Reynard
"At sino naman ang nagsabi sa iyong inumin mo 'yang kape ko?!" Mabilis na inagaw ni Roland ang tasa na hawak ng babae ngunit lumigwak ang laman nitong kape hanggang sa matapunan ang babae sa mga braso nito.
"A-Aray! Aaaahhh! A-Ang init!"
"Oh, s**t!" Maging si Roland ay napaso na rin hanggang sa mabitawan nila ang tasa at mahulog ito sa sahig.
Nabasag ang nag-iisa kong tasa.
"Nag-iisa na nga lang 'yan, binasag niyo pa!" inis kong singhal sa dalawa bago ko sila nilapitan.
"Ang init! Ang init!" The woman immediately ran to the sink and dripped her burnt arm from the faucet.
"Huh! Karma real quick," pasinghal namang sagot sa kanya ni Roland ngunit sinundan din naman niya ang babae sa sink.
"Tsk." I just shook my head as I picked up the pieces of glass from the cup one by one.
"Gago ka!Para kang demonyo! Tuwang-tuwa ka pa, nasaktan na nga ako!"
"Why?! Do I know you? P'wede nga kitang kasuhan ng trespassing sa panghihimasok sa bahay namin!"
"Bahay ito ng beshy ko!"
"Nasaan ang beshy mo, sige nga?"
"Alliyah, lumabas ka d'yan! Kundi, papatayin ko itong demonyong lalaki mong ito!"
Halos mapatakip ako sa tainga ko dahil sa sigawan ng dalawang abnoy na ito. I looked for plastic and put the glass of my broken cup in it.
I went out of the house and looked for trash but I turned my attention to the neighbor across the street because of the same noise I heard from there.
"Ngayon ka pa lang uuwi kung kailan umaga na, damuho ka! Lasing ka na naman, Ricardo!" Isang lalaki ang nasa pinto ng isang bahay na panay ang ilag dahil nagliliparan sa kanya ang mga gamit pangkusina. Mga kaldero, kawali, sandok, plato at kung ano-ano pa.
I looked around and noticed people gathering and currently watching them. Aling Marites is already one of them.
Sa ibang kabahayan naman ay may mga naglalaba sa mga labas ng pinto nila. May mga maagang nag-iinuman at may mga nagsusugal pa. The children also scattered and ran in the middle of the road even though there were many passing vehicles.
Ang iba ay kamuntik-muntik pang mahagip ngunit tila normal na sa kanila ang mga ganitong eksena. Hindi man lang sinaway ng mga taong nakakakita.
Nagkalat din ang mga aso at pusa na sa mga kanal na dumudumi at umiihi. May mga tambak din ng mga basura sa isang lugar at nakita kong may mga naghahagis pang iba doon.
"Hi!"
Halos mapatalon naman ako sa gulat sa isang tinig babaeng bigla na lamang nagsalita mula sa likuran ko. Kaagad ko siyang nilingon at isang babaeng naka-pajama pa ang bumungad sa akin.
Her hair is still a bit messy and her eyes are still swollen. Mukhang kagigising lang niya. May bitbit siyang tasa na may umuusok na tubig.
"Hi?" patanong ko namang sagot sa kanya. Alanganin akong ngumiti dahil hindi ko naman siya kilala pero maganda naman siya at morena.
"Kayo ba 'yong bagong lipat d'yan sa apartment, sabi ni Mama?"
I stopped when I remembered Aling Marites. I looked at Aling Marites who was across the street but she was still busy talking to her fellow women who were older as well.
"Yeah. Ikaw ba 'yong anak niya? Si Marian?"
Her smile widened.
"Nasabi na pala sa inyo ni Mama. Opo, ako nga." Mukha naman siyang mabait at mahinhin.
Hindi kagaya no'ng babaeng nasa loob ng apartment namin na hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang pagbubunganga hanggang dito sa labas.
"Parang si Arriane 'yon, ah. Siya ba 'yong nasa loob niyo?" She looked inside the door of our apartment.
"Ah, yeah. Akala niya siguro ay d'yan pa nakatira 'yong friend niya kaya bigla siyang pumasok sa loob."
"Naku, nakakahiya sa inyo. Teka, tatawagin ko."
Kaagad siyang lumapit sa pinto ng apartment namin. Nakakita naman ako nang nakasabit na sako sa gilid ng bahay ni Aling Marites. Sinilip ko ang loob nito at parang mga basura ang laman ng loob kaya doon ko na lang din inilagay ang nabasag kong tasa.
So, paano pa ako ngayon magkakape nito?
"Arriane, halika."
I turned to face our apartment again and saw Marian waving inside. Ni hindi niya tinangkang pumasok na katulad no'ng isang nasa loob na.
"Sabi ko, huwag mo akong hawakan!"
"Ikaw na nga ang ginagamot eh!"
I could hear the two lunatics still arguing inside.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na rin ang Arriane na ito kaya't nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Anong ginagawa mo sa loob? Nakakahiya sa kanila?" mahinahong tanong sa kanya ni Marian. Hanga naman ako sa pagiging mahinhin niya at kalmado.
"Hinahanap ko lang naman si Beshy Alliyah pero itong hayop na ito--"
"Ssshhh, tumigil ka nga. Ibang tao na sila. Hindi sila kamag-anak ni Alliyah."
"Paano ka naman nakakasiguro?!"
"Matagal nang wala si Alliyah, 'di ba? Mag-iisang taon na simula noong umalis sila dito. Hindi na 'yon babalik."
Natahimik naman si Arriane ngunit napansin kong nagsisimula nang manubig ang mga mata niya.
"Na-miss ko lang naman 'yong kaibigan ko dahil hindi siya nagpaalam sa akin na aalis na pala siya dito! Ang sama-sama niya! Siguro malaki ang galit niya sa akin!"
Natigilan ako nang tuluyan nang tumulo ang mga luha niya sa pisngi.
"Alam mo naman kung ano ang nangyari sa kanya, hindi ba?" Marian still asked her calmly.
"Kahit na!" Pinunasan lang ni Arriane ang mukha niya gamit ang braso niya bago siya nagmadaling tumalikod at nagmartsa paalis.
"Saan ba ang bahay no'n?" tanong naman kaagad ni Roland kay Marian. Mabuti naman at naisipan na rin niyang magdamit.
"D'yan lang sa tabi ng apartment niyo."
"Eh, bakit lumampas?"
"Hindi ko rin alam. Baka pupunta siya sa dike. May dike kasi dyan sa dulo."
"Anong dike?" I also asked.
"Ilog Pasig. Masarap kasi tumambay doon."
"Oh, talaga?" Kaagad na nagsuot ng tsinelas si Roland at tsinelas ko pa talaga. Nagmadali siyang lumabas at mukhang aalis din.
"Saan ka naman pupunta?" I asked him.
"Titingnan ko lang 'yong dike kung maganda ba talaga?"
"Yong dike ba talaga?"
"Oo naman. Ano pa ba? Wala namang ibang maganda dito." Kaagad na rin siyang tumalikod at nagtungo sa lugar kung saan pinuntahan din ni Arriane.
Tsk. Ayaw pang amining susundan niya lang 'yong maingay na babaeng 'yon.
"Ahm, s-sige, ha. Bibili pa kasi ako ng kape sa tindahan. Lumamig na rin yata itong tubig ko," paalam na rin ni Marian kasunod ang pagtalikod niya.
Dadalhin pa talaga niya 'yong tasa niya sa tindahan?
"Okay." I immediately went inside the apartment. Kumuha na lang ako ng baso at siyang ginamit na kapehan.
Kailangan ko na ring mag-almusal dahil ngayong araw na ako magtutungo sa restaurant kung saan plano kong magtrabaho. I've also set an appointment with the CEO of that company and we need to talk in depth later.
***
After taking a bath, I immediately put on a plain white shirt and black slacks, based on what I know is what waiters and waitresses wear in restaurants.
Isinuot ko rin ang isa sa mga sapatos na binili ng abnoy kong pinsan. Mabuti na lang at nagkasya sa akin at kahit mumurahin ay maganda pa rin namang tingnan at bagay sa suot ko.
I combed my hair properly in front of the mirror which is always messy dahil hindi ko naman ugali ang magsuklay. Baka kailangan ko na ring gumamit ng gatsby ngayon na hindi ko rin naman ugaling gumamit ng ganoon noon.
Matapos kong ayusin ang sarili ko ay maraming beses akong ngumiti sa salamin. Napailing ako nang mapagmasdan ko na ang buong hitsura ko.
Parang hindi ako ito pero gwapo pa rin. 'Yon nga lang, walang kwenta sa kanya. Pero 'di bale, mapapansin niya rin ako.
"Whoa! Is that really you? Who the f**k are you?! Get out of my house! You're f*****g trespassing! Magnanakaw!"
Napalingon ako sa pinto nang pumasok doon ang abnoy kong pinsan na ilang oras ding nawala. Sira-ulo talaga. Bagay na bagay sila ng Arriane na 'yon.
"Mauuna na ako sa iyo. Ang bagal-bagal mo." Kaagad ko nang kinuha ang bag ko na mumurahin lang din naman. Kumuha din ako ng sumbrero at isinuot na muna upang wala gaanong makapansin sa mukha ko.
"Bakit? Maglalakad ka na lang ba?"
"Oo. Magku-commute na lang ako."
"Commute pero siguro taxi o grab naman ang sasakyan mo."
"P'wede rin."
"Ano kaya 'yon? Lubos-lubusin mo na ang pagpapahirap sa sarili mo! 'Yon naman ang gusto mo!"
"Tsk. Daldal mo. Alis na ako. Just lock this house. I have a key."
"Bahala ka. Just beware of the snatchers out there."
I ignored him and walked out of the apartment. His car was in front of Aling Marites' house at nilagyan niya lamang ito ng cover.
Napansin kong nakahabol ng tingin sa akin ang mga tsismosang kapitbahay ngunit hindi ko na sila pinansin pa. May mga kadalagahan din akong naririnig na umiirit mula sa mga tindahan ngunit nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Medyo malayo pa ang high way dito sa looban at medyo matarik din ang kalsadang lalakarin ko pero ayos lang. Exercise narin. May mangilan-ngilang tricycle ang dumadaan at humihinto sa tabi ko ngunit kaagad ko silang iniilingan.
Naghahalo din kasi ang kaba, pag-aalala at excitement sa dibdib ko sa mga sandaling ito at gusto kong mawala ito sa pamamagitan nang paglalakad ko. Medyo maaga pa naman at hindi pa naman siguro ako male-late sa naka-set na appointment namin ni Mister Garland.
Ilang minuto rin ang naubos ko at pagdating sa itaas, sa mismong high way kung saan dumaraan na ang mga pampublikong mga sasakyan ay pinagpawisan ako ng sobra at hiningal sa pagod.
Ngunit hindi pa rin naman nawala ang mix emotions sa dibdib ko.
I saw the passengers struggling to ride in the passing jeepneys. Nakikipagsiksikan din sila sa loob. May ilang kalalakihan ang sumasabit na lang sa pinto ng Jeep.
Napahinga ako ng malalim. I'll experience all of this now and I have no right to complain 'cause I wanted it. I chose it for my wife.
Dumaan ang sumunod na Jeep. Hinayaan ko na lang na mauna ang mga babae na sumakay sa loob bago ako sumunod.
Ngunit pagpasok ko sa loob ay sobrang liit na ng space ng upuan sa kaliwang bahagi at halos kalahati na lang ng pang-upo ko ang nakalapat sa upuan.
"Kasya pa! Kasya pa! Sa kanan, oh! Pasuyo na lang po!" sigaw ng driver kahit nakita naman niyang halos wala na talagang maupuan din sa kabila.
Sabay-sabay namang nagsi-usod ang mga pasaherong babae na pansin kong nakatitig na sa akin. Nagkaroon ng maliit na space sa tapat ko at umupo doon ang isang pamilyar na babae.
"Oy, ikaw pala! Saan ka pupunta?" kaagad na bati sa akin ni Marian na nakilala din ako kaagad.
"Ah, sa trabaho. Ikaw?" I immediately swayed and quickly grabbed the handle above when the jeep suddenly started moving.
Kamuntik pa akong masubsob sa unahan. Tangina.
Napansin ko naman ang pinipigilang pagtawa ni Marian sa harapan ko. Tsk.
"Sa trabaho din. Saan ka bababa?" Napansin kong dumudukot na siya sa loob ng hawak niyang wallet.
"Ah--" Saan nga ba ako bababa? Hindi ko rin alam eh. Paano ba magpunta doon kung commute lang?
Napakamot tuloy ako sa ulo ko at hindi ko malaman ang isasagot ko.
"Hindi mo ba alam? Saan ba ang trabaho mo?"
"Ah, sa BGC Taguig."
"Oh, doon din ako! Sabay na tayo. Sa San Joaquin tayo bababa. Manong, ito po ang bayad namin."
Napahabol akong bigla ng tingin sa fifty pesos na iniaabot niya sa likod ng driver.
"H-Hey, n-no. A-Ako na. Sagot ko na." I immediately took her hand and lowered it over her bag, which was on her lap.
Napansin ko naman siyang natigilan at napatitig sa kamay kong nakahawak sa kanya kaya kaagad ko rin siyang binitawan.
"S-Sorry." Mabilis kong dinukot ang wallet ko sa bulsa ko and immediately pulled out one thousand pesos from there. I also don't have hundreds.
"Manong, ito na po ang bayad namin." I immediately handed it to the back of the Manong driver.
"N-Naku, walang isusukli d'yan si Manong," bulong ni Marian sa harapan ko ngunit nakuha na ni Manong ang one thousand pesos.
"Aba, eh pagkalaki-laki naman nito. Barya lang ho sa umaga, eh kalalabas ko lang. Wala pa akong isusukli diyan."
"Sabi ko sa iyo, ito na." Marian took out her fifty pesos again.
"Huwag niyo na pong suklian. Babayaran ko na po lahat ng sakay," kaagad ko namang sabi.
"Ha?" Nagulat naman si Marian at maging ang lahat ng sakay. Napalingon ako sa kanila at lahat sila ay nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin.
"B-Bakit?" Wala pa bang nanlilibre sa kanila na mga ka-sakay nila sa Jeep. Mura lang naman yata ang pamasahe.
"Babayaran mo na silang lahat, Iho?" tila nagtataka ring tanong ni Manong driver habang sumisilip sa rear view mirror.
"Opo. May problema po ba?"
"Aba, eh wala naman. Sa itinagal-tagal ko kasing nagmamaneho ay ngayon pa lamang may nanlibre sa lahat ng pasahero ko."
"Ang bait niya naman, Manong."
"Salamat, kuya ha."
"Salamat, Iho."
"Pagpalain ka."
"Ang bait na, ang gwapo po."
"Sana lahat katulad mo, Iho."
I smiled at what they said. Bigla tuloy gumaan ang nararamdaman ko sa dibdib ko.
Marian smiled as well as she stared at me. Magandang pampa-good vibes ito bago ako sumuong sa makabagong trabahong susuungin ko maya-maya lamang.