Reynard
I took a deep breath after checking out the full profile of Mister Jayvee Miles, Keithe’s ex-boyfriend.
"Thanks for this." Kaagad kong inabutan ng white sobre ang informant na inutusan kong maghanap ng buong information tungkol kay Jayvee. Nakapaloob doon ang sapat na halaga bilang kabayaran ko sa kanya.
"Thank you, Sir. Tawag lang po kayo kung may kailangan pa kayo."
"A'right. Thanks."
Kaagad na rin siyang tumalikod at lumabas ng pinto.
I quickly closed the door and went up to the second floor. I went inside my office and opened my laptop that was on top of my office table.
Sa ngayon ay bihira ako magtungo sa office building at dito na muna ako sa bahay nagtatrabaho. Ipinagkatiwala ko muna kay Roland na pinsan ko at best buddy ko rin ang kumpanya habang wala ako doon.
I searched on social media sites for Jayvee's name and immediately saw his f*******: account, i********:, and Youtube account.
Napanganga ako nang makita ko ang isa niyang vlog kung saan may caption na 'My First Vlog, My First heartbreak'. He uploaded the video last year and it has already hit 200 million views. Oh, s**t.
Naisipan ko itong i-play at panoorin.
"Wazzup, people! Good morning, barks! Bago ang lahat, I just wanna introduce myself to all of you first since this is the first time I will vlog. Huwag lang kayong maingay dahil surpresa ko ito para sa babaeng pinakamamahal ko."
Bahagya siyang lumapit sa camera na sa tingin ko ay hawak niya at doon bumulong.
"By the way, I am Jayvee Miles or you can call me JM. Siguro itinadhana talagang Miles ang maging surname ko kasi tatahak ako ng milya-milya bago ko marating ang babaeng nakatadhana para sa 'kin."
Ngiting-ngiti siya sa harap ng camera at kumikislap ang mga mata niya sa sobrang saya. Tsk.
"So, here I am, guys. I was already in my car, joke. I just rented it kasi 'di pa afford ng money ko. Inuna ko lang muna 'yong sa wedding preparation and then, tirahan namin s'yempre after wedding. Di naman pwedeng itira ko lang siya kung saan, 'di ba?"
Gumalaw ang camera at tumutok sa lalaking nagmamaneho ng car na nasa tabi niya. Ngumiti din naman ito na may kasamang pag-iling.
"So, heto na nga, habang bumibiyahe tayo patungong Palawan, ikukuwento ko muna sa inyo kung paano nga ba kami nagkakilala nitong babaeng bumubuo sa bawat araw ko. She is Keithe Ellah Villaroel, 23 years old, living in Palawan, and I only met her via online."
Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. May hitsura siya kung tutuusin ngunit hindi ako magpapalamang sa kanya.
"Ang akala niyo ba, guys kayo lang? Nah...I'm also one of the users of Role Play World or RPW sa f*******: kung tawagin, dahil dito ako nag-e-enjoy. Marami akong nakakasalamuhang iba't-ibang klase ng tao at iba't-ibang ugali ng mga tao sa mundong ito. Dito sa RPW, naglalabasan ang mga ugaling itinatago sa totoong mundo. So, that's it, Keithe and I have been chatmates for two years. Walang palya, araw man o maging gabi ay palagi kaming magkausap."
Alam ko na 'yon dahil nai-kwento na 'yan sa akin ni Keithe noong sila pa. Palagi ko pa nga siyang pinapayuhan na huwag magtitiwala sa mga ganyan.
"May rules ang RPW na binuwag namin ni Keithe dahil hindi na namin matiis na hindi makita ang isa't isa. We've exchanged personal information, contact information, ang tungkol sa aming mga kanya-kanya naming pamilya. On problems and occasions, we are always together via video call. Talking about our daily activities at nangangarap na rin ng kung ano-anong bagay sa hinaharap. So eventually, malaki na ang naging tiwala namin sa isa't-isa at sa pagdaan ng mga araw, linggo, buwan, taon ay pahulog na ako nang pahulog sa kanya. Pero hindi pa rin maiwasan ang mga tampuhan, mga away lalo na kung tungkol sa mga friends niya na hindi lang mga babae kundi may mga lalaki din at alam kong may bestfriend siyang lalaki. Hindi na kailangan pang i-mention ang name niya.
So, ikinukwento rin ako ni Keithe sa kanya? Tsk.
"So, kailan lang nabanggit niya sa akin na humihina na daw ang negosyo nila at may nasabi siyang bagay na narinig niyang naging usapan ng mga magulang niya tungkol sa kanya. Hindi simpleng bagay na pwedeng ipagwalang-bahala lang. At ito 'yong nagtulak sa akin na magpursigeng makita na talaga siya. Nag-ipon ako, naghanda ng sarili dahil ang gusto ko kapag nagkita na kami ay mayroon akong maipagmamalaki sa kanya kahit papaano, lalo na at mula siya sa isang marangyang pamilya. Pamilya lang naman nila ang nagmamay-ari ng napakaraming resort sa Palawan. It's embarrassing, isn't it? But I love her. I want to prove to her that even if I'm just like this, mahirap, simpleng tao lang ay kaya ko naman siyang panindigan. Pakapalan na ng mukha, wala akong pakialam kahit alam kong wala akong laban sa lahat ng mga manliligaw niyang mayayaman."
Biglang nag-fast forward ang mga eksena hanggang sa makarating na ito sa isang pamilyar na lugar. Sa Palawan.
"So, guys, narito na nga tayo sa Palawan, sumakay tayo ng barko para makarating dito. Sa backseat, makikita niyo ang mga pasalubong ko para sa kanya. Chocolates, flowers at kung ano-ano pa."
Ipinakita niya sa video ang napakarami niyang pasalubong na nasa backseat ng sasakyan nila.
"At ito din ang singsing na ilang taon ko ding pinag-ipunan. Ayoko naman siyang bilhan ng mumurahin lang, nakakahiya sa estado niya sa buhay."
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman habang ipinapakita niya sa video ang singsing na mukhang simple lang at mumurahin. Ngunit alam kong sa mga katulad nila ay mamahalin na iyon at napaka-importante.
"By the way, guys, two weeks na kaming hindi nagkakausap ni Keithe. Huli naming pinagtalunan ay ang tungkol sa kanyang bestfriend kaya naman hindi na ako mapakali. Lalo na't nalaman ko ang plano ng mga magulang niya. Napag-isip-isip kong ito na siguro ang tamang oras para puntahan ko na siya."
"Traffic, mukhang may kasalan," nadinig kong sabi ng katabi niyang driver ng kotse.
Lumikot ang camera at nahagip din nito ang labas ng sasakyan. Napansin ko ang pader na bahagi ng simbahan at maraming tao sa labas nito. Kapwa mga nakasuot sila ng mga naggagandahang gown at mga barong.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil alam ko na ang eksenang ito.
"Dumaan na lang kaya muna tayo?" dinig ko muling sabi ng kasama niya sa kotse.
Hindi nga nagtagal ay pumasok ang sasakyan nila sa gate ng simbahan. Nanatiling nakatutok naman sa labas ang hawak niyang camera.
Ilang sandali lang ay huminto ito at bumukas ang pinto sa tabi niya.
"Ayon, guys, paubos na 'yong mga tao dito sa labas kasi nasa loob na silang lahat. Baka magsisimula pa lang ang kasal. Makikidalo na rin kami at makikain na rin kaya kami, no? Tamang-tama, gutom na kami," sabi niyang muli sa harapan ng camera habang nakangiti.
Napapailing na lang ako dahil sa masasaksihan niya sa loob ng simbahan. Natatandaan ko na. Ito 'yong camera niya na nalaglag sa dulo ng aisle noong sumagot si Keithe ng 'I do'.
"Do you promise to be faithful to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and to honor her all the days of your life?"
Naririnig ko na ang tinig ng Pari sa background ng video niya nang magsimula na silang lumapit sa pinto ng simbahan.
"Ayan na, guys. Bubulong na lang ako kasi narito na tayo sa pinto ng simbahan at naririnig na namin ang pagsasalita ng Pari sa unahan. Saka napakaraming tao dito. Mukhang engrande talaga."
Nakarating na nga siya sa pinto at ang camera na hawak niya ay itinutok niya sa dalawang taong ikinakasal sa harap ng altar. Nakita doon kung paano ko hawak ang kamay ni Keithe habang magkaharapan kami.
"I do."
Nag-zoom bigla ang camera ngunit imbes na makita ang mukha namin doon ng mas malinaw ay blurry na ito.
Tumagal ng ilang segundong nakatutok doon ang camera ngunit nagsimula na itong gumalaw na tila nangangatal ang kamay ng may hawak nito.
"I repeat, do you take Raynard to be your husband? Do you promise to be faithful to him in good times and in bad, in sickness and in health, to love him and to honor him all the days of your life?"
Lumipat at mas nag-zoom pa ang camera sa mismong mukha ni Keithe ngunit hindi na ito maaninaw dahil mukhang sinadya na takpan na niya ang mukha ni Keithe.
"I-I do."
Doon na gumalaw ng mabilis ang camera at makikitang nakadikit na sa sahig ito ngunit sa amin pa rin nakatutok. Makikita doon ang paglingon namin sa kanya at ng mga tao.
"K-Keithe..."
Doon na huminto ang video.
Bumuntong-hininga ako ng napakalalim. Kaagad din siyang tumakbo noon at tinangka rin sanang habulin ni Keithe ngunit kaagad na humarang sa kanya ang mga magulang niya.
Kung sa akin, ayos lang. Hahayaan ko na sana siyang sundan ang lalaking 'yon ngunit pinili na lang niyang humarap muli sa Pari na nagkakasal sa amin.
Nahati ang kasiyahan ko ng mga sandaling iyon. Saya at sakit.
I left the video and went back to his f*******: account and i********:. I checked all the photos of him there at karamihan ay nasa trabaho niya sa iba't ibang restaurant. Kasama niya sa mga larawan ang mga ka-trabaho niya at mukhang masayahin siyang tao.
Walang kuha ng larawan na hindi siya nakangiti. He also has a lot of wacky shots.
Apart from his uniform at work, he is mostly wearing only simple t-shirts and pants in the photos at mukhang mga cheap lang o mumurahing klase lang ang mga ito.
Simpleng sapatos lang din ang mayroon siya. May napansin pa akong mga larawan niya na may nakasampay na tuwalya sa leeg o kaya naman ay nakasabit sa bulsa ng pants niya.
After checking his entire posture, I reopened the envelope containing his information.
Nakalagay dito na may sarili siyang bahay sa Batanggas na hindi kalakihan ayon sa mga sukat na naka-indicate din dito. Ayon dito ay tubong Batangas talaga siya at naroroon ang pamilya niya. He is the youngest of five siblings and they are all boys.
Ngunit sa Mandaluyong pa rin siya nakatira sa ngayon at walang naka-indicate dito na trabaho niya.
Tsk. Bakit naman kulang-kulang ang information nito? Imposible namang walang trabaho ngayon ang taong ito.
Nakalagay dito na nakatapos siya ng Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. Kaya siguro isa siyang waiter sa isang fast food chain. But why didn’t he get an even better position?
Napabuga na lang ako ng hangin bago tiniklop ang documents niya.
Marami akong kailangang baguhin at uumpisahan ko muna sa sarili ko. Starting with posture and behavior. Lahat-lahat ay kailangan kong baguhin. Ito ang mga nagustuhan sa kanya ng asawa ko na malayong-malayo sa akin.
Hindi ako ganito, so even though we've been together almost our whole life since we were kids, she didn't feel anything for me.
Ito na lang ang natitira kong paraan para magustuhan ako ni Keithe, ng asawa ko. Desperadong desperado na ako kahit nakakababa, nakakabobo, nakakatanga, lahat-lahat na.
Wala na akong pakialam anuman ang sabihin sa akin ng mga taong maaaring makakilala sa akin sa pagbabagong gagawin ko.
If nothing still happens here ... maybe it's time to give up.
I'll give her the freedom she asks for.