Reynard
Inihinto na ni Roland ang kotse sa isang tabi. Nasa bandang unahan naman ng sasakyan ang isang tindahan na may nasa limang mga lalaking nag-iinuman.
I took a deep breath before opening the car door. Roland went down the other side as well. Napansin ko naman kaagad ang mabilis nilang paglingon sa amin, maging ang iba pang mga tambay sa kabilang kalsada.
"Saan ba 'yon?" I asked Roland about the apartment he told me about. Nagpahanap lang din siya mula sa isang tao niya at ito raw ang itinurong lugar sa kanya.
It is only in Pasig Pineda and far from Mandaluyong where Jayvee's place is. Hindi naman siguro kailangang doon din pa ako tumira kung saan malapit sa kanya.
"Dito daw 'yon. This is the address written here. Marites is the name of the owner of the apartment."
Sinimulan nang katukin ni Roland ang pinto ng bahay na nasa tabi ng tindahan na maraming nag-iinuman.
"Sino ang kailangan niyo d'yan? Bago lang ba kayo dito?" Isang may edad na lalaki ang nagtanong sa amin, na isa sa mga nag-iinom.
"Ah, magandang gabi po. Nandito po kaya si Aling Marites?" Si Roland ang malakas ang loob na nagtanong sa kanila.
"Marites daw!"
"Maniningil siguro sila ng utang."
"Naku, malamang nagtago na naman ang matandang 'yon."
"Baka nasa binggohan na naman 'yon. Talo na naman 'yon sa sugal."
"Andon, oh. Marites! Hoy! Nagtsitsismis ka na naman d'yan! May naghahanap sa iyo dito!"
"Magbayad ka na daw ng utang!"
"Ano ba 'yon?! Sino?!" Isang matabang babae naman ang tumakbo palapit sa kinaroroonan namin mula sa ibang bahay at iniwan ang tatlong matatandang babaeng kausap niya doon. "Kababayad ko lang ng utang kahapon, ah."
"Ah, eh. H-Hindi po kami maniningil ng utang. P-Pasensiya na po," singit ko naman sa kanila.
"Eh ano bang kailangan niyo?" Tuluyan nang humarap sa amin si Aling Marites. Napalingon din siya sa aming sasakyan at muli ring bumaling sa amin na may pagtataka na sa mukha niya.
"May nakapagsabi po kasi sa amin na may bakante pa raw po kayong paupahan dito? Ito pong kaibigan ko kasi eh naghahanap," sagot naman sa kanya ni Roland.
"Naku, sino ang nagsabi sa inyo? Saktong-sakto, may pa-upahan nga ako ditong bakante. Sandali at kukunin ko ang susi." Mabilis siyang pumasok sa bahay na nasa tapat namin.
Hindi rin nagtagal ay lumabas siya na may dalang bungkos ng mga susi.
"Yong dating nakatira dito ay mag-ina. Halikayo, sumunod kayo sa akin. Akala ko naman ay mga bombay kayong maniningil ng mga pa-utang."
Kaagad din naman kaming sumunod sa kanya patungo sa kanang bahagi. Medyo napalayo na rin kami sa mga nag-iinuman.
"Kaya lang ay namatay na ang nanay niya at 'yong dalaga ay umalis na. Wala na akong balita kung saan na siya nakatira ngayon."
"Ano po ang ikinamatay?" pang-uusisa naman ni Roland na mukhang nakikitsismis na rin.
"Ang alam ko ay inatake sa puso doon sa trabaho niya."
"Hmn. Hindi po kaya nagmumulto siya d'yan sa apartment niyo ngayon?"
Kaagad akong napalingon kay Roland sa sinabi niyang 'yon. Bakit naman, pati multo itinatanong pa niya?!
Natawa naman ng malakas si Aling Marites kasabay nang paghinto namin sa isang pinto, dito pa rin sa gilid ng kalsada. Mabuti na lang at hindi ito masyadong looban. Hindi rin kasi high way ang kalsadang naririto. Mga tricycle at mga private vehicles ang napansin kong dumadaan lang dito.
"Naniniwala rin pala kayo sa mga multo? Mukha naman kayong mayayaman dahil may kotse kayo. Sa inyo ba ang kotseng nandoroon?"
"Sa a--"
"Ah, hiniram lang po namin," I immediately interrupted what Roland was gonna say.
Kaagad naman siyang lumingon sa akin at sinamaan ako ng tingin. Ginantihan ko rin naman siya ng mas matalim pa na tingin.
Why does he even have to let her know that he is rich? Magtataka sila kung bakit dito pa ako titira, imbes na bigyan na lang niya ako ng bahay dahil mayaman naman pala siya.
"Eh, kay gagwapo niyo pa at kutis mayayaman kayo."
"Hehe. Natural na po namin ito. Galing sa mga lahi namin, Nanay," pagmamalaki namang sabi kaagad ni Roland habang ngiting-ngiti at pinatitigas ang mga braso niya sa harapan ni Aling Marites.
"Baka, gusto niyong makilala 'yong anak kong dalaga. Si Marian. Wala pang boyfriend 'yon dahil hindi ko pa pinapayagan."
"Ilang taon na ho ba?" kaagad namang tanong ng babaerong ito.
"Bente anyos at s'yempre magandang katulad ko."
"Aaaah, tingnan na po namin 'yong loob ng apartment."
Sira-ulo talaga.
"Heto, tingnan niyo kung magugustuhan niyo. Dati ay wala itong k'warto pero ngayon ay pinalagyan ko na kahit maliit lang. Ilan ba kayong titira dito?"
"Ako lang po," kaagad ko namang sagot habang lumilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng apartment.
It's really small but it has its own room. There's a bathroom on the left next to the sink and a living room here on the right near the bedroom door. The bedroom is in the middle.
"Dati ay dalawang libo lang ang paupa ko dito pero noong ma-bakante na ay ipinaayos ko. Pinapinturahan ko ang lahat ng pader at pina-tiles ko ang sahig para naman mas maging kumportable ang bagong titira dito. Kaya ngayon ay itinaas ko na sa tatlong libo. Ano ba ang trabaho mo, Iho? Ano nga ulit ang pangalan mo?"
"Reynard po. Maghahanap pa lang po ako ng trabaho."
"Ha? M-Maghahanap ka pa lang?"
"Pero may pambayad naman na po ako. Kahit i-advance ko pa ang pang-isang taon kong upa."
Kaagad nanlaki ang mga mata ni Aling Marites mula kanina na mukhang disappointed.
"Naku! Kung gano'n ay makakabayad na talaga ako nito sa lahat ng utang ko! Ngayon din ay p'wede mo nang tirahan ang bahay na ito. Libre ko na lang sa iyo ang tubig at kuryente! Tutal ay mag-isa ka lang naman dito, hindi ba?
"Opo." I nodded immediately.
"Hindi naman gano'n kalaki ang kunsumo kung iisa ka lang!" Halos maglulukso pa siya sa sobrang tuwa.
Lumingon sa akin si Roland at kaagad na ngumisi.
"Sige po, salamat po."
"Oh, heto na ang susi nitong bahay. P'wede ka nang maghakot ngayon din at p'wede ka na ring matulog dito ngayong gabi. May katre naman d'yan sa silid. Panapin na lang ang kulang mo."
She immediately handed me the six pieces of the key. Kaagad ko rin naman ang mga itong tinanggap.
"Para ang mga 'yan sa lahat ng pinto dito pero may duplicate na maiiwan sa akin para kung sakaling mawawala mo ang mga 'yan o makakalimutan mo sa loob. Manghiram ka lang sa akin."
"Hindi ho ba iyon pa ang dating katre noong dating nakatira dito na namatay?" muling tanong ni Roland na ikinalingon kong muli sa kanya.He is currently peeking inside the bedroom.
Lumingon din naman siya sa akin at ngumising muli. He's really a f*****g asshole. Damn it.
"Oo pero wala namang multo dito. Huwag kayong nagpapaniwala sa mga ganyan. At kung sakali man na meron, sumigaw ka na lang ng malakas sa kapitbahay, ha."
Napangiwi naman ako sa sinabing iyon ni Manang.
After she showed us everything, including the electricity and water meters, I immediately gave her 36 thousand pesos even though I knew I wouldn't stay that long in this place.
Depende sa mga magiging sitwasyon ko sa lugar na ito at sa mga hakbang na gagawin ko.
"Oh, sige. Kayo na ang bahala dito, ha. Maiiwan ko na kayo."
"Salamat po."
"Walang-anuman. Kung may problema, nand'yan lang ang bahay namin sa tabi. Sabihin niyo lang kaagad sa akin o kaya ay sa anak kong si Marian. Wala kasi siya ngayon d'yan at nasa trabaho pero bukas ay ipapakilala ko siya sa inyo."
"Naku, no problem, Nanay! Itong kaibigan ko na ang bahala sa anak niyo!"
Kaagad kong siniko si Roland na nasa tabi ko. Mabuti na lang at nakaharap na sa pinto si Aling Marites.
"A-Aray," pabulong niya namang daing kasabay nang paghawak niya sa tagiliran niya.
"What the f**k are you saying?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata ngunit mabilis kaming bumaling kay Aling Marites at ngumiti nang mapalingon siya sa amin.
"Siguradong, hindi kayo magsisisi sa anak kong iyon. Mabait na, napakaganda pa."
"Ehehe. S-Sige po, Aling Marites. Maghahakot na po kami ng mga gamit ko na nasa kotse." Hindi ko malaman kung tunay pa ba ang ngiti ko o maaaring ngiting-aso na dahil sa mga kalokohan ng abnoy kong pinsan na ito.
"Oh, sige. Maiiwan ko na kayo."
I breathed a sigh of relief when Aling Marites came out of the door.
"Gago ka talaga. Bakit mo naman ako itinutulak pa sa anak no'n?" Kaagad kong binalingan ang gago kong pinsan.
"Eh mas lalo naman sa akin. Nakita mo hitsura no'n? Ang taba tapos sasabihin niyang kasing-ganda niya 'yong anak niya."
"Shut the f**k up, will you? Mamaya nand'yan pa 'yan sa labas, pinakikinggan ka at ipaharang ka d'yan sa mga lasing sa labas."
"B-Bukas pa naman ako uuwi eh."
"It's better, so you can sleep next to the ghost you're talking about."
"Hindi naman totoo 'yan!" kaagad niyang bulalas habang napapatingin sa paligid.
Napangisi na lamang ako. Akala ko naman, napakatapang.
Kaagad na naming ipinasok dito sa loob ng apartment ang mga simpleng kagamitan na dala namin. Itinambak namin ang lahat ng ito sa compartment at sa backseat kasama na rin ang nakapakaraming sapatos na binili ng sira-ulo kong pinsan.
Mabuti na lamang at wala na 'yong mga nag-iinuman sa labas kaya't maayos kaming nakakilos at nakapaghakot ng mga gamit.
"Paano ba ayusin ang mga ito? Sana kumuha ka na rin ng katulong mo dito para mag-ayos."
"Are you stupid? Why do I need an assistant?"
"Alam ko na! Ipatawag mo na lang kaya si Marian para may makatulong ka dito sa pag-aayos. Siguradong susunggab agad-agad 'yon. Maniwala k--Ouch!"
"I told you to keep your mouth shut. Do you think this apartment is soundproof?"
"Ikaw na nga ang tinutulungan dito. Bakit kaya hindi ka na lang magpasalamat? Dagdagan mo na lang ang sahod ko sa kumapanya, ha. Tutal dinagdagan mo rin ang trabaho ko do'n?"
"Eh, kung i-fire na lang kita?"
"Siyempre, joke lang 'yon," kaagad niyang bawi habang inaayos na niya ang mga gamit pangkusina ko na tag-iisang piraso lang naman.
Napahinga na lang ako ng malalim.
It was very challenging for me to do this 'cause I grew up in a luxurious family. I've never experienced this in my entire life.
But if this will be the reason for my wife to love me too I'm willing to suffer, just for her.
"You should also learn to be a joker and always smile no matter who else is in front of you. Di ba, smiling face 'yong karibal mo? Gayahin mo ako," muling sabi ng abnoy kong pinsan.
"Bukas na kung ikaw lang din naman ang kaharap ko ngayon."
"Whoa! For your information, napakagwapo ko kapag hindi nakangiti. Lalo na kung nakangiti. Wala ka nga sa kalingkingan ko eh. Hanggang paa lang kita."
"Eh, kung lumayas ka na kaya? Huwag ka na ring papasok sa opisina."
"Wala naman na akong sinasabi eh. Ito na nga eh, magsasaing na ako para may pangkain ka, SENYOR." He emphasized the word Senyor.
Tsk. Mamumuti 'yata talaga ang buhok ko ng maaga kapag ito ang palaging kasama ko.
Hindi na lang ako sumagot pa at minabuti ko na lang maglatag ng banig sa katreng nasa kwarto. Wala rin naman akong ganang kumain.
"Don't wake me up. I'm gonna sleep."
"Bahala ka! Basta, kakain ako!" he shouted outside as well. "Wait, I didn't ask Aling Marites what was the name of the mother who died here."
Nagpanting ang tainga ko sa muli niyang sinabing iyon.
"f**k you!" I shouted at him but he just answered me with a loud laugh.
I couldn't help but look around. I just opened the door and kept the light on. The white paint is so clean and bright that I have nothing to worry about.
Tsk.
***
"Beshy! Lumabas ka d'yan! Bumalik ka na ba?! Bakit hindi ka nagsasabi sa akin?! Kinalimutan mo na talaga ako! Wala kang kasing-sama!"
Naalimpungatan ako sa malalakas na katok sa pinto at pagsigaw ng tinig ng isang babae.
"Sino ba 'yong lintek na 'yon?! Ke-aga-aga, ang ingay-ingay!" dinig kong reklamo ni Roland mula sa labas ng k'warto.
Napabangon na rin ako at lumabas ng silid. Napansin kong maliwanag na sa labas ng bintana. Umaga na pala.
I found my cousin having coffee at the table and wearing only boxers. Wait, saan niya naman kaya nakuha 'yang mesa na 'yan? Wala naman 'yan kagabi.
"Buksan mo itong pinto! Kundi gigibain ko ito!" muling pagwawala ng babaeng nasa labas.
"Who is that?" I asked him.
"Ewan ko nga din!" Tumayo na siya at lumapit sa pinto.
"Hoy, Alliyah Villiantez! Lumabas ka d'yan! Huwag mo akong pagtaguan! Anong palagay mo sa akin, mangungutang?! Ikaw ang may utang sa akin! Napakarami mo ng utang at kailangan mo ng magbayad!"
"Tanginang bunganga. Ang sarap saksakan ng kaning-lamig," said Roland as he opened the door.
"Beshy--Ay! Hakdog na maraming pandesal!" Isang babae ang nabungaran namin sa pinto at mukhang gulat na gulat sa katawan ng gago kong pinsan na hindi man lang muna nagdamit.
The woman covered her mouth and looked stunned at the one in front of her.
"P-Pandesal, a-ang dami...ang t**i-gas." Tumaas ang kamay niyang pansin kong nangangatal at humawak sa tiyan ng abnoy kong pinsan.
"Siguro ikaw si Marian, no?"
"H-Ha? M-Marian?" Tila natauhan naman ang babae kasabay nang kanyang pagtingala. Nakita kong ilang beses na kumurap ang mga mata niya habang nakatitig sa mukha ng pinsan ko.
I just shook my head and went to the sink.
"Hindi ka naman bingi, hindi ba?" I heard Roland ask her.
"Aba't, antipatiko naman pala ito eh. Tanga ka ba?! Paano naman magiging Marian ang pangalan ko?! Arriane ang pangalan ko! Arriane! Magkaiba 'yon! Bobo naman pala nito sa spelling eh."
"W-What the f**k did you say?! A-Ako, bobo?!"
"Bakit, hindi ba?! Pa-english-english ka pa. Tabi d'yan! Papasok ako! Alliyah! Saan mo ba napulot itong bobong k'wago na ito?! Uuwi ka rin lang dito, nagsama ka pa ng pangit!"
Napalingon ako sa likuran ko nang mapansin kong mas lumakas pa ang tinig ng babae at nakita kong nakapasok na siya sa pinto at nakatulala na rin sa akin.
Si Roland naman ay gumagalaw na ang panga at nakakuyom na ang mga kamao na para bang gusto na niyang banatan ang babaeng ito.
"Sino ka naman? Huwag niyong sabihing jowa kayong pareho ng bestie ko?" nakatulala niyang tanong ngunit napansin kong kinuha niya ang tasa ng kape ni Roland at ininom.
Hindi rin ako kaagad nakasagot.
Ganito ba ang klase ng mga kapitbahay sa ganitong mga lugar? Basta na lamang papasok sa loob ng bahay ng may bahay at basta na lamang ding dadampot ng kape ng may kape? What the hell?