02

1201 Words
Loud music and screams of men and women having fun that night could be heard all around the area. The smell of alcohol and cigarette smoke from the people dancing was already mixed. Some are dancing wildly, some are just drowning themselves in alcohol and some are already making out in the bathroom of the bar. Isa na do'n ang binata na si Scot Aiden Flynn. He's making out already on the girl that he just bumped earlier at the dance floor. They are just both sober but they can't control the heat of their body. Hinahalikan lang ng binata ang labi ng dalaga habang ang kamay niya ay nakahawak sa mga hita nito. Malaya niya lang na hinihimas ito pataas at pababa sapagkat maikli lang naman ang suot na tube dress ng babae. Hindi pa sana sila hihinto sa ginagawa nila kung hindi pa bumukas ang pinto ng comfort room na 'yun kung nasaan sila. Agad na napalaki ang mata ni Pierce...ang kaibigan ni Scot nang makita niya ang ginagawa nito. "F*ck! P*tangina, wag ka nga dito magkalat Flynn!" Asar na wika ni Pierce at hinigit niya na ang kaibigan palabas ng banyo na 'yon kung saan naiwan lang do'n ang babae ng mag-isa. "Panira ka talaga Cordova!" Asar na wika ni Scot sa kaibigan habang higit-higit nito ang sleeve ng kaniyang polo. Hinawi niya rin ang magulo niyang buhok sapagkat nagulo 'yon sa pagsabunot sa kaniya ng babae kanina. "Gago ka ba? Uso aids ngayon, tsaka bar 'to ni Tim," wika ni Pierce pagtutukoy nito sa kaibigan nila na si Optimus. Hindi na lang pinansin pa ni Scot ang kaniyang kaibigan at nagpahigit na lang ito papunta sa table nila. Pabagsak siyang naupo doon at agad na inabot ang bote ng Black Label tsaka siya nagsalin nito sa hawak niyang baso at uminom. "Nasaan na si Natalie at Tim?" Tanong ko makalipas ang ilang segundo matapos kong uminom ng alak. Binatuhan naman ako nang tingin ni Pierce bago siya sumagot. "Hinatid na ni Tim si Natalie pauwi. May trabaho pa 'to bukas eh. "Sagot na lang ni Pierce at umiinom na rin siya ngayon ng alak niya. Napatango-tango naman ako at hindi na lang sumagot pa. Busy kasi ako sa panonood ng mga babaeng sumasayaw ngayon sa dance floor. Hindi nagtagal ay bigla akong may naalala. "Sabi mo kanina busy ka? "Biglang tanong ko kay Pierce. Siya nga pala si Pierce Cordova, kaibigan na namin siya ni Natalie and Tim since college. Gwapo siya pero mas gwapo nga lang ako sa kaniya. Hahaha. Alam ko na rin naman agad kanina na may tendency na pipigilan niya ako sa pakikipag-s*x do'n sa babaeng kasama ko kanina sa banyo dahil matino siya. Hindi siya fond of one night stand or quickie. Hindi tulad ko na kahit sinong babae na matipuhan ko ay tinitikman ko. But don't get me wrong, I'm not a fuckboy like of person. I'm just enjoying my life as a bachelor. Gano'n naman talaga siguro kapag single. "Ahm. Naisip ko na wala na pala akong gagawin kaya sumunod na ako dito. "Sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na mapa-smirk. "Joke ba 'yon?" I said and laugh. "Siguro kaya ka nandito ay dahil umaasa ka na naman na makikita mo pa rin yung mysterious girl mo dito sa bar ni Tim, "wika ko pa. Meron kasi siyang nakita na babae dito sa bar ni Tim last week at mukhang tinamaan siya do'n. Ang problema lang ay hindi niya 'yon nakilala at hanggang ngayon ay hindi niya na nakita pa ulit 'yung babae. Kawawa naman. "Shut up. Wag mo na nga lang akong pansinin. "Inis na wika niya. I laugh again. Tama pala ang hinala ko. Uminom na lang ulit kaming dalawa at halos nauubos na ang Black Label na alak namin pero hindi pa rin bumabalik si Tim. Pero sigurado naman kami na babalik siya dito dahil syempre bar niya 'to eh. "Nga pala, kamusta na si Lexus? Hindi ko na siya nakikita this past few weeks ah. "Biglang wika ni Pierce. Napatawa naman ako ng mahina dahil doon. "Bakit mo pa siya hinanap? Magkamukha naman kami kaya parang ako rin si Lexus. "Pagbibiro na wika ko at mabilis naman niya akong tinulak tsaka sabay kaming nagtawanan. By the way, I'm Scot Aiden Flynn, I'm now already 26 years old. I have a twin brother named Lexus Aisen Flynn. Magkamukha kami, as in. Siguro sa ugali lang talaga kami nagkakaiba. Mas responsable kasi siya kesa sa akin kaya siguro siya ang nagha-handle ngayon ng Flynn's Furniture... ang kompanya ng parents namin. Well, wala naman 'yon sa akin kasi ayoko rin naman nang nagtatrabaho ako. I can make my own money. Tsaka suportado naman ako ng parents ko sa mga gusto kong gawin at gano'n din naman si Lexus. Gusto niya na siya ang mag-handle ng business ni Mama and ni Dad kaya hinayaan nila ito. Siguro dahil gusto niya na may patunayan siya doon sa babaeng pakakasalan niya. Yes. Meron siyang fiance. Kababata namin 'yon -- si Stephanie. Arranged marriage lang ang mangyayari sa kanilang dalawa pero halata naman na may gusto siya kay Lexus. Ohh well. I'm happy dahil hindi ako ang pinili ni Mama at ni Dad para pakasalan 'yung babae na 'yon. Masaya ako sa pagiging buhay single ko at tsaka wala pa sa isip ko ang magpatali agad sa kasal. Marami ring kaibigan si Lexus kasi madali lang siyang pakisamahan. Samantalang ako? Bilang lang sa mga daliri ko sa kamay ang mga kaibigan ko. Masungit daw kasi ako at isnabero pero wala naman akong pakialam doon. I don't really give a f**k! Nagtagal pa kaming dalawa ni Pierce sa pwesto namin hanggang sa biglang nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan na batuhan nang tingin ang caller ID sa screen ng phone ko kung sino ba ang tumatawag sa akin. Nang mabasa ko ang pangalan ni Lexus ay agad ko 'yung kinuha tsaka tumayo. "Pare, sasagutin ko lang itong tawag ni Lexus. Pupunta lang ako sa labas. "Paalam ko kay Pierce at tumango-tango lang siya bilang pagsang-ayon. Lumabas naman ako sa may likod ng bar kung saan pwede ka doon na mag-yosi rin. Buti na lang at wala kong tao na nadatnan do'n kaya malaya ko lang na nasagot ang tawag ni Lexus. "Yow, bakit ka napatawag? "Tanong ko kaagad sa kabilang linya. 'Akala ko nakauwi ka na. Asan ka ngayon? ' "Nandito ako sa bar ngayon ni Tim. Bakit? Hinahanap na ba ako nina Dad sa'yo? "Tanong ko pa ulit. Wala kasi ang parents namin ngayon sa bahay. Nasa Davao sila para asikasuhin din doon ang maliit ng branch ng Flynn's Furniture. Nakaugalian na kasi nina Mama na si Lexus muna ang tatawagan nila para itanong kung nasaan ako. Para malaman nila kung magsisinungaling ba ako? Hahaha. 'Hindi naman but can you go home now? May mahalaga lang ako na sasabihin sa'yo, ' wika niya sa kabilang linya. Nahalata ko na agad ang pagiging seryoso ng tono nang pananalita niya kaya naman sigurado ako na mahalaga talaga ang sasabihin niya. "Okay. I'll be there exactly 10 PM. "Sagot ko at nag 'okay' na lang siya sa kabilang linya hanggang sa namatay na yung tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD