CHAPTER 7: Dessert

2573 Words
Reynard "Saan ka ba talaga pupunta? Dito na kasi ako eh. Dito ako nagtatrabaho. Doon ang employees entrance namin sa gilid," ani Marian paghinto namin sa tapat ng isang malaki at mataas na gusali. I looked up to the top of it and stared at its expansive restaurant below. Matataas din ang mga gusaling ka-hilera nito at maging ang mga nasa tapat na alam kong mga call center. Sa ibaba ng mga gusaling ito ay mayroong mga high class restaurant na sa pagkakaalam ko ay pagmamay-ari lahat ng mga Garland. "Dito lang din. Sige na, pumasok ka na," pagtataboy ko na kay Marian at itinago ang pagkagulat ko dahil dito rin pala siya nagtatrabaho. "Oh, sige. Ingat ka, ha. Salamat pala ulit sa libreng pamasahe." "Wala 'yon. Sige na." We just waved at each other. She turned around and went to the door on the side of the building where a few employees were also entering and the guards were searching their bodies. They also check the inside of their bags. Huminga ako ng malalim bago nagtungo sa entrance ng gusali. Sa itaas ng entrance/exit ay mababasa ang pangalan ng gusali. Garland. "Good morning, Sir," bati sa akin ng isang gwardya. "Good morning. May appointment ako kay Mister Mclaren Garland. Saan ang office niya?" "Sa 10th floor, Sir. Sakay lang po kayo ng elevator sa dulo." Itinuro ng isang Guard ang dulong bahagi sa loob ng gusali. Isang hallway ang lalakarin ko sa gitna mula dito sa entrnace. Sa magkabilang side naman ay mga restaurant at nahaharangan lamang ang mga ito ng glass walls. May mga mangilan-ngilan na ring kumakain sa mga oras na ito. Siguro ay mga nag-aalmusal. "Okay, thanks." They immediately let me inside. I kept walking until I reached the elevator. There was also a hallway to its left and right and I saw doors there. Sa tingin ko ay dito sa kaliwang bahagi naroroon si Marian dahil d'yan sa bahagi na 'yan naroroon ang employees entrance. The elevator opened and I immediately went inside. I pressed the 10th button and it immediately closed as well. Muli akong huminga ng malalim. Heto na naman ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Hindi rin nagtagal ay huminto na ang takbo ng elevator at kaagad din itong bumukas. Isang lobby ang bumungad sa akin na may mangilan-ngilang mga empleyado. "Good morning, Sir. Kayo po ba si Mister Reynard Mendoza?" Isang babae ang kaagad na lumapit sa akin at mahinang nagtanong na para bang ayaw niyang iparinig sa iba ang tinig niya. "Yeah." Kaagad din naman akong ngumiti at tumango sa kanya. "Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Sumunod po kayo sa akin." Kaagad na rin siyang tumalikod at naglakad patungo sa isang pinto na nasa gitnang bahagi ng malawak na lobby na ito. Kaagad din naman akong sumunod sa kanya. Out of the corner of my eye, I noticed some women here looking at me and whispering but I didn't bother to look back at them either. Sana lang ay walang makakilala sa akin isa man sa kanila. Isa sa ipinagpapasalamat ko na hindi ko pa inilalathala sa mga social media sites o sa mga magazines ang mga litrato ko bilang CEO ng Richmond Land Corporation na pag-aari namin. Richmond Land Corporation is the largest property developer in the Philippines, with core businesses in strategic landbank management, residential development, shopping centers, corporate businesses, and hotels. And our family is the third-largest well-known owned corporation in the Philippines. Ilan pa lamang sa mga negosyante ang nakakakilala sa akin dahil kapapasa pa lang sa akin ni Dad ng kumpanya. At siya pa rin hanggang ngayon ang kilalang humahawak nito. Pinili kong itago na muna sa publiko ang identity ko dahil sa matagal ko nang planong ito, ang kumopya ng identity ng iba para sa mahal kong asawa. "Sir, nandito na po si Mister Mendoza." Bumungad sa amin ang malawak at marangyang opisina. I looked at Mclaren who was now next to the glass wall and carrying a baby. Nandoroon din ang asawa niyang si Hescikaye, na pinsan naman ni Keithe, ang asawa ko. "Reynard, hi," nakangiting bati kaagad sa akin ni Kaye. "Hi." I immediately smiled at them. "Iwan mo na kami. Thank you," Mclaren said to his secretary before facing me. "Nice to meet you, Mister Mendoza." "I'm also glad to meet you." Saglit kaming nagkamay sa isa't isa kahit nasa isang braso pa niya ang baby niya. "Have a seat." "Thanks." Kaagad din naman akong umupo sa isang upuan na nasa harapan ng office table niya. "Akin na si baby." Kaye immediately took their baby from him, which as far as I know is only a few months old. Hindi ko na naman maiwasang makaramdam ng inggit sa kanila. Isa rin sa mga dahilan kung bakit dito ko napiling magtrabaho sa mga Garland ay dahil kay Kaye. I can ask her for help about her cousin and I trust her even if we're not that close. Si Kaye kasi ay bihira tumira sa mansion nila sa Palawan noon dahil sa kakaibang trato sa kanya ng step-father niya. Mas pinipili niyang magtrabaho bilang cook sa ibang resorts na pag-aari din nila ngunit malayo sa pamilya niya. Magkaiba naman sila ng ugali ni Keithe. Si Keithe dati ay hindi ugaling makipag-socialize sa labas. She is always confined to their house or her room and she loves to make friends on the internet. Kahit ang mga pinsan niya na katulad ni Kaye ay hindi rin siya malapit. "Sigurado ka na ba d'yan sa desisyon mo? I'm warning you, Mclaren is a great actor," Kaye said as I could feel the sarcasm in her voice as she looked at her husband who was now sitting in the swivel chair as well. Natawa naman ng malakas si Mclaren. No'ng isang gabi pa lang kasi ay nakausap ko na si Mclaren tungkol dito at hindi nga malayong malalaman din ni Kaye ito na ayos lang din naman sa akin. "Did you hear that? My wife is really proud of me," natatawa at naiiling naman niyang sagot kay Kaye. "Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan kung paano mo ako pinahirapan noon." "You still can't move on, baby. You wanted that and Mister Mendoza wanted it too." "Reynard na lang," kaagad ko namang sagot sa kanya at hindi ko rin mapigilang mahawa sa mga ngiti nila at asaran nila, na may halong inggit siyempre dahil sana, ganyan din kami ng asawa ko. "A'right, Reynard. You can start now. Masusubukan na naman ang pagiging best actor." Muli na naman siyang humalakhak. As far as I know according to the news I watched before about them, dahil noon ay naging laman sila ng mga balita sa t.v at diyaryo, sa malaking trahedyang nakasangkutan nila noon. Kaye pretends to be a nerd or ugly woman just so she can hide from Mister Kennedy Villaroel, who is her step-father and Keithe's uncle. Dapat kasi noon ay ikakasal si Kaye sa ibang lalaki upang sila ang sumagip ng negosyo nilang nalulugi na. Ngunit tumakbo at nagtago si Kaye sa ibang katauhan kaya't si Keithe ang naisip nilang paraan na naging pabor din naman sa akin. We got married, just a week ago since Kaye left. But they still didn’t stop looking for Kaye back then 'cause even though Keithe and I were already married, Mister Kennedy still wanted Kaye to marry the Montgomeries ’son, Shield. Ngunit isang trahedya ang naganap noon na siyang ikinalala ng sitwasyong ng mga Villaroel. Kaagad din namang nagsara ang kasong iyon na siyang ikina-tahimik din ng lahat. Naging maayos na ang buhay nila matapos niyon. I don't know what kind of best actor this couple is referring to me right now but hopefully, I will succeed like them. *** Keithe "B'wisit na traffic!" Hindi ko napigilang hampasin ang manibela ng kotse ko nang maipit na naman ako sa nakakainis na traffic dito sa kahabaan ng Edsa. Kung kailan naman nagmamadali ako, saka pa sumingit itong malaking truck sa unahan ko. Napalingon naman ako sa phone ko nang bigla na lamang itong umilaw at nag-flash sa screen ang pangalan ni Mclaren, ang kaibigan kong asawa ng pinsan kong si Kaye. "Ano naman kaya ang kailangan nito?" I immediately answered it and just turned up the speaker. "Hey, Keith," kaagad niyang sagot mula sa kabilang linya. "What do you need? I'm driving." "Oh. Come over here to my office, I'll give you something." "Ano 'yon? Bakit hindi mo na lang ini-utos sa Messenger mo?" "Ahm, Kaye and baby Mckerson are also here. Di ba, kayong dalawa ang nagplano para sa set up ng binyag ni baby? Malapit na 'yon kaya dapat ay maasikaso na lahat." "Oh, okay. Ang plano ko kasi sana pupunta na lang ako sa house niyo pero sige, dadaan na lang ako d'yan mamaya. May sasaglitan lang ako." "Yown. A'right, they'll just be waiting for you here in the office." "Okay, bye." Kaagad ko na ring pinutol ang linya at muling pinausad ang sasakyan nang lumuwag na ang kalsada. I am now going to our house in Villa Verde in Pasig to pick up the envelope I left with Reynard. Isa iyong annulment paper. Gusto ko nang tapusin ang kasal namin upang pare-pareho na kaming matahimik. I want to move on with all of this. Makakaya ko pa siyang patawarin kung pipirmahan na niya ang document na iyon. Kakalimutan ko ang pagtatraydor na ginawa niya sa akin ngunit ang mabuting pagkakaibigan namin noon ay hindi na ako umaasang babalik pa. Nasira na ang lahat ng ito matapos niyang pumayag sa mga magulang namin na maikasal kami. Sinira niya ang buhay ko, ang pangarap ko at winasak niya ang puso ko na dapat ay masaya na ngayon. Imbes na kay Jayvee ako maikasal na lalaking pinakamamahal ko ay hindi. Maging siya ay iniwan na rin ako at nabalitaan kong mayroon nang ibang girlfriend ngayon. Naramdaman ko ang pag-agos ng mainit na mga luha ko sa pisngi kaya dagli ko itong pinunasan. Until now, it's still so painful and my heart continues to bleed. Hindi ko kayang ipilit ang puso ko sa kanya kung ibang lalaki pa rin ang itinitibok nito. At naghahalo pa rin ang galit at sama ng loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya. No matter what he does, my heart still can't accept him. Kung hahayaan na niya akong maging malaya, baka sakaling maghilom na rin ang sugat nito at makaka-usad na rin ako kahit papaano. Dahil pakiramdam ko hanggang ngayon, nakadapa pa rin ako sa putik. No matter how hard I tried to lift myself, I still couldn’t cope. I still can't do it. Ang bigat-bigat pa rin. Ang hirap-hirap pa ring mabuhay sa araw-araw. I just stopped my car in front of our house and then went inside. Hindi ako sigurado kung naririto siya ngayon, wala rin naman akong pakialam kung nasaang lupalop man siya naroroon. Umakyat ako sa itaas ng bahay at kaagad na pumasok sa silid namin. Malinis ang kama at tila hindi nahihigaan. Inuna ko nang pinuntahan ang bedside table at binuksan ang drawer nito. Nakita ko kaagad doon ang envelop. I immediately opened it and pulled out the annulment paper from there. Ngunit gano'n na lamang ang pagngingitngit ko nang wala akong nakitang anumang pirma niya doon. "Nakakainis! Aaaahh!!!" Hindi ko napigilang damputin at ihagis sa sahig ang photo frame namin ng kasal at nangabasag ito sa sahig. "Bakit kasi ayaw pa niyang pirmahan?! Palayain na lang niya ako! Mas lalo niya lang akong pinahihirapan!" Nanghina ako ng sobra at napaupo sa sahig kasabay nang pag-agos muli ng mga luha ko sa pisngi. Ginagawa niya lang impyerno ang buhay ko sa ginagawa niyang ito. Kung talagang mahal niya ako, palayain na lang niya ako. Hayaan na lang niya akong mag-isa. Hayaan na niya akong maging masaya sa iba! I couldn’t even stop crying at the pain I was feeling. Kung ang iniisip niya ay ang malaking pagkakautang namin sa kumpanya niya, makakaya ko naman iyon bayaran. Ipapaliwanag ko na lang ng maayos sa mga magulang namin ang lahat sa paraang hindi naman siya magiging masama sa paningin nila. Kahit naman ganito ang ginawa niya sa akin, minahal ko pa rin siya bilang kaibigan at parang kuya ko na. We’ve been through a lot and I’ll still consider all of that. Sana naman maging gano'n din siya sa akin! Inis kong pinahid ang mga luha ko at muling lumabas ng silid. Iniwan kong muli doon ang envelop at wala na akong pakialam sa nabasag na frame. Bahala siyang maglinis. When I got back in the car, I took a deep breath before driving it to Taguig where Mclaren's office is located. Inayos kong muli ang sarili ko dahil wala silang alam sa pinagdadaanan ko ngayon. Ni hindi ko pa rin sinasabi sa mga kaibigan ko na kasal na ako. Ngunit kahit naman may mga ipinakikilala sila sa aking mga lalaki ay hindi ko pa rin makuhang i-entertain sila dahil alam kong nakatali pa ako. Hindi pa rin kaya ng kunsensiya kong gawin 'yon. *** It took me almost an hour to get to the Garland building in Taguig. I was immediately assisted by guards and helped to park in front of the building. Kilala na rin naman kasi nila ako at ang sasakyan ko, sa palagi naming pagtutungo dito kasama ang mga kaibigan namin. Dito pa lang sa labas ay natanaw ko na si Kaye sa loob ng VIP Room sa loob din ng restaurant. Nakita niya rin naman ako at kaagad siyang kumaway. Naroroon si Mclaren at si Sydney na siyang may karga kay baby Mckerson. Naririto rin pala ang babaeng ito. "Good afternoon, Ma'am," the guards greeted me. "Good afternoon." Nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob at dumiretso sa kanang bahagi ng restaurant. Marami-rami ang kumakain dito sa labas ng VIP Room at abala ang mga waiter at waitress sa pagse-serve sa kanila. "Good afternoon, Ma'am," isang lalaking supervisor ang bumati sa akin at in-assist ko sa pagpasok sa VIP Room. "Thank you." Pagpasok ko sa loob ay marami nang inihahayin na pagkain sa mesa ang isang lalaking waiter na nakatalikod sa kinaroroonan ko. "Hey! Akala ko mamaya ka pa darating. Mauuna na sana kaming kumain," nakangising sabi ni Mclaren. "Ipinapahalata mo lang talaga kung gaano ka kasiba," nakangiwi ko namang sagot sa kanya ngunit humalakhak lang siya. Nakipagbeso naman ako kay Kaye na napansin kong may alanganing ngiti sa akin. "Problema mo?" "Nothing." She immediately smiled as well. Weird. "Baby, Ker! Ninang is here!" Kaagad ko namang nilapitan si Sydney na nasa kabilang bahagi ng pahabang table at siyang may buhat sa anak nila Kaye at Mc. "Ooppss, sorry." Muntik ko pang mabangga ang waiter na nag-aasikaso ng mga pagkain sa table ngunit hindi ko na siya pinagkaabalahan pang tingnan at nagpatuloy na ako sa paglapit kay Sydney. "Reynard, pakidalhan mo na rin kami dito ng dessert. Patulong ka na lang kay Marian, please." "Yes, Sir." "Thanks." Ngunit gano'n na lamang ang paninigas ko at pagkabog ng malakas ng dibdib ko nang marinig ko ang tinig ni Reynard. Mabilis akong lumingon sa likod ko at gano'n na lamang ang pagtulala ko nang maabutan ko pa ang napakagandang ngiti ni Reynard bago siya tumalikod at naglakad patungo sa pinto habang may itinutulak na serving cart. R-Reynard? W-What the hell? Gano'n na lamang ang pangangatog ng tuhod ko at panginginig ng katawan ko nang mapagmasdan ko na ang kabuuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD