03

1248 Words
Hindi ramdam ni Stephanie ang pagod niya matapos ang mahaba niyang flight pabalik ng Pilipinas na halos walong oras ang itinagal galing sa Sydney Australia. Punong-puno pa rin kasi siya ng excitement habang hinihila niya ng kaniyang baggage bag. Nararamdaman niya ang kaba sa dibdib niya dahil ilang minuto na lang ay makikita niya na si Lexus. Hindi nagtagal ay mabilis niya nang inilibot ang kaniyang paningin sa mga kumpol ng tao na nasa labas ng metal barricade ng airport. Nandoon kasi ang mga tao na naghihintay sa kanilang mga kamag-anak o kapamilya ipang sunduin ito at salubungin. Ilang minuto rin ang itinagal ni Stephanie sa pagkakatayo niya sa kaniyang pwesto dahil patuloy pa rin na hinahanap ng kaniyang mga mata si Lexus ngunit bigo siya na makita ito. Awtomatikong nawala tuloy ang ngiti sa kaniyang mga labi. Ang akala niya kasi ay susunduin siya ng binata gaya nang pinag-usapan nila no'ng isang linggo. Nabanggit naman niya na magla-landing ang eroplano na sinakyan niya ng mga bandang alas-tres ng hapon sa Pilipinas. "Asan na kaya siya? Nakalimutan niya ba na ngayon ang dating ko? "Hindi ko maiwasan na maitanong sa sarili ko 'yon. Napabuga na lang ako ng hininga tsaka tuluyan na akong naglakad palabas. Dapat pala hindi ako umasa na susunduin niya ako, edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Hayyss. Pero-- "Aray. "Na sambit ko na lang nang maramdaman ko na biglang may nabunggo ako. Medyo nakayuko kasi ako sa paglalakad kaya naman hindi ko namalayan na may mabubungguan pala ako na tao. Mabilis kong inangat ang paningin ko upang makapag-sorry ako kaagad. Nang magsasalita na sana ako ay mabilis rin akong napatigil nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko ngayon. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko lalo na at magkasalubong ngayon ang mga mata namin. Napalunok pa ako ng laway at tsaka ko mabilis na binitawan ang hawak-hawak kong bagahe tsaka ko siya mabilis na niyakap. Oh my God! Akala ko hindi ako susunduin ni Lexus pero nagkamali ako. Nandito na siya ngayon sa harap ko at yakap-yakap ko pa. "I miss you Lex. "Mahinang wika ko sa kaniya sa pagitan ng yakap naming dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko naramdaman ang pagyakap niya sa akin pabalik. Kinilig naman ako dahil doon. Hindi nagtagal ay ako na rin mismo ang lumayo sa yakap namin dahil ayoko namang isipin niya na patay na patay ako sa kaniya at miss na miss ko siya kahit 'yon naman talaga ang totoo. Ngumiti ako sa kaniya nang harapin ko siya ulit. "A-akala ko hindi mo ko susunduin eh. "Medyo mahinang sabi ko kasi nakaramdam ako ng konting hiya dahil sa ginawa kong pagyakap sa kaniya. Kahit naman close kaming dalawa ay hindi ko alam kung aware ba siya na may gusto ako sa kaniya. "Sorry, medyo na-traffic lang ako papunta dito? So, let's go? "Tanong niya at tanging sunod-sunod na pag-tango ang isinagot ko sa kanya tsaka muling ngumiti. Naglakad na siya ulit pero hindi ko maiwasan na hindi kumibo dahil-- "Hi-hindi mo ba ako tutulungan sa mga bagahe ko? "Tanong ko sa kaniya dahil hindi man lang niya kinuha 'yong mga dala kong gamit. Medyo marami rin kasi 'to. Awtomatikong napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko at muling lumingon sa akin. Mukhang na-gets naman niya agad ang sinabi ko kaya mabilis siyang bumalik ulit sa tabi ko. "Sorry nakalimutan ko, "wika niya. Tanging pag ngiti na lang ang ibinato ko sa kaniya dahil ang cute niya sa way nang pagkakasabi niya no'n. Kinikilig na naman ako. Ngayon ko lang napansin na medyo madaming nagbago kay Lexus ngayon. Lalo siyang naging gwapo sa paningin ko at parang mas gumanda rin ang pangangatawan niya. Mukhang may muscle na siya ngayon, dati kasi ay medyo patpatin lang siya. Kung sabagay, halos tatlong taon ko siyang hindi nakita kaya hindi na nakakapagtaka na medyo malaki ang pinagbago niya. "Masama ba ang pakiramdam mo? Kanina ka pa tahimik eh. "Biglang wika ko kay Lexus kasi ang tahimik niya ngayon. Hindi naman siya gano'n dati. Minsan nga, siya pa ang nauunang magtanong kung kamusta ba ang flight ko o kung ano-ano pa. Pero ngayon...ang tahimik niya talaga. "Medyo masakit lang ang ulo ko. Pero mawawala rin 'to kapag uminom na ako ng gamot. "Sagot niya at ngumiti siya sa akin ng sobrang simple. Hindi na lang ako nagsalita kasi naiintindihan ko naman na baka nga masakit lang talaga ang ulo niya. "Bakit? Ano 'yong mahalaga mo'ng sasabihin sa akin? "Agad na tanong ni Scot matapos niyang pabagsak na naupo sa couch kung saan niya nakita ang kaniyang kakambal na si Lexus na nakaupo rin doon. Hindi naman agad nakasagot si Lexus sa tanong ni Scot kaya naman naghintay pa ng ilang minuto ito. Halata na agad ni Scot na may malalim na iniisip ang kaniyang kapatid at wala siyang ideya kung ano ba 'yon. Hindi nagtagal ay nagsalita na si Lexus. "May mahalaga akong business trip na kailangang puntahan sa Europe. I think mga 2 to 3 months ako mawawala. "Paunang wika ni Lexus sa kaniyang kapatid tsaka niya ito binatuhan nang tingin. Sunod-sunod naman na nag-nod si Scot kahit na naguguluhan siya kung ano ba ang kinalaman niya doon. "May maitutulong ba ako? "Tanong ni Scot. Hindi na naman agad nakasagot si Lexus sa tanong na 'yon pero hindi na rin nagtagal at sinabi niya na kung ano ba talaga ang kailangan niya sa kaniyang kakambal. "Pwede bang ikaw muna ang bahala kay Steph habang wala ako? I mean, can you atleast pretend to be me?"Diretsong saad ni Lexus na ikinatigil namn ni Scot. Ilang segundo siyang napahinto dahil sa kanyang narinig hanggang sa mag-process na 'yon sa utak niya at mabilis siyang tumawa. "What? Are you kidding me? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya na aalis ka? Bakit kailangan ko pang mag panggap bilang ikaw? "Tanong ni Scot at halata naman sa ekspresyon nang pananalita niya na taliwas siya sa balak na gawin ng kaniyang kakambal. "I can. Kaya ko naman, kaya lang... ayokong isipin niya na hindi mahalaga para sa akin ang magiging kasal namin dahil arranged marriage lang 'yon. You know that she's important to me, kababata natin siya at ayokong masaktan siya. So please, pumayag ka na. Sasamahan mo lang naman siya sa mga lakad niya sa pag-aasikaso ng kasal namin eh. 'Yon lang. Sisikapin ko na makabalik agad bago ang kasal. Kailangan ko lang talaga na puntahan ang business trip na 'yon kasi doon nakasalalay ang kompanya natin. "Mahabang paliwanag ni Lexus sa kakambal niya. Napaisip naman si Scot sa mga sinabi ni Lexus. Nagdadalawang isip siya kung dapat ba siyang pumayag o hindi kasi obviously, ibang-iba ang ugali niya kesa sa ugali nito. "Mahahalata niya ako. Alam mo naman na ibang-iba ang ugali nating dalawa, "wika ni Scot. "Mag kamukha naman tayo. Basta ngumiti ka lang lagi at maging maalaga sa kaniya. Almost 3 years din tayong hindi nagkita kaya sure ako na hindi niya 'yon mahahalata. Wala rin si Mama at si Dad kaya sigurado ako na hindi ka mabubuko. "Pagpupumilit pa ni Lexus. Napabuga naman ng hininga si Scot at wala na siyang nagawa kundi ang sumang-ayon sa sinabi ng kaniyang kakambal. Minsan lang din kasi na humingi ito sa kanya ng pabor kaya naman hindi niya matanggihan. At ngayon ay mukhang kinu-kwestyon na ni Scot ang kaniyang sarili kung bakit ba siya pumayag lalo na at katabi niya na ngayon sa kotse si Stephanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD