CHAPTER 3

1607 Words
"Ano'ng oras kaya darating sila, Nikki? May text ba s'ya sa'yo?" Tanong ng kapatid ni Ashley, habang nagtitipa sa kanyang cellphone. "Sabi lang n'ya kahapon baka umaga raw," tanging sagot ni Nathalie sa kapatid. "Alas otso na ah, wala pa rin sila?" tanong ulit nito. "Bakit? Kapag sinabing umaga sila uuwi, alas otso na agad iyon? Baka nakakalimutan mong hanggang eleven ang umaga." sagot naman ni Nathalie sa kanya. "Pilosopo mo!" saad ni Ashley at inirapan ang kapatid "Nagsasabi lang ako ng totoo. Masyado ka kasing excited." Nathalie said rolling her eyes. Kasama sana sila sa pagsusundo kina Nikki sa airport pero tumanggi ito dahil dalawang linggo lang naman daw s'yang nawala hindi taon. Si Nanay Jerr lang ang pumunta kasama si Mang Jun, na family driver nila. Lumipas pa ang dalawang oras nang marinig nila ang busina ng van hudyat na dumating na sila, Nikki. Nagmadaling tumayo sina Ashley at Nathalie para salubungin ang Ina at kapatid. "Hi, Mom," Bati nina Nathalie at Ashley pagpasok ng kanilang Ina sa loob ng bahay. Hinalikan nila ito sa pisngi. Sinalubong naman nila si Nikki na mukhang wala pang tulog dahil sa nangingitim ang eye bags nito. S'ya kasi 'yung tipo nang hindi natutulog sa biyahe. "Welcome back, Nikki," Bungad naman nina Nathalie at Ashley kay Nikki habang bitbit nito sa magkabilang kamay ang dalawang bag na dala nila ng kanilang, Ina. "Baka gusto n'yo munang kunin itong dala ko?!" Mataray nitong sagot. "Ano ba 'yan! Na-miss ka lang namin eh, hindi mo ba kami na-miss?" Kunwaring nagtatampong sabi naman ni Nathalie. "Whoa! Ano ito isang dekada akong nawala? Baka nakakalimutan n'yong dalawang linggo lang 'yon," Natatawang sabi ni Nikki sa mga kapatid. "One, two, or three days we feel like you've been gone for a year." Madamdaming ani naman ni Nath. "Hay naku! Akala ko si Nanay Jerr lang ang madrama, pati pala ang mga ito." sabi n'ya sa dalawa at pinaggugulo ang mga buhok. "Stop it! Kaaayos ko lang sa buhok ko 'no!" Maarteng sabi naman ni Ashley at mas lalo pang ginulo 'yon ni, Nikki. "Maam, magpahinga na muna po kayo. Kami na po ang bahala sa mga dala n'yo ni, Nikki," Sabi naman ni Amor na katulong din sa bahay. Tumango lang ang kanilang Ina at umakyat na ito. Halata ang pagod at puyat sa mukha ng kanilang Ina lalo pa at babad ang mga ito sa trabaho sa America. "Niks?" Tawag sa kanya ni Nathalie. "Bakit? Kung pasalubong ang itatanong mo marami d'yan sa bag." Saad ni Nikki. "Hindi ah, si Papa Jack ang itatanong ko sa'yo." sagot naman ni Nathalie na tumatawa. "Hoy! Kahit kalkalin mo 'yang bag ko hanggang sa mapudpod 'yang kamay mo, wala kang makikitang Jack d'yan. Aanhin ko si Jack sa bag ko?" Pagtataray ni Nikki kay Nathalie. "And about America? Okay naman, naka-ka-relax kahit papa'no." Sagot ulit ni Nikki. "Hoy, babae ka! Sino na naman 'yang Papa Jack na 'yan?" tanong naman ni Ashley. "Naging kaibigan ko sa US. Anak s'ya ng bussiness partner ni, Dad," si Nikki ang sumagot sa tanong 'yon ni Ashley. "Oh! Pa'nong naging kilala mo s'ya Nath?" Tanong ulit ni Ashley. Hindi sumagot si Nathalie, dahil hindi naman n'ya alam ang isasagot n'ya. Hindi naman n'ya talaga kilala si Jack. Nakiusisa lang s'ya kay Nikki kahapon no'ng tumawag s'ya. "Tsismosa kasi 'yan. Napagkamalan ko lang s'yang si Jack kahapon no'ng tumawag, ayun naki-tsismis na. Hindi ko tuloy alam kung kanino 'yan nagmana sa pagka-tsismosa." Umiiling na sabi ni Nikki na sinabayan naman nang malakas na tawa ni Ashley. "Nikki? Baka gusto mong sumama sa amin ni Nath?" Maya't-maya sabi ni Ashley. "Parang hindi ako galing sa mahabang biyahe kung makayaya kayo ah, saan na naman ba kayo pupunta?" "Parlor," maiksing sagot ni Nathalie. "Ano'ng gagawin n'yo du'n?" Tanong ulit ni Nikki. "Manonood ng sine, kakain ng beef steak at maglalaro ng bowling," sabi ni Nathalie na sinabayan pa nang malakas na tawa. "Malamang kapag pumunta ka sa parlor, magpa-pa-makeover ka 'di ba? Hindi ka naman pupunta du'n para kakain." Nakairap naman na sabi ni Ashley. Tumawa nang malakas si Nikki, dahil sa madaling salita, tama nga naman ang mga ito. "Okay, I'll just take a fast shower." Aniya at nagmadali nang umakyat. "Sige bilisan mo lang at baka mainip kami kahihintay sa 'yo," sagot naman ni Ashley. "Kaya nga fast 'di ba? Para mabilis lang," nakairap rin na sagot ni Nikki. "Minsan talaga mga pilosopo rin kayo," biglang sagot naman ni Nathalie. "Nagsalita ang hindi," sabay namang sabi nina Ashley at Nikki. Pumunta sila sa parlor ng kanilang tita Beth, na best friend ng kanilang, Ina. Pinilit nilang pagupitan ang buhok ni Nikki na lagpas na sa bewang. At ang kinalabasan, lagpas balikat na lang. Bagay na bagay sa kanya ang gupit nito na pinakulayan din ng Chesnut brown. Samantalang sina Nathalie at Ashley naman nagpakulay lang din ng buhok. Pagkatapos nilang makipag chikahan sa kanilang Tita Beth at sa mga staff, ay nagpaalam na rin sila. "At dahil bagong gupit ka, dapat magbago ka rin ng outfit," maya-maya'y saad ni Nath. "Ash! Alam mo na kung saan tayo pupunta," Dagdag pa nito sabay kindat kay Ashley na s'yang kasalukuyang nagmamaneho. "Alam n'yo kayong dalawa?" Sabi ni Nikki, sabay salitan n'yang tinuturo ang mga kapatid. "Dapat sa mga oras na ito ay nagpapahinga ako eh, pero mas lalo n'yo pa akong pinapagod." Inis n'yang reklamo. "Sis, 'wag kang mag-alala last na ito," saad naman ni Nathalie. "Dapat lang. Dahil kung may kasunod pa ito? Pag-uumpugin ko na 'yang mga ulo n'yo," seryosong sabi naman ni Nikki. Malakas na tawa lang ang naging sagot ng dalawa sa kanyang sinabi at pinaharurot na ang kotse. Pagdating nila sa mall, agad hinanap ni Nathalie ang madalas n'yang bilhan ng magagandang damit. Dinala n'ya doon sina Nikki at Ashley. "Dito ako madalas bumili ng magagandang damit. Alam kong may magugustuhan rin kayo," ani ni Nathalie sa mga kapatid. Pumili naman sina Ashley at Nikki ng damit, ganu'n din si Nathalie. Nasa ganu'n s'yang ayos nang mamataan n'ya ang isang lalaki at babaeng namimili rin ng damit. Nangunot ang noo n'ya no'ng mamukhaan ang lalaki. "Ano'ng ginagawa ng kuripot na ito rito?" Aniya ni Nathalie sa sarili na ang tinutukoy ay si, Xander. "Ibang babae na naman ang kasama n'ya? Ilan pa kayang babae ang dadalhin nito sa ibang lugar? No'ng una sa company nila. Ngayon naman dito sa mall?" Sunod-sunod na tanong n'ya sa sarili. Nakita n'yang lumipat ng pwesto ang babaeng kasama nito. Sinundan ni Nathalie ang babaeng kasama ni Xander at pumwesto malapit dito. Nakita n'yang kukuhanin na ng babae ang magandang damit na kulay mint green pero mabilis ang galaw n'yang inunahan ang babae. "Miss, I was the first to get that dress," aniya ng babae. "Kung ikaw ang nauna bakit hawak ko na?" Pagtataray niya sa babae. "Because you pulled on my hand," mataray din na sabi nito. "I didn’t pull on your hand, you were just slow to pick kaya ka nauunahan," aniya na nakataas ang kilay sa babaeng kasama ni, Xander. "Ano'ng nangyayari rito?" Ani ng baritonong boses na galing sa likod ni Nathalie. "Itong babae, hinila n'ya sa kamay ko ang damit na nagustuhan ko," maarteng sumbong ng babae. "Magsumbo ka lang, Inday. Aakala mo naman natatakot ako sa kuripot na lalaking 'yan? No way! Ikaw lang din pagbabayarin n'yan sa mga napamili mo, dahil saksakan ng kuripot 'yan," aniya ni Nathalie sa isip. "Maghanap na lang tayo ng iba," saad ni Xander. "No! Kanina pa ako naghahanap ng damit at kahit isa wala akong magustuhan. Kung kailan may napili na ako saka naman kukunin ng iba sa kamay ko!" Galit nitong sabi kay Xander. "Eh, paano 'yan? Ako na ang nakakuha rito," saad naman ni Nathalie na pinalungkot pa ang boses. "Ako ang nauna. Sinungaling ka! Bakit hindi na lang ikaw ang maghanap ng iba!" Pagtataray ulit ng babae sa kanya. "Stop it, Aria. Damit lang 'yan, marami ka pang makita d'yan na higit na maganda," pangungumbinsi naman ni Xander sa kasamang babae. "Remember this day. Magkikita pa tayo!" Galit na sabi ng babae. "Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na 'yon," kalmadong sabi naman ni Nathalie sabay ngiti nang matamis kay Xander. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya na salubong ang kilay. Hinintay muna n'yang umalis ang dalawa sa parteng 'yon bago siya bumalik sa pwesto ng kanyang mga kapatid. "Guys, maganda ba ito?" tanong ni Nathalie sa damit na pinag-awayan pa nila ng babaeng kasama ni, Xander. Kung away nga bang masasabi 'yon o sagutan lang. "No!" Sabay na bigkas ng dalawa. Napangiwi s'ya dahil sa sagot ng mga kapatid n'ya. "Kung hindi ito maganda? Bakit napaka-OA ng babaeng 'yon sa damit na ito?" Aniya sa sarili. "Kulay lang ang maganda, pero ang design? Eww, baduy! Kailan ka pa naging baduy sa pamimili ng damit mo?" Sabi ni Ashley na nakangiwi pa ang labi. Binalik na lang n'ya sa pagkaka-hang ang damit. Hindi naman talaga n'ya balak bilhin 'yon. Gusto n'ya lang inisin ang babaeng kasama ni Xander. Para naman makabawi s'ya sa ginawa nitong pamamahiya sa kanya nu'ng magpapalibre s'ya ng meal kahit pabiro lang 'yon. Nagpatuloy sila sa pamimili hanggang sa lumipas pa ang isang oras at magyaya na si Nikki na umuwi. Siguro ramdam na rin n'ya ang pagod galing sa biyahe. Binayaran muna nila ang mga damit na nagkakahalaga nang higit fifty thousand pesos bago nila napagpasyahang umuwi na. Si Nathalie naman ngayon ang nakatokang magmaneho. Nakatulog sa tabi n'ya si Nikki, dahil sa pagod. Habang tumatawa naman si Ashley sa likuran dahil sa pinapanood nitong video ng paborito n'yang vlogger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD