04

1362 Words
STEPHANIE’s POV Hindi ko maiwasan na simpleng batuhan lang nang tingin si Lexus dito sa tabi ko habang seryoso lang siyang nag mamaneho. Hindi ko rin maiwasan na mapangiti sapagkat katulad nang sinabi ko ay mas lalo siyang naging gwapo ngayon. Mas matured na ang mukha niya pero halata pa rin ang kabataan sa mukha niya. Halos hindi naman kasi nag kakalayo ang mga edad namin eh. Mula sa pwesto niya ay naka side view siya sa paningin ko kaya kitang-kita ko ang matangos niyang ilong. Napabuga ako nang lihim na hininga habang napapangiti. Kapag nagkataon, magandang lahi ang maibibigay niya sa magiging mga anak namin. Hihihi. Ang landi ng thoughts ko pero kung kayo ang nasa kalagayan at sitwasyon ko ngayon, tiyak na iisipin niyo rin kung ano man ang iniisip ko. Isang Lexus Aisen Flynn ang nasa harapan ko ngayon, matalino, gwapo at napaka responsible pang tao. Siya lang ang kilala ko na napag sasabay niya ang lahat nang inatasan sa kaniyang gawain. Sobrang natutuwa nga ako dahil kahit hanggang ngayon ay ganon na ganon pa rin siya at walang pinag bago sa kaniyang ugali. Natutuwa rin ako dahil maaga pa lang ay nakita ko na agad na magiging isang responsable at mabuti siyang asawa sa akin... kahit na arrange marriage lang kami. Dito sa arrange marriage namin, wala namang involve na pera o hindi involve dito ang mga business ng both parents namin, finu-full fill lang talaga namin yung naging kasunduan ng mga parents namin noong ipinag bubuntis pa lang nila kami. And I like that thing. Siyempre, sino pa ba ang aarte kung isang Lexus ang mapapangasawa mo di ba? Alam ko kasi na magiging bright ang future ko sa kaniya. Hahaha. “Sa bahay niyo pala ako mag i-stay,”nakangiting wika ko sa kaniya dahil hindi ko naman alam kung alam niya ba ‘yun o hindi. Akala ko matutuwa siya pero bigla niyang na ipreno ‘yung kotse at buti na lang nakasuot ako ngayon ng seatbelt ko at idagdag pa na walang masyadong sasakyan ang nasa unahan namin dahil kung hindi ay baka may naka bungguan na kami. “Ahh— ano ba ‘yun?”Agad na wika ko kasi hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit siya awtomatikong napahinto. Binatuhan niya ako nang tingin kung saan agad na nagtama ang mata naming dalawa. “What did you say?”Kunot-noo na tanong niya sa akin. Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko maiwasan na titigan lang ang naging ekspresyon niya ngayon. Idagdag pa na medyo tumaas ang boses niya nang itanong niya sa akin ‘yun na hindi naman niya nagagawa noon. Always kalmado lang kasi siya tuwing nagkakausap kaming dalawa. Napatitig din siya sa akin pabalik, mga ilang segundo rin yun hanggang sa bigla niyang hinawakan ang sentido niya na tila ba ay sumasakit ‘yun. “A- aray. So- sorry masakit lang ang ulo ko.”Biglang wika niya saka umiwas na rin siya sa akin nang tingin. Nakaramdam naman ako nang pag aalala nang dahil doon kaya tinanggal ko muna ‘yung seatbelt ko saka ko siya nilapitan. “O- okay ka lang ba?”Nag aalala na tanong ko. Naisip ko na baka masakit lang talaga yung ulo niya kaya medyo tumaas ang boses niya sa akin. “Okay lang. Okay lang ako. Mag seatbelt ka na at mag mamaneho na ulit ako.”Sagot niya at hindi man lang niya hinintay na mahawakan ko ang kamay niya nang aktong lalapit na sana ako. Napatigil naman ako dahil doon at walang salita na nag lean back ako sa inuupuan ko para muling itakid ang seatbelt ko gaya nang sinabi niya. Nag simula na nga ulit siyang mag maneho nang walang salita. Hays. Bakit nararamdaman ko na parang nag iba siya? Parang ang lamig niya na sa akin ngayon hindi tulad nung dati na mararamdaman ko talaga na he cares about me. Lihim na lang ulit akong napabuga nang hininga dahil naisip ko na baka talang masama lang ang pakiramdam niya, na baka masakit lang talaga ang ulo niya. “You saying na sa bahay ka mag i-stay?”biglang tanong niya makalipas ang ilang segundo lang na pananahimik sa pagitan naming dalawa. Dahan-dahan ko naman siyang binatuhan nang tingin dahil doon. “Oo. Hindi ba nasabi sayo ni Tita and Tito ang about doon? Kasi ang alam ko, bago pa ako makabalik dito sa Pilipinas ay nagka usap na sila nina Mom and Dad,”sagot ko sa kaniya. Kung hindi kasi ako nagkakamali ay one week before ang flight ko ay nag kausap na silang apat tungkol nga sa pag dating ko, hindi ko lang alam kung nasabi na rin ba nila yun kay Lexus... pero sa naging reaskyon niya, sa tingin ko ay mukhang wala siyang alam. Napalunok ako nang laway nang makita ko na seryoso lang ang ekspresyon niya ngayon, hindi ko mabasa kung galit ba siya o kung ano ba ang iniisip niya ng mga oras na yun. Lumipas ang ilang segundo at nag salita na lang ulit. “But I can stay at the hotel naman. Wala namang problema ‘yun sa akin,”wika ko kahit hindi naman talaga okay ‘yun kasi nga akala ko kahit papaano makakasama ko siya kapag nag stay ako sa bahay nila. Hindi ko masabi kung ayaw niya ba na sa bahay nila ako mag stay kaya inunahan ko na lang siya. “No.”Mabilis na saad niya kaya unti-unting napa angat ulit ang paningin ko sa kaniya kung saan diretso pa rin siyang nakatingin sa kalsada. “You can stay at our house, b- bahay mo na rin naman ‘yun.”Dagdag na saad niya pa at hindi ko maiwasan na itikom ko ang labi ko para mapigilan ang ngiti na gustong kumawala mula doon. Kinikilig ako eh! Bakit ba? Parang ang dating kasi nang sinabi niya ay bahay ko na rin ang bahay nila kahit na hindi pa naman kami kasal. Nakaka kilig di ba? Akala ko ay wala na ulit siyang sasabihin sa akin pero hindi nag tagal nang magsalita na siya ulit, “Pero is it okay sayo na... na tayo lang dalawa sa bahay? Kasi... kasi wala sina Mom and Dad, nasa Davao sila ngayon.”Wika niya dahilan kung bakit awtomatikong napatigil ako. Unti-unti ring lumaki ang mata ko dahil isa ‘yun sa hindi ko inaasahan, isa ‘yun sa hindi ko napag handaan. “A- ano?” Tanging na sambit ko na lang kahit narinig ko naman ang mga sinabi niya. Pakiramdam,ko ay parang ayaw mag sink in sa utak ko ang mga salitang binitawan niya. Kasi, katulad nang sinasabi ko hindi ko naman ine-expect yun... akala ko makakasama namin sina Tito and Tita, idagdag pa yung kakambal niya. Ayy oo nga pala, speaking of kakambal niya na si Scot. “Eh si Scot?”Tanong ko ulit sa kaniya. “Ah b- bakit? Anong si Scot? Si Lexus ako.”Mabilis na sagot niya na para bang dine-defend niya yung sarili niya. Yung tipong nahuli siya sa isang maling bagay na ginawa niya pero tumatanggi pa rin siya. Dahil doon kaya napakunot ang noo saka ako napatawa nang mahina. “Hahaha. Wala naman akong sinasabi na ikaw si Scot eh, siyempre alam ko naman na si Lexus ka... what I mean is, what about Scot? Wala ba siya sa bahay niyo ngayon? Hindi ba natin siya makakasama?" Tanong ko. Kahit naman hindi kami close ng Scot na yun ay pwede na ring mapag tiyagaan basta ang mahalaga ay may iba kaming kasama sa bahay. Hindi naman sa wala akong tiwala sa sarili ko o di kaya naman kay Lexus pero mas maganda na yung may iba kaming kasama di ba? “Ah ehh... w- wala rin si Scot, nasa... nasa malayo.”Sagot niya. Sunod-sunod ang ginawa kong pag nod kahit alam kong hindi niya ‘yun nakikita dahil nasa daan lang ang buong atensyon niya. Magtatanong na sana ulit ako pero saktong huminto na yung sasakyan at doon ko pa lang na realized na nakarating na pala kami dito sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD