Reynard
"Ito, Manang? May large ba kayo ng mga 'to?" I immediately picked up the five t-shirts hanging on the side of her store.
Hindi maganda ang tela at mukhang makati sa balat. Hindi rin gaanong stretchable at mukhang madaling mag-fade ang kulay ngunit pagtitiisan ko na lang.
"Sandali at titingnan ko dito. Lahat ba iyan?"
"Yes, Manang."
"Sandali lang." Kaagad na nagtungo si Manang sa dulong bahagi ng tindahan niya at bumuklat sa mga naka-plastic pa niyang doong mga paninda.
Ako naman ay nagtingin-tingin na rin ng mga shorts at pants dito pa rin sa mga naka-hanger pa niyang mga paninda.
"Oh, pinapahanap mo." Suddenly, my cousin Roland came up to me with a box of shoes.
We're currently here at 168 Shopping Mall in Divisoria at napakamumura naman talaga ng mga paninda dito. Siguro sa one thousand pesos ko ay napakarami ko nang mabibili.
"Isukat mo na. Baka mamaya, walang magkasya sayong sapatos dito. Ang laki pa naman ng paa mo," said Roland as he took out the rubber shoes and formal shoes from the two boxes.
Halatang mumurahin lang talaga ang mga ito base sa mga hitsura nila at klase.
"Sa iyo ba, maliit?"
"Mas malaki sa iyo."
"Sir, heto pa po." Tatlong babae ang bigla na lamang sumulpot sa harapan namin na kapwa may bitbit na patong-patong na mga box ng sapatos.
"Ang dami naman niyan?" Nakanganga akong bumaling sa sira-ulo kong pinsan na ito.
"Madali lang masira ang mga 'yan. Para marami kang pamalit."
"Are you crazy? They'll notice that my shoes are always new."
"Eh, 'di dumihan mo o gasgasan mo bago ka pumasok sa magiging trabaho mo."
"Sira-ulo talaga. Give them back. I won't take that."
"Binayaran na po niya lahat, Sir," tila kinikilig na sabi naman ng isa sa kanila. The other two women were too blinking their eyes as they stared at me.
Tsk. Kailan naman kaya magiging ganyan tumitig sa akin si Keithe.
"Mga magagandang Misis--"
"M-Miss pa po kami, Sir. Hehehe."
"Gano'n ba? Hindi kasi halata eh."
Halos mahulog naman ang panga ko sa sinabing iyon ni Roland sa mga babae.
"Sige, dalhin niyo na lang lahat ng 'yan sa kotse namin sa basement. Huwag kayong aalis doon hangga't wala kami ha."
"S-Sige po, Sir."
Bago umalis ang mga babae ay pinaliparan muna silang lahat ni Roland ng halik.
"Oh, my God!"
"Nakakakilig naman si Sir!"
"Ang gwapo pa!"
Para namang maiihi sa kilig ang mga babae. May kasama pang pag-irit at pagbanggaan ng mga balikat sa isa't isa. Pakembot-kembot silang naglakad papalayo habang buhat ang mga sapatos.
"Did you tell them what color and plate number your car is?" tanong ko naman sa abnoy kong pinsan.
"Hindi."
"Anak ng teteng."
"Alam na nila 'yon. Basta kapag nakita nila doon ang pinakapoging kotse, ibig sabihin, akin 'yon. Wala kang kotse kaya ako lang ang pogi."
Napangiwi na lamang ako sa kanya.
Hindi na kasi ako gumamit ng kotse ko dahil magpapahatid na lamang ako sa kanya sa isang maliit na apartment. Iiwan ko na muna pansamantala ang bahay namin ni Keithe at sa skwaters area na lang muna ako titira.
Even though I'm not used to such places, maybe I can get used to it.
"Oh, Iho. Ito na ang mga kailangan mo. Large lahat ang mga iyan. Siguradong kakasya na sa iyo ang lahat ng 'yan."
Kaagad na iniabot sa akin ni Manang ang mga nakasupot pa na mga t-shirt.
"Paki-plastic na lang po. Kukunin ko na po lahat 'yan."
"Hindi mo na ba susukatin?"
"Hindi na po."
"Sayang naman. Marami pa namang nag-aabang."
"Huh?"
Bigla naman akong napalingon sa paligid at doon ko lang napansin na halos sa amin na pala lahat nakatanga ang mga kababaihang mga naririto. Hindi lang ang mga tindera kundi pati maging ang mga customer.
"Ayaw mo? Ako na ang susukat."
Roland tried to grab the shirts I was holding but I also quickly pulled them away from him.
"Take yours. Mauuna na ako. Manang ito na po ang bayad ko."
Kaagad kong inabutan ng sampong libo si Manang bilang bayad sa mga t-shirt, limang pantalon at limang shorts na kinuha ko.
I immediately handed Manang ten thousand pesos as p*****t for the t-shirts, five pairs of pants, and five pairs of shorts I took.
"Oh, eh bakit napakarami nito? Tatlong libo lang ang lahat ng 'yan."
Manang looked shocked as he counted the money in front of me.
"Sa inyo na po." Kaagad na akong tumalikod at iniwan ang abnoy kong pinsan na nakikipagkindatan pa sa mga babaeng nagkumpol-kumpulan na sa lugar na iyon.
"Hoy! Huwag mo akong iwan! 'Yong mga sapatos mo dito! Magsusukat pa nga lang ako eh."
Naramdaman ko ang mabibilis niyang mga yabag sa likuran ko ngunit hindi ko na siya pinansin pa.
Nagtuloy-tuloy na ako sa pagbaba ng hagdan hanggang sa may madaanan pa akong ibang mga paninda sa groundfloor. I saw white towels pinned to hangers. I suddenly remembered how Jayvee would hang his towel around his neck and his pocket.
"Manang, bigyan mo nga ako ng twenty pieces nito?" Itinuro ko kay Manang na abala sa pagtutupi ng mga damit sa loob ang mga towel na nakasipit sa hanger.
"Bente piraso ba ika-mo. Ay, sandali. Marami ako niyan dito."
Kaagad din naman siyang tumalima at hinila ang malaking box na nasa ibaba ng tindahan niya. Kaagad din siyang lumabas bitbit ang nakasupot na mga puting towel.
"Oh, heto. Two hundred lang ang bente piraso. Dinagdagan ko na rin ng isa para may libre ka," she told me with a smile.
"Salamat po." Kaagad akong dumukot sa wallet ko ng five hundred at mabilis na iniabot sa kanya.
"Sandali at susuklian kita."
"Huwag na po. Sa inyo na 'yan."
"Ha? Ah, eh malaki ito, Iho."
"Okay na po." Kaagad na rin akong umalis nang maramdaman ko na sa likuran ko ang abnoy kong pinsan.
"Hey! Wait for me! 'Yong mga sapatos mo dito! Engot neto, hindi pa nga nasusukat eh," he shouted from behind me.
Tsk. Mas lalo siyang nakakaagaw-pansin dahil sa ginagawa niyang 'yan.
Pagdating namin sa parking lot ay nakita naming nakatanghod sa isang bahaging malayo sa sasakyan ni Roland ang tatlong babaeng inutusan niyang magbitbit ng isang damakmak na sapatos. They are busy talking so they haven't noticed us yet.
Am I really going to take those f*****g shoes that look like they are in twenty-piece boxes! Ang dami-dami no'n. Aanhin ko naman ang mga 'yon?!
"Ipamigay mo na lang 'yang mga sapatos na binili mo," I said to Roland after I opened the backseat door of his car and put in all the things I bought.
"What the hell? Binayaran ko lahat 'yon!"
"Eh, 'di mas mabuti. Hindi ako nagastusan."
"Sira-ulo ka ba? Sayang ang mga 'yon! Girls!"
Napanganga ako nang bigla niyang tinawag ang mga babae.
"Just take them home if you want those."
"Huwag ka nang umangal. Libre ko na nga sa iyo 'yan."
"f**k you." Sana pala ay hindi ko na lang siya sinama sa pamimili. Tsk. Bibigyan niya lang pala ako ng sakit ng ulo.
"Sir! Akala po namin 'yon ang sasakyan niyo, eh!" Mabilis na nagsilapitan sa amin ang mga babae.
I just took a deep breath and decided to get into the front seat.
"Paano naman naging akin 'yon? Ang pangit-pangit no'n?"
"Oo nga po, Sir eh. Ang ganda-ganda po ng sasakyan niyo. Parang ang sarap-sarap po d'yan sumakay."
Inumpisahan na nilang ipasok sa backseat ang mga box ng sapatos habang patuloy sila sa pagbobolahan.
"Kasing pogi ko, 'di ba?"
"Oo nga po, Sir."
"Siguradong napakaswerte ng girlfriend niyo, Sir!"
"I don't have a girlfriend yet. Choosey kasi ako."
"Oh, my God! Pareho pala tayo, Sir! Wala pa rin akong boyfriend!"
"Halata naman sa iyo."
Napangiwi ako sa sinabing iyon ng gago kong pinsan habang tinatanaw ko sila sa rear view mirror at side view mirror. Obvious naman na may ibig sabihin na naman siya.
"Talaga po, Sir?! Totoo po! Wala pa po talaga akong boyfriend. Choosey din po kasi ako."
"Choosey ka pa ng lagay na 'yan?"
"Po?"
"Sir, ako din po. Wala pa din po akong boyfriend. Ang gusto ko po kasi ang mga katulad niyo at ni Sir na kasama niyo."
Nakita ko ang saglit na paglingon sa akin ng dalawa sa mga babae. Tsk.
Napailing na lamang ako minabuti na lamang isandal ang ulo ko sa upuan.
Binuhay ko ang stereo upang hindi ko na gaanong marinig pa ang mga pambobola ng mga babaeng nasa labas at pagmamayabang naman ng pinsan ko.
But I stopped when I heard the song I dedicated to Keithe. The song I used as background music on our wedding day. 'Can't help falling in love with you.'
Minabuti kong patayin na lang ito dahil iniiwasan kong maging malungkot sa ngayon. Mas lalo lamang akong pinanghihinahaan ng loob.
I heard the backseat door close. I breathed a sigh of relief dahil natapos din at hindi ko na naririnig ang mga paglalandian nila sa labas.
Wala naman talagang girlfriend pa 'yang abnoy na 'yan pero hindi naman mabilang na kung ilang mga babae na ang nai-kama niya.
Sinubukan ko rin gawin noon ang gumamit ng ibang babae, bago nangyari ang kasal sa pagitan naming dalawa.
Hindi ko na rin alam kung ilang mga babae na ang nai-kama ko. I also tried to divert my attention to others but nothing happened. I didn't succeed either. Keithe is still really the one I miss.
"Whoa! Iba talaga ang karisma ko kahit saan ako mapunta." Pumasok na ang abnoy kong pinsan sa driver's seat at napailing na lang ako sa kayabangan niya.
"Ihatid mo na ako sa apartment ko," sagot ko na lamang sa kanya.
"Hindi man lang ba tayo kakain? Hindi mo man lang ba ako ililibre?"
"You have a lot of money, don't you?"
"Wala ka talagang utang na loob. Matapos kitang bilhan ng maraming sapatos."
"How much is one of those shoes?"
"One hundred."
I quickly turned to him at what he said.
"One hundred ang isang box?"
"Do you think I'm lying? Sa bargain ko kinuha ang mga 'yan. Napakamumura kaya kinuha ko na lahat. Wala na akong itinira doon--Ouch!"
Mabilis ko siyang sinapak.
"You're really f*****g stupid."
"Ang sakit no'n, ah!" Humikbi siya na animo'y bata.
"Ano bang palagay mo sa akin, magtitinda ng sapatos?"
"Whoa! Ang ganda ng naisip mo! Ang galing ko talaga! Tumpak na tumpak 'yang gagawin mong 'yan!"
Napanganga ako sa sinabi niya.
"'Yon ang tama mong gawin! Ibenta mo na lang ang mga sapatos na 'yan sa mga magiging kasama mo sa trahabo."
"Are you damn stupid? Gawain ba 'yon ng Jayvee Miles na 'yon?"
"That's extra work! Extra income! Gawain ng mahihirap 'yon habang nasa trabaho. Do you remember our employees in the office? They sell snacks, dishes, candy, biscuits, coffee in the office so they have extra income. Walang ipinagkaiba 'yon sa iba pa!"
Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Ang galing ko, 'di ba? Ako na talaga ang matalino."
"Tsk. Bilisan mo na. Maggagabi na."
Humahalakhak naman siya nang pagkalakas-lakas bago pinasibad ang aming sasakyan palabas ng basement.
Dinagdagan pa niya ang trabaho ko. Imbes na isa lang.
"At saka ganito, ha. Dapat 'yang porma mo at kilos mo, baguhin mo rin. Huwag masyadong mahinhin. Dapat medyo parang siga sa kanto. Ala-Robin Padilla! It's nice to be baaaack!"
Maangas pa niyang ginaya kung paano magsalita ang iniidolo niya. Tsk.
"Tigilan mo na rin ang kai-english. Magmumukha ka lang englisherong-carabao sa skwater area dahil hindi nila maiintindihan 'yang salita mo. Aakalain pa nila na bobo ka sa English."
"What?!"
"Oh, see? I told you to stop!"
"Bullshit." Muli akong napaayos nang pagkaka-upo.
"Yan, isa pa 'yan. Baguhin mo 'yang mga pagmumura mo. Dapat mga murang pangkanto like, tangina mo, gago, bobo, hayop ka, pakyu. Gusto mo kantot? Mga gano'n."
"What the--Hindi ko naman kailangang magmura."
"Kakarinig ko nga lang sa iyo, eh."
Shit. Kapag siya talaga ang kasama ko, hindi talaga ako mananalo.
"Tapos s'yempre skwaters 'yon. Maraming manginginom sa mga kanto, tindahan. Hindi pwedeng hindi ka makikitagay sa kanila! Bubugbugin ka ng mga 'yon. At s'yempre, kapag nakisali ka sa inuman nila, hindi p'wedeng hindi ka magbibigay ng ambag. Siguradong magigripuhan ka doon."
"Anong gripo?" Nagtaka naman ako sa mga pinagsasasabi niya. Saka, bakit parang ang dami niyang alam?
"Gripo sa tiyan! Sa tagiliran! Bubutasin nila 'yan gamit ang balisong. Pasisiritin 'yang mamahalin mong dugo! Oh, my goodness! Why don't you f*****g know such things?"
"What the--?" Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.
"That's what I'm telling you. Hindi ka kasi nanonood ng mga balita. Puro ka na lang sa mukha ng asawa mo nakatitig! Eh, hindi ka naman hahalikan ng mga picture no'n."
"Shut up." Tangina. Dinaig pa niya ang inahing manok na putak nang putak!
"Sinasabi ko lang sa iyo kung ano ang pwede mong kaharapin sa pinapasok mong 'yan."
"I already know that."
"Wushuuuu. Alam daw pero halata naman sa iyo na kinakabahan ka na."
"Of course not."
"Bahala ka. Balitaan mo na lang ako kung kailan ako magpapatinapay at kape."
"Tsk."
Ilang oras ang binyahe namin at inabot na ng gabi bago kami huminto sa isang ma-tao at siksikang mga bahay.
"Tama ako, 'di ba? Nakikita mo 'yang mga nag-iinuman na 'yan?" Itinuro niya ang isang tindahan na puno ng mga tambay at mukhang nagkakasayahan sa inuman.
Sa totoo lang ay malakas na ang kabog ng dibdib ko sa mga oras na ito sa maaari ko ngang kaharapin sa lugar na ito at sa mga sinabi niya kanina. Ngunit nandito na ako, hindi na ako aatras pa.
"Continue," mahina kong sagot ko sa pinsan ko.
I noticed from the corner of my eyes that he turned to me and took a deep breath.
"You're really crazy. I guess you're the only man I know who's too crazy about a woman to do this crazy thing."
I didn't answer him 'cause I knew he was right.
Baliw na nga talaga ako ngunit mas lalo akong mababaliw kung mananahimik na lang ako sa isang tabi at hindi kikilos para sa hinahangad kong kaligayahan sa asawa ko.