CHAPTER 4

2023 Words
Pumasok sa kwarto si Nathalie, bitbit ang mga damit na binili nila sa mall. Inilapag niya lang iyon sa may gilid ng kanyang kama at pabagsak na humiga. Nag-open lang siya saglit sa kanyang laptop at ini-stalk na naman ang account ni, Xander. Natatawa pa siya kanina sa itsura nitong naka-salubong ang kilay dahil sa pang-agaw niya sa damit ng kasama niyang babae. Kulang na lang sakalin siya nito sa sobrang pagkadikit ng kanyang kilay. Nakaka-ilang scroll pa lang siya nang maramdaman niya ang antok. Napa-tingala siya at tiningnan ang orasan na naka-sabit sa dingding. Alas, dos na pala kasi ng tanghali kaya nakakaramdam na siya ng antok. Kapag ganitong walang pasok, gawain na talaga niya ang matulog kapag tanghali. Kain, tulog, shopping, at bar lang umiikot ang araw niya kapag walang pasok sa eskwelahan. Nanonood siya ng video at 'di niya namalayan na nabitawan na niya ang kanyang cellphone dahil sa antok. Nakatulog siyang naka-on ang video ng kanyang cellphone habang naka-dapa. Nagising lang siya na kumakalam ang sikmura. Pagdilat niya mag-alas sais na pala ng gabi. Mabilis siyang bumangon at pagkain agad ang kanyang hinanap. Pupungay-pungay pa siyang bumaba sa hagdanan habang kinukusot ang magkabilang mata. Pagbaba niya, wala si Ashley. Nakita niyang nagbabasa ng diyaryo ang kanyang Ina, at may kape pa sa harap nito na naka-patong sa mesa. "Oh, gising ka na pala? Kumain ka na dahil sabi ni Ashley, hindi ka pa raw kumakain simula kaninang tanghali." Ani ng kanilang Ina, sabay lapag sa hawak niyang diyaryo. "Ate Amor, ipaghain niyo nga po ng pagkain si Nathalie," aniya sa katulong. Mabilis naman tumalima si Amor. Ilang saglit lang din ay naglapag na si, Amor ng pagkain niya sa mesa. May pochero, lumpia, at calderetang baboy. "Gutom na gutom ako pero hindi ko akalain na ganito karami ang ihahain sa harap ko. Samantalang ako lang naman ang kakain. Mukhang patatabain yata ako ni, Ate Amor ah," ani ng dalaga sa sarili. Wala siyang ginawa kung 'di kumain na lang din. Hindi naman siya pwedeng magreklamo na bawasan ang ulam sa harapan niya, lalo na't nasa malapit lang ang kanyang Ina. Lagi kasi silang sinasabihan ng kanilang Ina na 'wag nang magreklamo sa kung ano'ng meron sa harap ng kanilang hapag kainan. Kumuha lang siya ng lumpia at konting pochero. Magana siyang kumain dahil na rin siguro sa maghapong walang kain at talagang gutom na siya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na naka-patong sa ibabaw ng mesa. Tumingin muna siya sa kanyang Ina dahil baka makita siya nitong nagse-cellphone habang kumakain. Mabilis siyang nag-scroll at pumunta sa profile ni Xander. Gawain na niyang mag-stalk sa account ni Xander, dahil gusto niyang malaman kung na saan ito at kung ano ang ginagawa. Syempre para mapuntahan niya at alamin kung may ibang babae na kasama. Minsan iniisip niya na obsess na siya kay, Xander. Pero lagi namang sagot ng kanyang isip ay hindi. Masaya lang siya kung ano ang ginagawa niya. Kung tanging pag-stalk lang sa binata at pagsubaybay dito ang magpapasaya sa kanya ay gagawin niya iyon. Napa-tigil siya sa pag-scroll nang mapansin niyang may post na naka-tag kay, Xander. Binasa niya ang caption, 'chill and relax' at may mga emojis pang naka-lagay do'n. May alak pa sa harap ng mga ito at halatang nagre-relax lang. Ang babae kanina sa mall na naka-sagutan niya ang nag-post at nag-tag kay Xander. Nakita rin niyang bar iyon, nila Zach. May naisip na naman siyang kalokohan na alam niyang makakasira sa gabi ng dalawang taong nakikita niya sa screen ng kanyang cellphone. Binilisan na niya ang kanyang pagsubo at nagmadaling umakyat sa kanyang kwarto. Napa-tingin sa kanya ang kanyang Ina na naka-kunot noo dahil sa kanyang pagmamadali. "Tapos na bang kumain si Nathalie?" dinig niyang tanong ng kanyang Ina kay Amor. Hindi na niya narinig pa ang sinagot ni Amor dahil naka-sarado na ang pintuan ng kanyang kwarto. Nagbihis siya ng seksing dress na kulay red. Spaghetti strap na v-shape sa dibdib. Tinernuhan niya ng kulay black na heels at baguette bag na kulay black din. Nag-spray din siya ng paborito niyang perfume na Chanel. Bumaba na siya at nagpaalam sa kaniyang, Ina. Humalik muna siya sa kanyang Ina bago tuluyang umalis. Pasalamat na lang siya dahil hindi na nagtanong pa ang kanyang Ina kung saan siya pupunta. Isang dosenang kasinungalingan na naman ang maisasagot niya kapag nagkataon. Sakay ng kanyang kotse, dumiretso siya sa bar, na pagmamay-ari ng kaibigan nilang sina Zach, Gab, at Drew, ang ZGD bar. Malakas na tugtugin ang bumungad sa kanya. Mga kababaihan at kalalakihan na nagsasayaw sa bulwagan. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawang pares ng tao. At nang makita niya ang mga ito ay agad siyang kumuha ng pwesto 'di kalayuan sa kanila. Nag-order siya ng isang bote ng tequila. Sanay naman siyang uminom at alam niyang kaya niya itong ubusin nang mag-isa. Maya't-maya siyang tumitingin sa dalawang bulto na nagtatawanan at panay kwentuhan. Nilagok niya ang isang shot ng tequila sa kanyang baso at ngumiti nang mapait. "Oh, 'di ba? Kapag ikaw ang kaharap ang asim nang mukha. Samantalang 'pag ibang babae, napakatamis ngumiti." Yamot niyang sabi sarili na ang tinutukoy ay si, Xander. Umiikot ang mata niya sa loob ng bar. Hinanap ng kanyang mata si Gab or kahit si Drew, pero kahit isa sa mga ito ay hindi niya makita. Mga magkabarkada at couple lang sa bawat mesa ang nakikita niya. Siya lang ang bukod tanging nag-iisa at walang kapareha. "Bakit ba puro couple na lang ang nakikita ko rito? Ako na lang ba ang single sa mundo? Kung sino man ang nakalaan sa'kin dumating ka na. Please! Lord, baka naman pwedeng maglaglag ka ng isa diyan para sa akin." aniya nitong tumingin pa sa taas pero tanging kisame lang ng bar ang nakita niya at may dalawang butiki pang naghahabulan. "Kita mo iyon, Nathalie? Pati butiki napag-iwanan ka na!" Inis niyang sabi sa sarili. Nilagok niya ulit ang baso na naglalaman ng alak t'saka naisipan niyang tumayo at makipagsayawan sa bulwagan. Saktong pinalitan naman ang tugtog na medyo maharot. Nakipaggitgitan siya sa bulwagan at sumayaw nang sumayaw. May lalaking lumapit sa kanya at hinawakan siya sa bewang. Sumayaw din ito nang seksi katulad ng ginagawa niya. Gumiling-giling siya patalikod sa lalaki habang hawak siya nito sa bewang. Dahil na rin siguro sa alak na ininom niya kaya malakas ang loob niyang sumayaw sa harap ng lalaking hindi niya kakilala. Iniwan niya ang lalaking kasayaw niya nang makaramdam siya ng pagod. Bumalik siya sa kanyang mesa at hingal na umupo. Nagsalin siya ng tequila sa baso at mabilis pa sa alas kwatrong nilagok ulit ito. Tumingin siya muli sa mesa nila Xander, pero wala na sila doon. "Sa kasasayaw mo hindi mo na namalayan na tinakasan ka na ng target mo! Ngayon saan mo siya susundan? Saan mo siya hahanapin?!" Galit niyang sabi sa sarili. Dahil sa inis, sunod-sunod niyang ininom ang alak. Napangiwi na lang siya nang makita niyang halos maubos na ang laman ng bote. Napangalumbaba siya sa mesa dahil na rin sa frustration sa sarili. Pumunta siya sa bar para kay Xander, pero nawala na parang bula dahil sa kapabayaan niya. "Are you okay, Miss?" Tanong ng lalaking biglang sulpot sa harapan niya. "Nakikita mo bang okay ako?" Mataray niyang sagot. Tumingala siya sa pagkakayuko. Napansin niyang ito 'yung lalaking nakasayawan niya kanina. Umupo ito sa harap niya kahit hindi niya sinabi. May dala pa itong alak sa magkabilang kamay. "You look not. Bakit mag-isa ka lang yata?" Tanong ulit nito. "It's none of your concern," she said, rolling her eyes at him. "Alam kong may problema ka. Why don't you give it a shot?" Nakangiti nitong sabi sabay abot ng alak sa kanya. Tiningnan niya ang inaabot nitong maliit na baso na may lamang alak. Dahil sa inis sa sarili ay kinuha niya iyon at maibilis na tinungga. Ngumiti nang malapad sa kanya ang lalaki pagkatapos niyang inumin iyon. Inubos niya rin ang laman ng bote ng tequila niya pagkatapos niyang inumin ang alak na binigay ng lalaki sa kanya. Tumayo siya, hinila niya ang lalaking nasa harap niya at nakipagsayawan ulit dito. Pakiramdam niya ang init ng buong katawan niya kahit naman naka-aircon sa bar at dagdagan pang naka-spaghetti lang naman siya ng damit. Nahihilo na rin siya at parang gustong pumikit ng mata niya pero nilalabanan niya lang ito. Sumayaw siya nang sumayaw para pagpawisan siya baka sakaling mawala ang tama niya. Lumapit sa kanya ang lalaki at hinawakan siya nito sa leeg at bewang. Hinahalik-halikan nito ang kanyang tenga at hinihimas ang kanyang likod. Gustong magprotesta ng kanyang utak pero iba ang sinasabi ng kanyang katawan. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam na parang may ibang gustong marating dahil sa paghalik nito sa kanyang tenga. Hinila siya nito sa may bandang sulok ng bar papuntang cr at doon siya pilit hinahalikan sa labi. Nanlaban siya kahit iba ang gusto ng katawan niya. Iniisip niya na hindi sa ganitong uri ng lalaki niya ipagkakaloob ang sarili kung 'di kay Xander lang. Nasampal niya ang lalaki pero ngumiti lang ito sa kanya na para bang wala itong naramdamang sakit. Akmang hahalikan siya ulit nito nang may sumuntok sa lalaking may balak na masama sa kanya. Nanlalaki ang matang napatingin siya sa lalaking wala nang malay na nakahiga sa sahig. Tumingala siya at tiningnan kung sino ang night in shining armor niyang nagligtas sa kanya. At laking gulat niya nang makita si Xander. "Xander! My night in shining armor!" Aniya nito sa bulol na salita habang ang mga mata'y mapupungay na tumingin sa binata. Matamis siyang ngumiti sa binata na para bang nang-aakit. Yumakap siya kay Xander pero hindi siya nito niyakap pabalik bagkus tinanggal nito ang kanyang kamay na pumulupot sa kanyang katawan. "Sa susunod na pupunta ka sa bar, 'wag kang magsuot ng ganyan para hindi ka mabastos." Aniya ng binata sa suot niyang damit. "W-wala kang pakialam kahit anong suotin ko, kahit mag-panty lang ako rito wala kang paki!" Bulol niyang sabi na may halong inis sa boses. "At sa susunod, 'wag kang basta-basta na lang makipag-usap o makipagsayawan sa taong hindi mo naman kakilala!" sermon ulit ng binata sa kanya "Bakit ba? Anong problema mo?" Aniya ng dalaga habang nakapameywang sa harap niya. Kamuntik pa itong matumba dahil sa kanyang ginawa. "Ano'ng problema ko? Ikaw ang problema ko! Sa tingin mo ba kung hindi ako dumating, saan ka na ngayon pupulutin? Baka pinagsamantalahan ka na nang lalaking iyon. And worst, baka bangkay ka na lang kinabukasan." Galit na sabi ng binata sa kanya. "Pupunta-punta ka sa bar hindi mo naman kaya ang sarili mo. Sa susunod isama mo ang mga kapatid mo para hindi ka mukhang tanga na nag-iinom mag-isa." galit na sigaw sa kanya ng binata. Imbes na magalit siya sa binata dahil tinatasaan na siya nito boses ay malapad pa siyang ngumiti. Lumapit siya sa binata at hinimas ang dibdib nito. "Concern ka sa akin 'no?" Aniya nitong lumapit pa lalo at dinikit ang katawan sa binata. Para namang napaso at biglang napalayo sa kanya ang binata. "Kahit sinong matinong lalaki, gagawin ang ginawa ko." Aniya ng binata sa kanya. Buti na lang at bumalik siya sa bar paghatid niya kay Aria. Kung hindi ay baka na rape na ang dalaga. "Anyways, thank you for saving me." aniya ng dalaga at tumalikod na. Wala na siyang pakialam kung ano ang susunod nitong sasabihin sa kanya. Pasuray-suray pa siyang maglakad at minsan hinihimas ang leeg at braso dahil sa init na nararamdaman niya sa sarili. Ilang beses na siyang uminom ng tequila pero hindi ganito ang pakiramram niya. Hindi niya alam kung ano'ng nangyayari sa kanya. Ang iniisip na lang niya baka dahil nasobrahan siya sa inom. Hindi pa siya nakakalayo nang bigla siyang mawalan ng balanse dahilan para matumba siya. Pero ang inaasahan niyang sa sahig siya babagsak ay hindi nangyari. Sa matigas na bagay rin siya bumagsak. Sa katawan ng taong hindi niya mamukhaan dahil bumibigay na ang matang kanina pa niya nilalabanan. Ang tanging naramdaman niya lang ay ang pag-angat niya sa ere. Binuhat siya ng lalaking hindi niya mamukhaan dahil sa antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD