Keithe
R-Reynard...p-paanong nangyaring--?
"Hey, is there a problem? Do you want to order something from him?"
Napababang bigla ang paningin ko kay Mclaren. Bigla akong naguluhan. Hindi ba niya kilala ang lalaking 'yan? Hindi ba niya kilala ang anak ng may-ari ng kilalang pinakamalaking land corporation dito sa bansa?
"Ahm--" Napalingon ako kay Kaye dahil alam kong kilala niya si Reynard.
Nakita ko ang alanganin niyang pagngiti.
"Can we talk?" I asked her and she immediately nodded.
Muli akong lumingon sa pinto ngunit tuluyan na itong nagsara. Si Reynard ay nakalabas na rin.
"Why? May problema ba?" tanong din ni Sydney at mababakas din ang pagtataka sa mukha niya habang nagpapabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Kaye.
Ngunit hindi ko siya pinansin at minabuti kong lumabas na muna ng VIP Room, dire-diretsong palabas ng restaurant. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Kaye sa akin.
"Paano nangyaring nandito siya? Paano nangyaring isa siyang waiter?" kaagad kong tanong kay Kaye na saglit ko lamang nilingon sa likuran ko at nagpatuloy ako sa paglabas ng gusali.
"I don't know either. I was just surprised when I came here earlier, he's already here."
"Did you tell Mc? Did you ask him about that man? About us?" Kaagad ko siyang hinarap nang makalapit na kami sa kotse ko.
"I just asked him when he hired new employees. Nagdagdag kasi siya ng mga tao dahil nag-expand din kasi siya ng isa pang restaurant dito. And ang sabi niya, last week pa."
"My God! So, last week pa rin siya nandito?"
"Maybe. Hindi ko na siya masyadong inusisa dahil baka magtaka na siya sa akin. Alam ko naman kung ano ang estado mo sa kanila."
"Pero hindi ba niya talaga kilala ang taong 'yon?" Napahilot akong bigla sa sentido ko.
"I'm not sure. I haven't seen anything strange in him."
I was suddenly f*****g frustrated.
Paano kung may makakilala sa kanya dito? Sa hitsura niyang 'yon, tawag-pansin siya dahil hindi naman siya kagaya ng mga simpleng mamamayan lang dito o kagaya ng mga trabahador na lalaki dito, kahit pa magsuot siya ng mga gano'ng uniform.
His smooth and white skin, which wasn't obvious from a poor family. His bicep. His elegance. Damn! He looks like he belongs to the hottest and sexiest actors in this country! God! Mababaliw yata ako!
Halos mapasabunot ako sa buhok ko dahil hindi ko inaasahan ito.
"Come on, let's go inside. Mas lalo kang mahahalata kung hindi ka babalik doon."
"W-Wait, how about Sydney? Do you think she knows anything?"
"Hmn, kanina binati niya si Reynard dahil nga sa napakagwapo. She added, Reynard is probably the most handsome waiter she has ever seen in her entire life," nakangisi niya namang sagot sa akin at hindi ko mapigilang mainis.
Mukhang pati waiter, kakanain ng babaeng 'yon.
"Are you jealous?" Kaye asked with a smile that made my eyes widen.
"No way! Why should I be jealous? Kahit pa yata mambabae siya, wala akong pakialam! Mas mabuti 'yon para magkaroon ng mas malaking tyansang maaprobahan ang annulment namin."
"Ssshhh..."
Bigla naman akong natahimik sa ginawa niyang pagsaway at napalingon ako sa paligid. Hindi ko namalayang napalakas na pala ang boses ko.
"Kausapin mo na lang siya kung bakit siya nag-apply dito. Baka naman itinakwil na siya ng parents niya?"
"Imposibleng mangyari 'yon."
"Hmmn, okay. Let's go back inside. Sumasakal na ang dibdib ko. Ayusin mo na lang 'yang hitsura mo at ingatang huwag mahalata nila."
Napabuga ako ng malakas na hangin at hindi ko pa rin mapigilan ang inis ko.
Muli kaming bumalik sa loob at sakto namang naroroon na nga siya kasama ang isang waitres. They were busy placing and arranging desserts in the center of the table.
"Anong pinag-usapan niyo at kailangan niyo pang lumabas?" tanong ni Mclaren.
"Mayroon ba kaming hindi nalalaman?" tanong din naman ni Sydney habang may makahulugang tingin sa amin ni Kaye.
"Nothing. It's just family matters," walang emosyon kong sagot sa kanila.
Pinili kong umupo sa upuan na nasa tabi ni Reynard. Ni hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin habang abala siya sa ginagawa niya.
"Ahm, can you bring me juice?" nasabi ko kasabay nang pagtingala ko sa kanya.
Lumingon din naman siya sa akin at doon na nagtama ang aming mga mata. At sa hindi ko malamang dahilan ay muling lumakas ang kabog ng dibdib ko at nag-umpisa na namang mangatog ang mga tuhod ko.
"Sure, Ma'am. Ano po bang flavor ang gusto niyo?" napakalambing niyang tanong habang taimtim na nakatitig sa akin. Sumilay din ang napakaganda niyang ngiti sa mga labi niya.
Namalayan ko na lamang na nanunuyo na ang lalamunin ko kaya't mabilis kong kinuha ang basong nasa tabi ng plato ko at kaagad itong ininom.
"K-Kahit ano." Iniwasan ko na ang mga mata niya dahil hindi ko na ito nakaya pang salubungin.
"Hey, girl. Don't tell me, you're also attracted to poging waiter? Nauna na ako d'yan."
I suddenly turned to Sydney when she said that. Nauna? What the f**k does she mean?
Nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin, na para bang sinusubukan ko siya. Ipinasa na rin niya si baby Ker kay Kaye.
"By the way, this is not my child, hmn? For your information, dalaga pa ako," she said to Reynard again with a sweet smile.
"What the f**k are you saying?" inis ko namang sagot sa kanya.
Narinig ko naman ang pagtawa ng malakas ni Mclaren kaya sa kanya naman ako napalingon. Out of the corner of my eye, I noticed Reynard's smile again so I couldn't help but look back at him and give him a sharp look.
"P'wede bang pakidala na lang nang iniuutos ko?!" inis ko nang sambit sa kanya.
"S-Sorry po, Ma'am. Kukunin ko na po," magalang niya namang sagot ngunit hindi naman nawala sa mga labi niya ang ngiti niya habang tumatalikod na siya sa amin.
Tuwang-tuwa ba siya na nilalandi siya ng haliparot na Sydney na ito?
"Why did you scold my waiter like that? He's just new here," said Mclaren who started eating.
"Bago lang siya kaya ayusin niya ang trabaho niya!" inis ko namang sagot sa kanya. Sinimulan ko nang damputin ang tinidor at kutsilyo na parang kay sarap gamiting panaksak sa katabi kong babae.
"Oops. I guess I need to get away from her a little bit."
Napalingon akong muli kay Sydney na hindi matigil sa pagtawa. Mukhang nananadya pa siya ng lagay na 'yan.
"Maayos naman siyang nagtatrabaho and besides, he's very kind and polite not only to us but also to our customers. Baka nga hindi pa siya nagtatagal dito ay mai-promote ko na kaagad siya."
"What?" Hindi ko maiwasang magulat sa sinabing iyon ni Mclaren.
"Why? That's exactly what I do to my employees here. If I see that they have potential and dedication to their work, they should just elevate their position and also increase their salaries. Nakatulong pa ako sa kanya at sa pamilya niya kung mayroon man siyang binubuhay na pamilya."
Napatanga na lang ako habang nakatitig kay Mclaren. Mukha siyang seryoso at tila wala talaga siyang ka-ide-ideya kung sino ang Reynard na tinutukoy niya at tinanggap niya sa kumpanya niyang ito.
Baka mahimatay na lang siya kapag nalaman niyang Unijo Hijo ng isa sa mga pinakamayayamang pamilya dito sa bansa ang taong inuutos-utusan niya at inuulila niya dito sa restaurant niya.
"Kumain na nga lang kayo. Baka mamaya, bigla na lamang dumanak ang dugo dito. Marian, pakidalhan naman ako ng mainit na tubig, please? Just in a cup," sabi naman ni Kaye na nasa kanang bahagi ko.
I turned to her but her attention was on the waitress.
"Sige po, Ma'am." Kaagad din namang tumalima ang waitres.
I couldn't answer 'cause I didn't even know what to say. I'm afraid they'll notice what I'm doing.
Sinimulan ko nang lagyan ng pasta ang plato ko ngunit ramdam ko pa rin ang inis sa dibdib ko at hindi ko mapigilang baguhin ang ekspresyon ng mukha ko na alam ko ngayong nakabusangot sa harapan nila.
"Bakit parang ang init yata ng ulo mo ngayon? Kanina naman, ang saya-saya mo noong dumating ka," muling sabi ni Sydney habang nagsisimula na rin siyang kumain.
"Huwag mo na lang pansinin. Nadagdagan lang ng problema sa pamilya namin kaya mainit ang ulo niyan," sagot naman sa kanya ni Kaye na laking ipinagpapasalamat ko.
"You can tell us whatever it is. What else is our friendship for?"
"Hindi na. I can handle this," walang emosyon ko namang sagot sa kanya at nagpatuloy na lang din sa pagkain.
Hindi nagtagal ay muling bumalik si Reynard na may dala na lamang tray na naglalaman ng isang baso at isang tasa. Ang isa ay umuusok at ang isa naman strawberry juice na ikinahinto ko.
'Yong favorite fruit juice ko pa talaga ang dinala niya.
"Here's your juice, Ma'am." Tumabi siya sa akin at maingat na inilapag ang baso ng strawberry juice sa tabi ng plato ko.
Hindi ako nakakilos nang malanghap ko na ang mabango niyang cologne na hindi pamilyar sa akin dahil sa halos pagkakadikit na niya sa akin.
Nagtaka ako dahil mabango ang ginamit niyang cologne ngunit sigurado akong hindi iyon katulad ng mga mamahalin niyang pabango na palagi niyang ginagamit.
"Whoa! That looks delicious! But wait, parang wala ka namang nabanggit kanina na strawberry juice ang hinihingi mo sa kanya? Is it just a coincidence na 'yong favorite juice mo talaga ang nadala niya para sa iyo?" bulalas naman ni Sydney sa tabi ko na ikinahinto ko.
Hindi kaagad ako nakasagot at hindi ko malaman ang sasabihin ko.
"Gusto niyo po bang dalhan ko rin kayo, Ma'am?"
Napatingala ako kay Reynard at muli ko na namang nasilayan ang napakaganda niyang ngiti habang nakatitig kay Sydney.
"Yes! Gusto ko 'ya--"
"You don't eat strawberries, do you?" kaagad ko namang putol kay Sydney.
"Hmnn, yeah. Pero mukha kasing masarap ang timpla niya eh. Ikaw ba ang gumawa niyan?" baling niya naman kay Reynard.
"Yes, Ma'am, and I'm sure magugustuhan niyo ang timpla ko."
"Oh, my God! May ipagmamalaki ka naman pala. Sure, gusto kong matikman 'yang sa iyo--"
Biglang umingay ang tinidor at kutsilyong hindi ko namalayang nabitawan ko na pala at nalaglag sa plato ko.
"Here, ikaw na ang uminom nito. Wala na akong gana." I quickly picked up the strawberry glass and immediately moved it next to Sydney’s plate.
"Oh, ayaw mo na?" Pansin ko naman ang pagtataka sa kanya habang nakatingin sa akin.
"I'll go ahead." I immediately stood up with my bag.
"Where are you going?" Mclaren asked but I ignored him.
"W-Wait, paano 'yong tungkol sa binyag ni baby?" tanong naman ni Kaye.
"I'll just go to your house. Doon na lang natin pag-usapan." Yumukod ako kay baby Ker na mahimbing na natutulog sa braso niya.
Mabilis akong humalik sa pisngi nito bago ako kaagad na tumalikod at lumabas ng VIP Room. I continued out of the restaurant without looking back at them.
Umaasa ako na lalabas si Reynard at hahabulin niya ako. Kailangan ko rin siyang makausap at kastiguhin kung bakit niya ginawa ito? I suddenly remembered Jayvee with him. Is he trying to imitate my ex? But why?!
Nasisiraan na ba siya?!
I got in the driver’s seat of my car and waited a few minutes for him but no Reynard came out.
"f**k! Damn him!" Hindi ko napigilang pagsusuntukin ang manibela ng kotse ko.
Kaagad ko na ring binuhay ang makina nito at pinaharurot paalis.
Siguro ay mas mabuting doon ko na lang siya hintayin sa bahay namin upang hindi na kami makatawag pa ng atensyon dito. Kailangan niyang ihinto ang kabaliwan niyang ito!
***
It was less than an hour before I got home. Hindi ko na pinagkaabalahan pang ipasok sa loob ng gate ang kotse ko dahil wala naman akong balak na matulog dito. Hindi ko maaatim na makasama siya ng matagal.
Pagpasok ko ng bahay ay nagdire-diretso ako patungo sa mini bar na malapit sa living room. I immediately grabbed a bottle of wine and quickly drank it.
Mas lalo lamang nadagdagan ang inis at galit na nararamdaman ko sa kanya dahil sa ginawa niyang ito.
Lumipas ang ilang oras ay naisipan ko nang tawagan si Kaye.
"Yes, Keith? Nasaan ka na? Nakauwi ka na ba?" kaagad niyang sagot mula sa kabilang linya.
"Yeah, gusto ko lang malaman kung anong oras ang out ni Reynard but wait--are you still in Mclaren's office right now?"
"Yeah pero pauwi na rin kami. Nag-out na si Reynard kani-kanina lang. Maybe he'll be home by this time."
"Okay, thanks. Bye." Mabilis ko na ring pinutol ang linya at huminga ng malalim. Nakahanda na ako para salubungin siya. Medyo tipsy na rin ako dahil hindi ko namalayang naparami na ang nainom ko.
I went to the window even though I was a little dizzy and peeked outside. Napansin kong naririto ang tatlo niyang kotse at ang motorsiklo niya. Wait. Anong ginamit niyang sasakyan kanina? Wala?
Baka naman magta-taxi siya upang hindi nila mahalatang mayaman siya. Hmp! Tingnan lang natin kung makakaya mong tumagal sa pagiging mahirap. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka rin magtatagal. Sa una ka lang mayabang.
Muli akong bumalik sa mini bar at muling tumungga ng alak. Muli akong naghintay hanggang sa makaramdam na ako ng antok.
Naisipan kong umakyat sa second floor. Sumilip ako sa loob ng silid namin at nandoroon pa rin ang basag na frame sa sahig. Muli kong isinara ang pinto at nagtungo sa guest room kung saan ginawa ko nang sarili kong silid.
I went in and there chose to lie down on the bed. Mararamdaman ko naman ang mga yabag niya kung naririyan na siya sa labas.
Hanggang sa tuluyan na akong hinila ng matinding antok.
***
Maliwanag na sa labas ng bintana nang magising ako.
Huh? Umaga na!
I got up and hurried out of the room. Kaagad akong nagtungo sa silid namin ngunit napahinto ako nang mabungaran ko pa rin sa sahig ang basag na frame. Malinis at maayos ang kama na parang hindi man lang nasayaran ng kahit pang-upo man lang niya.
What the hell? Hindi ba siya umuwi?
I immediately got out and looked down into the living room. Napakatahimik doon at ang bote ng alak na ininom ko kagabi ay nakapatong pa rin sa counter ng mini bar.
Napahinto ako. Bigla akong nanghina at nakaramdam ng kakaibang disappointment.
Hindi siya umuwi. Saan naman siya natulog? Huwag niyang sabihing kumuha na rin siya ng condo unit niya?
Hindi man lang ba niya naisip na maaaring umuwi ako dito at kakastiguhin ko siya? Hinayaan niya akong matulog dito ng mag-isa!