pagkabitaw nito at tuluyang nahulog sa malalim na bangin! ***** Buchay apo sino siya? Saan mo siya nakuha? Bakit ka nagdala ng tao dito? Sunod-sunod na tanong ng matanda sa binatang apo. Galing ito sa loob ng gubat kasama ang alagang lobo at bumalik na may dalang walang malay na dalaga. Umiling ang binata at maingat na ihiniga ang walang malay na dalaga sa kanilang katre. Itinapat nito ang tainga sa dibdib ng dalaga at pinagyuyogyog ito. Diyos ko kang bata ka!! Baka lalo siyang mapasama sa ginagawa mo! Sige na ikuha mo ako ng mga halamang gamot na pwede nating ipanggamot sa mga sugat niya! Kaagad itong lumabas ng kubo at kumuha ng mga halamang gamot sa labas. Mahabanging langit! Napaka gandang bata. Sana hindi namin ikapahamak ang pagsagip sa buhay mo kung sino ka man ineng.... Pinunasan ng matanda ang dalaga at pikit matang binihisan ito dahil basang basa ito sa ulan at dugo! Maraming sugat ang dalaga maging sa mga palad at may tama rin sa ulo na ngayo'y patuloy ang pag agos ng dugo. Lo patay s'ya? Tanong ng binatang may dala ng mga dahong panggamot sa dalaga. Hindi pa apo, at kailangan niya ng tulong natin para gumaling siya. Saan mo ba nakita ang batang 'to. Tanong nito sa apo'ng ngayo'y sinisilip bawat parte ng katawan ng dalaga mula sa paa kamay at mukha. Tao siya apo katulad natin hindi hayop at kailangan niya ng tulong. Anito sa binatang namamanghang pinagmamasdan ang kabuoan ng dalaga. Ito ang unang beses na makakita ng ibang tao ang apo kaya't mababakas ang paghanga sa mga matang natatabingan ng makapal at mahaba nitong buhok. H'wag kang mag alala ineng hindi ka namin pababayaan kaya lumaban ka. Lumipas ang ilang araw hanggang umabot na ito sa linggo at buwan. Nanatiling walang malay ang dalaga. Nangayayat na ito dahil tanging tubig at gatas ng alagang kalabaw ang naipapaloob ng mag lolo dito. Magaling na rin ang mga sugat na natamo sa pagkahulog sa bangin. Kung saan nasagip ito ng binata at nagpagulong gulong sa batuhan hanggang sumadsad sila at tumama ang ulo sa bato. Hmmm. .... Nanlaki ang mga mata ng binata at bahagyang napaatras pagapang ng marining ang pag ungol ng dalaga. Naipilig ang ulo ng makitang pumipitik ang hinliliit na daliri ng dalaga. Hmmmm... Muling ungol nito kaya't mabilis itong kumaripas palabas ng kubo ng pagapang katulad alagang lobo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD